Chapter 3

1328 Words
Nagising si Carmela sa ingay ng bahay nila. Unang beses niyang narinig na nagtatalo ang mga magulang niya. Tumayo siya upang tingnan ito at nagtago sa may gilid ng hagdanan. She saw her parents fighting with each other. Her mother is angry at her father, which gives Carmela confusion. She's watching them fighting against each other. "Stupido! Alam mo na kailangan ng kumpanya natin ang pera pero bakit mo naman sinugal sa casino!" malakas na sigaw ng mommy niya. Lumakas ang kabog ng dibdib ni Carmela sa narinig. "Ano na ang ibabayad natin kay Mr. Villanueva! Maybe may paraan pa. Our company is still fighting! Alam kong kaya natin ito, it's just a hundred million peso!" pangungumbinsi ng mommy ni Carmela sa kanyang sarili. Her mother found out that Mr. Villanueva lent a hundred million peso to her father. She is shocked after knowing it. "What kind of man you are! Sinugal mo pa sa casino ang pera for what? Alexander!" dagdag na salita ng mommy ni Carmela. Carmella is stunned. Napapaisip siya kung maghihirap na ba sila? "Hindi ko naman sinasadya na naisugal ko.. akala ko mananalo na ako! Panalo na talaga ako ang kaso nawala pa!" wala sa sariling dahilan ni Alexander. Umiling na lamang ang ginang sa asawa at hindi makapaniwala sa mga narinig niya. Hindi naman mahilig magsugal ang asawa niya kaya halos lumabas na ang tonsil niya kakasalita. Hindi biro ang pera na nagastos nito kaya sino nga ba ang matutuwa sa ginawa niya. "Paano na 'yan? Baka kaya pa na maipon ng kumpanya natin!" bwelta ng ginang. Umiling si Alexander. Natatakot siyang sabihin sa asawa niya ang katotohanan na tagilid na ang kumpanyang pagmamay-ari nila. Pinahiram siya ni Mr. Villanueva upang masolusyonan ang problema sa kumpanya niya ang kaso naisugal niya ito sa casino sa pag-aakalang mas malaki ang babalik sa kanya. Lumaki ang mata ng asawa niya ng nakita na umiiling siya. Mukhang naiintindihan na nito ang nangyayari ngayon. "Walang hiya ka! Paano na ang kumpanya natin!" galit na sabi ng ginang at hinampas sa dibdib si Alexander. Naintindihan na ng ginang na wala na ngang pag-asa maisalba ang kumpanya lalo na ngayon na may utang pa sila kay Mr. Villanueva. Napahawak ang ginang sa kanyang batok at biglang nawalan ng malay sa sobrang konsumisyon sa kanyang asawa. Nagmadali naman si Alexander na buhatin ang asawa niya na nawalan ng malay. Napatayo si Carmela at mabilis na bumaba papunta sa mga magulang niya. Tulala siya habang nakatingin sa mommy niya na ikinainis ng daddy niya. "Anong itina-tanga mo diyan! Tawagin mo yung driver!" galit na utos ng daddy niya sa kanya. Carmela gulped to make her tears stop. Nasaktan siya sa sinabi ng daddy niya pero hindi naman na bago iyon. "Carmela! Are you deaf?" galit na dagdag nito. Umiling naman si Carmela at nagmadali na tawagin ang driver nila upang madala agad sa hospital ang mommy niya. Sa sobrang pagmamadali niya nadapa pa siya ng wala sa oras. "Stupid Girl! Ano ba ang bagal mo! This is why we don't want you! Stupid.." galit na salita ni Alexander kay Carmela. Carmela wanted to cry again but she just walked and called their driver. She thinks that her mother is important for now, not what she feels. Humahangos naman ang driver at si Manang Esme sa pagmamadali. Binuhat agad ang ginang at dinala sa sasakyan. Lumapit si Alexander kay Carmela. He is angry because Carmela is stupid. Dinuro niya sa noo si Carmela sa sobrang galit. "Ang tanga mo talaga! Sa oras na may mangyari sa mommy mo hindi kita mapapatawad!" galit na sabi niya kay Carmela at dinuro ulit ang sintudo nito. Carmela hides her emotions. Sa pagtatago naman siya ng emosyon magaling. "I will disown you! I really hated it when I saw you.. sana pinalaglag ka na lang ni Asuncion!" galit na sabi niya ulit. Carmela feels another pain in her heart. She just looked at her father emotionless. Alexander didn't mean what he said to Carmela. Akala niya naiintindihan ni Carmela na galit lang siya at nag-aalala sa asawa niya. Hindi naman niya gustong ipalaglag ang anak niya sinabi niya lang 'yon sa sobrang konsumisyon na kagagawan niya rin naman. Tumigil si Alexander ng walang makitang paglaban sa anak at nagmadali na itong pumasok sa sasakyan. Carmela just watched her father. Pumatak ang luha niya sa kanyang mga mata. Pasimpleng tumingin sa kanya si manang esme ngunit hindi nito pinakita sa dalaga na naawa siya. Lumakad na si Carmela papasok ng kanyang kwarto ng wala sa sarili. She saw herself in front of the mirror again while crying. She is emotionally unstable, after her first broken heart, her heart broke again because of her father. Naawa siya sa sarili niya. Humiga siya at umiiyak na lang ng tahimik. She closed her eyes and let herself feel the pain even more. Nagising siya ng nakarinig siya ng katok sa kanyang kwarto. Tumayo siya at tiningnan kong sino 'yon. It's her father. He just looked at Carmela like he didn't see her puffy eyes. "Bumaba ka nga mag-usap tayo!" malamig na sabi ng daddy niya. She nodded in response. She felt tired. Nakauwi na pala ang mommy niya galing hospital. Gusto ni Alexander na patagalin ito sa hospital ngunit galit ang babae kaya napilitan siyang sumang-ayon dito. Naunang bumaba ang daddy ni Carmela at saka siya sumunod upang maglakad. She saw her mother sitted in their sofa. Makikita sa kanya ang pagiging problemado. Sino nga ba ang hindi mamomoblema? Maraming empleyado ang mawawalan ng trabaho ng dahil sa kalokohan ng asawa niya. Umupo na lamang si Carmela sa malayong upuan. She knows her place in their house. Tumingin ang mommy niya sa kanya, nagtataka ang mata kung bakit namamaga ang mga mata niya. Ngunit hindi na lang siya pinansin ng ginang. "Mag-uusap tayong pamilya ngayon.." panimula ngayon ni Alexander. Carmela wanted to laugh about what her father said. Family? "Tumatawag na sa akin si Mr. Villanueva dahil sa pinahiram niya sa akin na pera.." panimula ng daddy. Carmela looked around and she don't see Bernadette's presence. Mukhang kasama ni Bernadette ang matalik na kaibigan ni Carmela na si Martin. "I will talk to Mr. Villanueva, I planned na ipakasal ang isa sa mga anak ko para naman makabayad sa kanya. For sure he will agree dahil nabalitaan ko na problemado siya sa anak niya.." mahinang sabi ni Alexander. Carmela's mother just rolled her eyes. Ayaw niya ang sinasabi ng asawa dahil gusto niya magkaroon ng personal na desisyon ang mga anak niya. "Alexander.. bakit mo ipapasa sa mga anak mo ang responsibilidad mo?" inis na tanong niya sa asawa. Dismayado siyang tumingin sa asawa. Nakatingin lang si Carmela sa kanila at walang pakialam sa mga sinasabi ng kanyang daddy. Alam naman niya na si Bernadette ang ipapakasal ng Daddy niya kung pumayag ang pinag-uutangan ng daddy niya. "Carmela nakikinig ka ba?" inis na puna ni Alexander sa kanyang anak na si Carmela. Kita kasi kay Carmela na wala siyang pakialam sa problema ng kanyang pamilya kaya mas lalo siyang nainis sa anak. "Yes daddy.. I still don't get it why I am here? Dapat si Bernadette ang nandito.." umiiling na sabi ni Carmela. It's not her problem anymore. It's her daddy and Bernadette. Alam naman niya na hindi naisip ng daddy niya na siya ang ipakasal. "What! At bakit?" galit na tanong sa kanya ni Alexander. Hindi maintindihan ni Alexander ang kanyang anak dahil para sa kanya si Carmela ang pinakamahirap maintindihan hindi katulad ni Bernadette. "Dahil hindi ko naman ito problema at saka dapat kay Bernadette mo sinasabi hindi sa amin.." diretsong sabi ni Carmela. Tumayo lamang ito at napatingin sa mommy niya na hinihilot ang ulo. "Nakikita mo ba ang itsura ko daddy? Kaya si Bernadette ang kausapin mo.." dagdag niya. Dumiretso siya sa kusina dahil gutom na talaga siya. Nagtatampo siya sa daddy niya dahil kung kailan sila maghihirap saka naman siya sinasali sa konsumisyon nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD