We're here already in our apartment here in Chicago after a long flight na umabot hanggang 15 hrs flight. How nice.
Sa apartment namin ni Godsick, may dalawang k'warto agad kaming pumili ng amin at natulog dahil sa jetlag na aming nakuha. Ikaw ba namang 15hrs flight. Really?
Nauna akong nagising sa kanya. Nakaramdam kasi ako ng gutom. Binuksan ko ang ref na mayro'n dito. Wala bang instant noodles? Hindi ako marunong magluto.
Tinignan ko ang shelves na nandito. Finally, nasa ibang lalagyan lang pala sila. Cup noodles. Omg!
Nagpainit ako ng tubig at nang kumulo, agad ko itong sinalin sa aking cup noodles. I'm hungry na. Really hungry.
Marunong kayang magluto si Godsick? Kung hindi, patay kaming dalawa nito. Si Calix marunong magluto iyon. Kahit anong luto kaya niyang gawin.
Sana safe siya kung nasa'n man siya ngayon.
Kinuha ko ang aking noodles at dinala ito sa sala table. Inopen ko ang aming television at nanood ng balita. CNN News. Lilibangin ko muna ang aking sarili. Gabi na ngayon at mukhang ang body clock ko ay nasa Pilipinas pa. Kailangan kong sanayin ang sarili ko.
Bukas lang din ay pupuntahan namin ang university na papasukan namin for two years ni Godsick. Kukuha kami ng Masteral Degree ng course na kinuha namin.
Habang nakatingin ako sa television, dumodoble na ang aking paningin. Inaantok na ulit ako at hindi na ko aabot sa aking k'warto.
##
"Godsick? What's your cooking?" I asked loudly para marinig niya ang tanong ko. Naaamoy ko kasi ang kanyang niluluto pero I don't know what it is. Mukhang masarap.
"It's Caldereta, Celeste. Bilisan mo na d'yan para makakain na tayo." Late kasi akong nagising.
My body clock ay nasa Pilipinas pa talaga, ilang beses akong ginising ni Godsick pero antok na antok pa talaga ako. Hanggang ngayon gusto pa rin matulog pero need namin puntahan iyong University to check our schedule sa school.
Lumabas akong naka-bathrobe at pumunta sa aking room. Walang bathroom ang mga room namin. Isang bathroom sa isang apartment lang.
Nagsuot lang ako ng formal wear at nagpatong ng dalawang makapal na jacket. Sobrang lamig ngayon sa chicago. Parang nasa freezer kami sa sobrang lamig. Brr...
"Finally, Come on?" Anyaya niya sa akin at sabay kaming nagdasal at kumain.
"Hmmm... It's super nice and masarap, Godsick! Magaling ka magluto ha? Required bang magaling magluto ang mga lalaki?" Tanong ko sa kanya. Si Calix marunong magluto also si Dad din.
He shrugged, "don't know, Celeste. For sure kaya marunong magluto ang mga boys, to impress our girl. Dagdag point din kasi iyon para sa amin." He smiled.
"Marunong din siyang magluto?" Tumango ako rito.
"Yes! Minsan siya na nagluluto sa amin. Hindi na kami nag-uutos sa mga maid."
Naalala ko tuloy nu'ng may sakit ako. Wala sina Mom and Dad. Hindi niya alam kung anong gagawin sa akin, sobra akong kinukumborsyon that time. Nilalamig din ako kaya nagluto si Calix ng porridge.
"Do you know how to make porridge?" I asked Godsick. Masarap kasi iyon.
"Yes, ano bang porridge ang gusto mo? Iyong masabaw o iyong walang gaano?"
"I want masabaw with chicken feet and eggs! Masarap iyon!" Sabi ko rito.
Ayon kasi ang niluto ni Calix sa akin nu'ng nagkasakit ako. Pinanood lang niya sa YouTube tapos ginawa niya para sa akin. Luckily, masarap ang gawa niya at gumaling din ako sa aking sakit.
"Okay. Gagawin ko iyong tomorrow morning. That's our breakfast. Kaya after natin kunin ang schedule, sasamahan mo kong mag-grocery..." Tumango-tango ako rito.
"Namimiss mo siya?" Napatingin ako sa kanya at nakatingin lang din siya sa akin.
I nodded, "Yes, I miss him. Hindi ko alam kung nasa'n siya. Kung okay lang ba siya? Kung nakakakain ba siya ng maayos? Iyong mga gano'ng bagay? Ikaw?"
"I miss her, also. Pero, hindi naman kami at ayaw niya sa akin... Pero... Mahal ko pa rin siya. Siya iyong gusto kong maging asawa, Celeste. Kahit may pagka-spoiled brat siya." He smiled at me pero hindi ito umabot hanggang mata.
Alam kong nasasaktan siya. Sino ba naman ang hindi? Mahal mo iyong tao pero iyong taong mahal mo, ayaw sayo. Anong klaseng kapalaran iyon?