CHAPTER FIVE – PART 2

1587 Words

BAGO pumatak ang dilim ay lumiwanag na ang buong paligid ng kabahayan. Resulta na tagumpay na naayos ni Emir ang sirang electric generator. Dahil sa matagal na hindi ginagamit ay nagkaroon ng problema ang baterya nito at nagkaroon din ng oil leaks sa pump system. Bagaman naayos rin iyon sa loob ng tatlo at kalahating oras. Dahil sa walang ilaw ay tanging gasera lang ang liwanag sa loob ng bodega. Sapat na iyon para makita niya kung ano ang kailangang ayusin sa nasirang bahagi ng generator. Sa labas ay mas lalo pang lumalakas ang ulan at bugso ng hangin. Batid ang pagdaan nang mata ng bagyo sa lugar nila. He breathed a sigh of relief. Hindi pinansin ang creosote oil na bahagyang nalagyan sa mukha, leeg at dibdib, gayon din sa puting sando. Kalakip ang pagod ay hinubad nito ang damit.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD