Chapter- 1
Sa islang iyon siya nagkaisip, lumaki, at nagdalaga. Sa isla ring ‘yon umikot ang kabataan niya.
Her name is Shyramae Ventura Jones, eighteen-years-old, ulilang lubos na iniwan sa isang malayong kamag-anak. Isa siyang half-Filipina, half-European kaya kahit sa tabing dagat siya lumaki ay naiiba ang itsura niya mula sa mga kasing-edad niya. Ang sabi ng mga nakakakilala sa nanay niya ay napakagada raw nito, at napakagwapong mestiso naman ang kanyang papa.
Sa taas na 5’6”, ay slim at fair-skinned siya kaya pansinin siya ng mga tao— lalo na ng mga kalalakihan.
Mula nang umedad ng sixteen ay ganito na lagi ang laman ng kanyang mga panaginip. Sa tuwing matutulog siya kada-gabi ay paniguradong dadalawin siya ng kaparehong lalaki.
"Halika lumapit ka,” sabi ng isang matipunong lalaking walang saplot habang nakatayo ito sa kadiliman. Gusto niyang tumakbo palayo dahil sa takot, pero hindi niya maihakbang ang mga paa niya. Sa tuwing nagtatama ang kanilang mga tingin, pakiramdam niya ay hinihipnotismo siya nito.
Nakaangat pa rin ang isang braso nito habang dahan-dahan siyang lumalapit. "Halika lumapit ka."
Ayaw ng isipan niya, pero alipin nito ang kanyang katawan — kusang sumusunod ‘yon sa mga sinasabi nito. Naramdaman niya ang paghila nito sa kanya nang maabot siya nito. Kasabay ng paglibot ng braso nito sa kanyang baywang ay kanyang pangingilabot. Malakas siya nitong kinabig at naglapat ang kanilang mga katawan.
"Alam mo bang matagal na kitang hinahanap? Narito ka lang pala sa islang ito."
Naramdaman niya ang kakaibang init nakadikit ang katawan nito sa kanya. Dama niya rin ang unti-unting paglapit ng mukha nito sa kanyang leeg. Napasinghap siya dahil sa kakaibang sensasyon na lumulukob sa kanyang kabuuan. Napaliyad, napaungol, at manaka-naka’y kinikilabutan siya.
Humahaplos ang mainit nitong palad sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Para siyang lumulutang sa hangin dahil sa masarap na pakiramdam nang bigla siya nitong binitiwan at nahulog siya mula sa kung saan.
BLAG!
Napadilat si Shyramae nang maramdaman ang pagsakit ng kanyang likuran. Tumama kasi iyon sa matigas na sahig.
"Pakshet panaginip na naman!"
Agad siyang tumayo at tumuloy sa kusina. Nagliliwanag na rin ang paligid. It was already past five in the morning. Kailangan niya na ring magmadali para makapag-prepare ng sarili. Kailangan kasi, six sharp ay nasa malaking bahay na siya kagaya nang everyday routine niya.
Isa siyang maid sa napakalaking bahay at tanging matandang mag-asawa lang ang nakatira roon. Ang sabi ng mga ito ay nasa ibang bansa raw lahat ng mga kaaanak nila. Pati na ang mga apo nila ay wala rin sa Pilipinas. Dalawang taon na siyang naglilingkod sa bahay ng matatanda at sa hinaba ng panahong ‘yon ay hindi niya pa nakikita ang kahit na sinong kapamilya ng mga ito.
Napakabait ng mga amo niya, kaya naman napapako madalas ang pangarap niyang umalis sa isla. Gusto niyang magtungo ng Maynila, pero hindi niya magawang iwanan ang mga amo. Nag-iisa lang siyang maid ng mga ito, at stay-out pa siya. May hardinero naman sila. Mayroon ding taga-luto at isang nurse. Siya ang tagalinis ng buong kabahayan at tagalaba ng maruming damit ng dalawang matanda.
Parte na rin ng routine niya ang dumiretso sa lalagyan ng maduming damit ng matanda oras na umapak siya sa bahay. Otomatiko na dadalhin niya sa laudry room ang mga damit at isasalang sa washer na naroon. Pagkatapos ng mga iyon ay saka pa lang siya mag-uumpisahang maglinis ng buong bahay. Maraming kwarto rito at malalaki ang ang mga iyon. Kaya naman buong araw siyang abala sa gawain.
Minsan napapaisip siya kung bakit kailangan pang linisin ang mga kwarto roon, samantalang wala namang gumagamit. Nakakapagtaka lang kasi, dahil lagi rin namang naka-lock ang mga pinto niyon. Ang totoo ay may kakaibang takot din na sumasakop sa kanya kapag nasa loob siya ng mga kwarto. Mas madalas, hinuhuli niyang linisin ‘yong dalawang kwarto sa dulo.
Twice a month ang pagpapalit ng mga kurtina sa naglalakihang mga bintana. Hindi naman siya ang gumagawa niyon dahil may pumupunta roon na tagapalit.
"Shy, gusto ka naming makausap. Sumunod ka sa akin sa library, hija," pahayag ng matandang babae.
"Opo señora," Agad namang binitiwan ng dalaga ang ginagawa niya at tumalima sa utos. Kumatok muna ang matangdang babae ng dalawang beses sa pintuan, bago nito tinulak ‘yon. "Come in.
Sinunod niya muli ang sinabi ng señora at dumaan sa harapan ng matandang lalaking nakaupo sa likod ng desk.
"Hija, maupo ka." Isinenyas ng doña ang mahabang upuan. "Gusto ka naming kausapin dahil sa susunod na linggo ay lilisanin na namin ang malaking bahay na ito. Matatagalan bago kami makabalik muli rito. Nasa iyo ang desisyon kung mananatili ka sa bahay na ito, hija. You can decide."
Sasagot na sana siya nang senyasan siya ng matanda na makinig muna. "Kung mananatili ka rito ay makakasama mo ang hardinero at ang tagaluto. Hindi lang iyon. Gusto ko ring malaman mo na darating dito ang kaisa-isang apo naming lalaki. Kung kami ang tatanungin mo ay nais talaga naming manatili ka rito para pagsisilbihan mo si Knight. Personal mong aasikasuhin ang mga pangangailangan niya. Ikaw din ang makakasama niya kahit saan niya gustong pumunta. Kakailanganin mong sundin ang lahat ng gusto ng apo namin. Hindi madaling pakisamahan ang apo namin, pero kung magagawa mo nang maayos ang trabaho mo at makakasundo ka niya ay may malaking reward ka sa amin. Gusto namin na makuha mo ang loob ni Knight. May mga papeles dito na kailangan mong pirmahan, basahin mo muna ang mga ito bago ka magdesisyon."
Pagkatapos abutin ang tatlong pirasong papel ay masinsinan niya iyong binasa. Parang inulit lang naman niyon ang sinabi ng matanda. Namilog ang kanyang mga mata nang mabasa ang halagang nakasulat sa isang parte ng kontrata. Napakalaki niyon at higit pa sa sapat para makapag-aral siya ulit.
"Decide hija, willing ka ba na manatili sa bahay na ito?"
"Opo,” nahihiyang sagot niya. “G-Gusto ko pong makatapos ng pag aaral kaya tinatanggap ko po ito."
Inabutan siya ng ball pen ng matanda. Walang pag-aalinlangan na pinirmahan niya ang kontrata nang dahil sa pera. Masayang napangiti ang mag-asawa habang nakatunghay sa kanyang ginagawa. Ewan kung bakit, pero parang kakaiba ang kislap ng mga mata nito.
Matapos magpaalam ay lumabas na siya ng library. Nakasalubong naman niya ang may edad na tagaluto.
"Ano, Shy? Pumayag ka ba sa inaalok ng mag-asawa?"
"Opo, Nanang," nahihiyang sagot niya rito.
"Ay salamat naman at hindi na kailangang kumuha pa ulit si señora ng makakasama ko rito."
"Ibig mo po bang sabihin mag-i-stay din kayo rito, Nanang?"
"Oo, hija. At sa pagkakaalam ko, pati ang hardinero ay mananatili rito."
Masayang natapos ni Shy ang kanyang trabaho. Masigla pa rin siya hanggang makauwi. Sa wakas makakapag-aral na siya. Ngayon palang ay iniisip na niya ang kurso na kanyang kukunin.
Kinabukasan ay may iniabot sa kanya ang señora. "Ito ang susi ng magiging kwarto ng señorito mo, hija puntahan mo at siguraduhing malinis iyon. Mula ngayon ay ikaw na ang mangangalaga ng mga importanteng gamit na may kinalaman sa apo ko."
"Opo."
Matapos magpasalamat ay umakyat na siya sa ikalawang palapag. Medyo madilim ang pasilyo dahil sa makakapal at dark din ang kulay ng mga kurtina. Hindi naman niya iyon basta mahawi para makapasok ang araw. Masyado kasi iyong matataas at mabibigat. Ini-on nalang niya ang mga ilaw saka tinungo ang kwartong sinasabi ng señora. Nang marating niya iyon ay napakadilim, kaya humakbang siya papasok at kinapa ang gilid ng pintuan para i-on ang ilaw.
Hindi pa niya nakakapa ang switch nang makaramdam siya ng kakaibang kilabot. Binalewala niya iyon at nagpatuloy sa paghahanap ng switch. Hindi naman nagtagal ay nai-on din niya ang ilaw at lumiwanag ang paligid.
"Wow! Napakaganda naman pala ng kwartong ito...”
Sa dalawang taon niyang paninilbihan sa bahay na iyon ay ngayon lang siya nakapasok sa naturang kwarto — naka-padlock kasi iyon lagi. Lahat ng kwarto na katabi nito sa second floor ay ganoon din.
Gumala ang paningin niya sa loob ng malaki at eleganteng kwarto. Napansin niya ring kakaiba ang lock ng pinto nito—wala iyong handle at auto-lock din. Medyo kinabahan siya. Paano kung biglang mag-lock ng kwarto at hindi siya makakalabas? Nilagyan niya ng harang ang pintuan para hindi iyon magsara. Saka niya dinampot ang mga gagamitin sa paglilinis. Lumapit siya sa pintuan ng banyo dahil iyon ang balak niyang uunahin.
Pagbukas palang ng pintuan ay napasinghap na siya sa kagandahan ng loob. May malaking jacuzzi at kumpleto ang mga gamit sa loob. Hindi lang iyon! Napakalaki rin ng naturang banyo at halos kasing luwang na iyon ng kwarto ng nurse sa baba.
Natuon ang pansin niya sa kakaibang bagay na nasa mas malayong gilid ng banyo. Mukhang simpleng upuan lang iyon, kundi sa mga taling nakalawit at mga kadenang nasa ibabaw ng sandalan nito.
Nag-umpisa na siyang mag linis. Inuna niya ang jacuzzi at pinuno iyon ng tubig. Nang sindihan niya ang makina niyon ay nagulat pa siya dahil sa malakas na ugong nito. Kaya naman pala ganoon ay umaalsa ang tubig at parang bumubukal kapag pinagana niya.
Sinubukan niyang ilusong sa tubig ang kanyang braso at nagulat siya dahil parang minamasahe ng tubig ang kanyag mga kamay. Ilang minuto niya pang pinaandar iyon bago ini-off. Napansin niyang madumi ang tubig kaya binuksan niya ang drainage hanggang maubos ang laman. Saka niya pinuno ulit ng bagong tubig ang jacuzzi at hinayaang mapuno iyon. Ini-on niya ulit ang paliguan bago inumpisahang linisin ang shower pati na ang tiles. Nang masiguradong malinis na ay binuksan niya ang mga cabinet at isa-isang pinunasan iyon. Halos isang oras din siya roon bago masigurong malinis na malinis na ang bathroom.
Hinarap naman ang kabuuan ng silid. Kumuha siya ng hagdanan at ginamit iyon para mapunasan ang mga paintings na nakasabit sa dingding. Gamit niya pa rin ang hagdanan nang ang mga ibabaw naman ng shelves ang pagdiskitahan niya.
Halos isa ulit oras ang ginugol niya sa paglilinis ng mismong kwarto bago niya inilabaslahat ng mga ginamit niya. Sinara na niya ang pinto at nagtungo naman siya sa stock room para kumuha ng bagong sets ng mga towels.— mula maliit hanggang sa pinaka malaking size. Kumuha rin siya ng bathrobe na navy blue at iba pang mga kailangan sa loob ng banyo. Bumaling siya sa kabilang side at kumuha doon ng ilang sets ng bed sheets. Dala niya ang lahat ng mga ‘yon nang umakyat siya ulit sa taas.
Matapos maayos ang lahat ay hinila na niya ang pintuan pasara. Noon naman siya napatingala sa parteng bintana at tila namamalikmatang kumurap.
Nalilitong napailing siya bago tuluyang lumabas ng kwarto. Bumaba siya ulit at hinanap ang señora. Nakita naman niya ito kaagad.
"Señora, kailangan po na palitan ang curtain sa kwarto ni Señorito."
“Ganoon ba?” Agad namang nag-dial ang matanda at matapos makipag-usap ay ibinaba rin ang phone.
"Señora, gusto ninyo po bang i-check ang room?"
"No!” mabilis na sagot nito na para bang niiwasan ng matanda ang kwarto. "My tiwala naman ako sa'yo, hija. There’s no need." Saka siya nito nginitian.
Habang papalapit ang araw ng pagdating ng señorito ay hindi maiwasang kabahan ni Shy. Mas lumala iyon nang papalitan ng señora ang ilang mga gamit sa bahay.
Sa tingin niya ay kakaiba ang apo ng mga ito. Isang palaisipan pa rin sa kanya iyong silyang nasa loob ng banyo. Hindi rin nakatulong sa kalituhan niya ang pag iwas ng señora nang sabihin niyang i-check nito iyong kwarto. Ang dami niya tuloy naiisip na hindi maganda.
Ipinilig niya ang ulo. Hindi siya dapat nagkakaganito. Sa apo ng matanda nakasalalay ang reward na makukuha niya at ang chance niyang makapag-aral.
Dumating ang araw ng pag alis ng kanyang mga amo. Ang daming mga bilin nito. Mayroon din itong listahan na iniabot sa kanya. Nakaramdam siya ng lungkot nang sumakay na ang mag-asawa sa kotse. Sa dalawang taong paninilbihan niya sa mga ito ay naging napakabait ng mga ito sa kanya. Isa iyon sa mga dahilan kaya hindi niya natanggihan ang kontratang inalok ng mga ito. Actually, kahit siguro walang reward ay papayag siya.
Malaki ang utang na loob niya sa mag asawa. Halos buwan-buwan ay binibigyan siya ng mga ito ng bagong damit. Ang sabi ng señora ay sa mga babaeng apo niya raw ang mga iyon. Hindi naman daw nagagamit kaya karamihan ay may mga tag price pa. Hindi lang basta-basta ang mga damit na binibigay sa kanya ng señora— puro ‘yon mga branded. Hindi niya nga lang sinusuot ang mga iyon dahil nandito lang naman siya sa islang pag-aari ng mga ito.
"Pasok na tayo hija wala na sila tawag sa kanya ni nanang.