"Hi, Jewel? May balita ba about kay Calix?" It's been One year na nandito kami sa Chicago.
One year na rin ang nakakalipas hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kay Calix.
"Nope, girl. Alam mo bang ikaw lang ang wala sa kasal ko? How sad diba? Pero, one year na lang ulit, Celeste, makakabalik ka na rito sa Pilipinas." Nakikita ko sa mukha niya ang lungkot para sa akin.
"Okay lang iyon, atleast, napanood ko ang kasal mo kahit sa video call lang. Congratulations, Mrs. Lazaro!" And, winked at her.
"Thank you, Celeste. I know na ikakasal ka rin pero I'm rooting for Calixto, Cel! Kapag nakahanap ako ng info kung nasa'n siya sasabihin ko agad. For now, wala, eh. Maski sila Carlos, hindi alam kung nasa'n. At, maski ang magaling kong pinsan."
Nakita ko siyang sumenyas kung saan.
"Aalis ba kayo today?"
Nakita ko kasi si Carlos na dumaan sa likod niya at nakabihis ng husto.
"Yes, Celeste. Magpapacheck-up ako..."
"Don't tell me?" Tumango ito sa akin, hudyat na ito ang tinutukoy niya.
"I'm pregnant. Two months na kong pregnant, Celeste! How nice right? Kaya dapat umuwi ka, okay? Ikaw ang magiging ninang nito."
Tumango agad ako rito, "Of course! Kami dapat ni Clarisse ang ninang, Jewel! Congratulations sa inyo!
"Thank you, Celeste!" Sabat ni Carlos sa amin.
Ramdam ko sa kanyang boses na proud na proud siya.
"Sobrang proud, Carlos, ha? Paano pa kaya si Carl?" Pang-aasar ko rito.
"Ay, naku, Celeste. Isa pa iyon. Alam mo bang nagsisigaw iyon ng malamang buntis ako. Nakakahiya sa hospital that time. Tumakbo sa hallway at malakas na sumigaw na buntis ang asawa ko. Nawala sa kanya niya iyong rules namin."
Napatawa ako sa sinabi at nakita ko siyang napatampal sa kanyang noo.
"He's proud, eh. Pabayaan mo na si Carl, Jewel." I laughed.
"Ano pa nga ba... Baby, I'm so proud na magkakaanak na tayo... Nakakahiya ka pa rin, Carl!"
Nakita ko si Carl sa screen, "it's okay right, Celeste. Na, we proud sa magiging anak namin? KJ nitong kaibigan mo."
Ayan, nabatukan tuloy. Tumawa na lang ako rito.
"Enough, Carl! Lumabas kana roon!" Nakita kong hinila siya ni Carlos at narinig ko na lang ang pagsara ng pinto.
"Finally... We're go na, Celeste. We have appointment sa obgyne ko today. So, mamaya na lang ulit?"
Tumango ako rito, "Yes, mamaya na lang! Bye, Celeste!" And, I wave to her.
Sinarado ko ang aking laptop at humiga na lang ulit sa aking kama. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang mag-stay rito sa Chicago.
Puro bar and party na nga lang ginagawa namin ni Godsick dito. Every weekends, niyayaya kami ng mga blockmates namin to party in every house. Gano'n kasi dito. Every weekends night, may gano'ng kaganapan.
Maraming lumalapit sa akin pero di ko sila ine-entertain. Hindi sila magandang ihemplo sa akin. Sa one year namin ni Godsick, alam na namin ang kanilang culture. Every night, may iba't-ibang silang fling and hindi lang basta fling kung hindi nakakasex din nila minsan.
Hindi ako payag sa ganung bagay.
Napalingon ako ng bumukas ang pinto ni Godsick, "Aalis lang ako, Celeste. Mamimili ng food. Gusto mong sumama?" Umiling ako rito.
"No. Okay na ko rito. Ingat sa daan, Godsick. Madulas ngayon dahil sa snow kagabi." He nodded at me.
Ako na lang ulit sa apartment namin. One year na lang ulit Celeste. Makakauwi ka na sa Philippines, hindi para ikasal kay Godsick, kung hindi para hanapin si Calixto.
Nasa'n ka na ba ngayon? It's been one year already pero hindi ka pa rin nagpapakita sa amin. Kahit sa mga kaibigan mo.
I miss you, Calix. My twin.