Hindi ko napigilang mapaatungal sa sinabi ni James, paano ba naman kasi ay pareho kami ng sitwasyon. "Hey, Miss Lily, anong nangyayari sa 'yo, bakit bigla kang napaatungal diyan?" gilalas ni James sa akin. "Paano ba naman ay pareho tayo ng dinadala," tugon ko rito. "Hindi, ah, t*ti ang sa 'kin ikaw ay p*ke," bulalas nito na alam niyang nagbibiro. "Gago!" asik ko rito na kinatawa nito. "Joke lang naman, bakit ka kasi biglang napaatungal diyan, kapag may makakita sa 'tin ay baka isipin pang ginagahasa kita," gagad ni James. "Ay, gahasa agad, hindi ba pwedeng naiyak lang," sagot ko ulit kay James. "Iyong lalaking mahal ko rin kasi ay ikakasal na sa iba, masaklap ay buntis ako," saad ko sa kanya at muling umatungal. Hindi ko alam kung bakit magaan ang loob ko sa lalaki kahit ngayon ko