A-Asawa?
"T-totoo ba, Anak? A-Asawa mo ito?" pag-ulit muli ni Mommy nang hindi kaagad ako nakasagot.
"Aah...M-Ma, h-hind--"
"Hindi po niya kaagad masabi sa inyo na may nangyari na po sa amin at bukas na bukas din ay magpapakasal na po kami," kaagad na putol ni Rhyan sa dapat na sasabihin ko.
Bigla namang nanlaki ang aking mga mata at hindi makapaniwala habang nakatitig sa kanya.
T-Teka. May nangyari na sa amin?! Bakit wala akong naramdaman? Hindi naman siguro maliit 'yong kaniya, no? Oh my God!
"Sia?" Bumaling sa akin si Mommy na may kapareho kong reaksyon.
"M-mom..." Hindi ko malaman ang sasabihin ko. Kumabog ng husto ang dibdib ko!
Kaagad na lumapit sa akin si Rhyan at hinapit ako sa baywang. Oh my God!
"Don't worry, Mom. If you're worried about your situation right now and about treating your youngest child, I'll take care of everything. Kapag si Sia ay naka-graduate na sa pag-aaral, maaari ko siyang ipasok sa company namin so we can work together to support you with all your needs," mabilis at mahabang salaysay ni Rhyan kay Mommy na napapanganga naman sa kabiglaanan.
Seryoso na ba siya niyan? Kahapon, girlfriend lang ah...ngayon, asawa na agad?
"H-Hindi ko maintindihan. P-Paanong mag-aasawa ka na kaagad, Anak? Eh, hindi mo man lang nasasabi sa akin na may boyfriend ka na pala? Tapos ngayon ay buntis ka?!" biglang sigaw ni Mommy sa akin.
Napayuko ako at napakagat sa labi. Ramdam ko ang frustration sa tinig ni Mommy. Mukhang mas lalo ko pa yatang dinagdagan ang problemang dinadala niya.
"I'm so sorry, Mom. Ako po ang may kasalanan. I forced Sia."
"Ni-rape mo ba ang anak ko?!"
"N-No, Mom!" Kaagad kong inawat si Mommy na halos mag-hysterical na sa galit.
"Pananagutan ko naman po ang anak niyo. Actually, I can't wait any longer kaya nga po ang gusto ko sana, bukas na bukas din or maybe later, I'll call a judge who will marry us right away."
"Rhyan, tumigil ka na nga! Naguguluhan na si Mommy!"
"But baby." Siya naman ngayon ang napanganga sa akin. "I'm sorry, Mom. Ayaw ko lang po talagang mawalay pa sa akin ang anak niyo," muli niyang baling kay Mommy.
"R-Rhyan." Mukhang hindi talaga papaawat si Rhyan sa gusto niyang mangyari.
"P-Pero, iho, napakabata niyo pa...a-at saka, alam ba ito ng parents mo? Anong sinabi nila? Pumayag ba sila kaagad? At s-saka hindi naman ito tungkol sa personal naming pangangailangan kung bakit ako papayag na makasal sa iyo ang anak ko. Kundi dahil may nangyari na sa inyo at ayokong maging disgrasyada 'yan!"
Nanlaki naman ang aking mga mata sa sinabi ni Mommy. P-Pumapayag na siya?
"So, you mean payag na po kayo? Hindi ko naman po pababayaan ang anak niyo." Ramdam ko ang kasiyahan sa tinig ni Rhyan.
Hindi kaagad nakasagot si Mommy at halatang nalilito pa rin. Maging ako ay hindi alam ang sasabihin.
Alam ko naman na kaya lang ito ginagawa ni Rhyan ay para mabantayan niya ako. Pero hindi ito p'wedeng malaman ni Mommy. Napakarami na niyang dinadalang problema at ayoko nang dumagdag pa.
Pero ayoko ring mamatay na lang ng ganito kaaga. Hindi ko pa sila kayang iwan ng kapatid ko. Mas lalong mahihirapan si Mommy.
"I'm s-sorry po, Mommy. H-hindi naman po ako aalis sa tabi niyo. D-Dito pa rin po ako, hindi po ako lalayo." Namasa ang aking mga mata at gusto kong yakapin ng mahigpit si Mommy.
Huminga siya ng malalim bago bumaling kay Rhyan.
"Kailangan kong makausap ang mga magulang po," maawtoridad na saad ni Mommy kay Rhyan.
Hindi ko maiwasang mapakagat-labi. Nabigla si Mommy at alam kong dagdag pasanin sa mga problema niya ito. Ngunit ano pa ba ang dapat naming gawin?
"Yes po, right away." At mukhang desidido rin si Rhyan sa gusto niyang mangyari.
Tumango si Mommy at bago siya tuluyang tumalikod ay iniwanan niya muna ako ng dismayado at nakapanlulumong tingin.
Sa pagtalikod niya ay tuluyan nang tumulo ang mga luha ko sa pisngi. Awa at sobrang hiya ang naramdaman ko para kay Mommy. Hindi ko naman gusto ito. Hindi ko pa kayo gustong iwan, Mommy. Sana maintindihan niyo ako balang-araw.
"It's okay. Everything will be fine," ani Rhyan kasabay nang pagyakap niya sa akin.
Napahinga na lang ako ng malalim upang maibsan ang paninikip ng dibdib ko.
***
"Baka lang kasi may maisip pa tayong ibang paraan, Rhy. Hindi naman siguro kailangang magpakasal tayo kaagad," suggest ko kay Rhyan habang naririto na kami sa labas ng gate ng kanilang mansion.
Isinama niya ako dito para ipakilala sa kaniyang mga magulang at para masabi sa kanila na kailangan na nilang pag-usapan ang tungkol sa kasal namin ni Rhyan.
Kanina ko pa siya kinukumbinsi na baka may maisip pa kaming iba pang paraan. Huwag muna kaming magpadalos-dalos tungkol sa kasal na 'yan ngunit mukhang naiinis na rin siya sa akin dahil sa kakulitan ko.
Iniisip ko lang din naman ang sasabihin ng parents niya. Katulad ni Mommy, siguradong magugulat din sila at baka hindi pa nila ako matanggap dahil sa sitwasyon namin! Baka isipin pa nilang pera lang nila ang habol namin!
Kahit naman ganito na kami kahirap ay kaya pa rin naman naming magtiis. Dati na kaming mahirap at yumaman lang dahil kay Daddy at sanay na kaming mahirap!
"Sia, please. Can you trust me? If we're not married, I'll not watch over you all the time. I will not be with you always. I can't just look at you from afar. Your life is what we are talking about here at isang segundo lang akong malingat ay maaari kang mawala. And when that happens, I have no power to turn the clock back on and revive you. Kung pup'wede nga lang ay itatali kita sa katawan ko para hindi ka mawala sa paningin ko," taimtim niyang saad kasabay nang pag-igting ngkanyang panga.
Hanggang ngayon ay nabibigla pa rin ako sa mga sinasabi niya.
"P-Pero hindi mo ba naisip na baka pati ikaw ay madamay? Sa halip na ako lang ang dapat na mawala, eh p-paano kung pati ikaw?"
"I don't f*****g care! If you're gone I'd better lose me too! What's the use of my life if you're gone?!" sigaw na niya sa akin na ikinagulat ko.
Hindi kaagad ako nakaimik at ilang beses nagpaikot-ikot sa utak ko ang mga sinabi niya. Tama ba ang mga narinig ko? Mahalaga ako sa kanya? Hindi niya kayang mawala ako?
"Do you understand what I am saying?" tanong niya sa mababa ng tinig.
Marahan naman akong napatango kahit naguguluhan pa rin ako. Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. Muling tumulo ang mga luha ko sa samo't saring nararamdaman ko.
"I won't beg you anymore, Sia for this."
Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at itiningala ito sa kanya. Sinalubong ko ang mga mata niyang nagdidilim sa tapang at may paninindigan.
"Why did God give me this kind of ability if it doesn't make sense? I wasn't born weak either. I am Rhyan Olaf Mcfadden. I can take all the risk huwag ka lang nilang maagaw mula sa akin. Ako na ngayon ang siyang may hawak sa buhay mo at wala kang ibang susundin kundi ako lang...'cause I am now your MASTER," mariin niyang sabi kasabay ng animo'y paglagablab ng apoy sa kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin ng taimtim.
"M-Master." Halos hindi ko na marinig ang sarili kong tinig dahil sa halo-halong pakiramdam na hindi ko na mapangalanan.
Saglit pa niya akong tinitigan bago niya ako hinila papasok ng gate ng kanilang mansion.
Pagpasok namin sa bakuran ay naagaw kaagad ang aking pansin ng malakas na lagaslas ng tubig kaya dagli itong hinanap ng aking paningin.
Natagpuan ko ang maingay na iyon sa 'di kalayuan sa kaliwang bahagi ng malaking mansion. At napanganga ako dahil pakiramdam ko ay narating ko na ang isang napakagandang falls sa buong Pilipinas.
"Wow," naibulong ko sa sarili ko habang nakatanaw doon. Patuloy kami sa paglalakad ni Rhyan at hawak niya ang isa kong kamay.
Sa ibaba naman ng mataas at magandang falls ay malawak na tubig na parang isang batis. Nakaagaw din ng pansin ko ang puting rebultong kabayo na nakatayo sa mismong binabagsakan ng tubig. May malapad na bato doon na siyang kinatutungtungan nito.
May mga disenyo rin ng mga damo at lumot sa pader na siyang inaagusan ng malakas na bagsak ng tubig. Napatanaw ako sa dulo dahil umabot hanggang doon ang kahabaan ng tubig at sa tingin ko ay mukhang malalim ito.
"Ang ganda naman, kakaiba. Bakit ganyan ang disenyo?" wala sa sarili kong tanong kay Rhyan.
Sa kanan naman ng mansion ay nagpakahilera ang ilang sasakyan nila na halatang mamahalin.
"Memories 'yan ni Mommy noong dalaga pa siya. Bago sila nagkakilala ni Dad."
"Wow. Ang galing naman," humahanga kong sagot at 'di ko pa rin mapigilang tanawin iyon kahit naririto na kami sa tapat ng pinto. Parang ang sarap tuloy mag-swimming doon kaya lang, hindi ako marunong lumangoy. Tsk.
"Akala mo lang napakagandang tingnan but if you'll know the whole story of that. It will hurt you too much?"
"Ha?"
Kaagad akong napabaling kay Rhyan at naguguluhang napatitig sa kaniya.
"Eh bakit naisipan pang ipagawa 'yan kung gano'n pala kasakit ang memories n'yan?" nalilito kong tanong sa kaniya.
Hindi ko namalayang nakapasok na pala kami sa loob ng mansion.
"I don't know. Pero sa tingin ko naman ay okay na si Mommy. May pagka-wierd nga lang minsan," nakangisi niyang bulong sa huli niyang sinabi.
"Anong sinabi mo, Olaf?! Anong wierd ang Mommy mo?! Anong wierd ako?!" Isang napakagandang Ginang ang bigla na lamang sumigaw sa aming harapan.
Nanlaki naman ang mga mata ni Rhyan at tila binuhusan ng isang baldeng suka dahil sa sobrang putla.