Masakit ang katawan ni Carmela ng tumayo upang tingnan ulit kung nasa bahay pa nila ang kanyang mga magulang. Nanghihina siya na naglakad ngunit hindi niya na kinalimutan ang kanyang salamin upang hindi na siya makagawa ng katangahan.
Nakaramdam na naman ng lungkot si Carmela ng hindi na naman niya naabutan ang kanyang mga magulang. Hindi man lang siya makumusta ng mga ito. Si Bernadette ang palagi nilang inaalala.
"Carmela anak, intindihin mo na lamang sila baka may inaasikaso sila." pagpapaliwanag ni manang sa kanya.
Napapagod na rin si Carmela umintindi sa kanyang mga magulang. Daig pa nila na iniiwasan siya na makasalamuha siya sa hapag-kainan.
Ngumuya na lamang siya at hindi na lang nagkomento. Ayaw din niya na mas madagdagan ang tampo niya sa mga magulang niya.
Biyernes ngayon kaya alam niyang nagpunta ang mga ito ng hindi siya sinasama. Hindi naman bago ang hindi pagsama sa kanya sa mga business gatherings. Mukhang nahihiya sila na malaman na isa siyang Dela Rosa.
Ang kilig na naranasan niya kay Darwin ay napalitan ng lungkot. Pangarap niya na ipagmalaki siya ng mga magulang niya.
"Alam ko naman po, manang.." labas sa ilong na sagot niya.
Ngumiti lamang si manang sa kanya at nilagyan siya ng milk sa kanyang baso. Pinilit niyang mabusog sa kanyang kinakain kahit masakit ang kalooban niya.
Pumasok si Carmela na mas lalong sumasakit ang katawan niya. Dumadaing siya sa kada kilos niya. Gusto niya magsumbong sa principal nila pero natatakot siya at baka balikan siya nila Grasya.
Nagbubulungan ang mga kapwa niya estudyante habang nakatingin sa kanya, ang iba naman ay nagtatawanan. Hindi na lamang niya ito pinansin dahil sanay na siya sa kanila. She fixed her reading glasses again.
"Naku lagot siya kina Grasya, suspended siya e!"
"Oo nga! Sigurado ako siya ang nagsumbong sa principal!" dagdag na bulong nila.
Nakaramdam agad ng takot si Carmela ng malaman niya na may nagsumbong kay Grasya kaya hindi muna ito papasok. Natatakot siya dahil mukhang gaganti ito sa kanya. Kilalang bully talaga ito sa eskwelahan niya pero walang naglalakas loob na magsumbong.
Napakapit si Carmela sa bag niya sa takot at dire-diretso itong naglakad. Natumba siya ng may nabangga siya.
Galit na mukha ni Joseph ang bumungad sa kanya. Masama itong nakatingin sa kanya at naglakad papalayo sa kanya. Nagtataka si Carmela kung ano nga ba ang nagawa niya na mali kay Joseph dahil galit ito sa kanya ngayon.
Galit ang nararamdaman ni Joseph at napilitan itong pumasok. Nahuli na naman siya ng daddy niya na may babaeng kasalo sa kama.
Hindi naman siya makaangal dahil matanda na ito at baka mahimatay pa sa konsumisyon sa kanya.
Napilitan tuloy siyang pumasok sa kanilang eskwelahan dahil tinutukan siya ng baril ng daddy niya.
Lintek na matandang 'yon! Ang lakas pa ang sakit ng mukha ko! pag-aangal niya sa kanyang isip.
Sumasakit ang ulo niya dala ng hangover kaya hindi maipinta ang pagmumukha niya ngayon. Diretso siyang pumasok kahit may mga tumatawag sa kanya. Wala siya sa mood makipagbolahan ngayon.
Galit na tumingin siya sa nakabangga sa kanya at masama niya itong tiningnan.
Malas naman! Itong panget na 'to pa ang bumungad sa akin! galit na reklamo niya sa utak niya.
Galit na tumingin siya kay Carmela dahil mas lalong nasira ang araw niya. Hindi na niya ito pinansin dahil hindi naman sila close kung tutuusin. Dumiretso na lamang siya ng lakad sa kanya classroom.
It's lunch time but Carmela didn't eat. She went to her favorite spot and just read her book that she borrowed in the library. Tumingin siya sa mga puno. She feels peace.
Tuwang-tuwa siya sa binabasa niya na libro ng makarinig siya ng maingay malapit sa kanya. It's Joseph and Darwin again.
"Dude alam mo ba galit na galit sa akin si daddy!" malakas na kwento ni Joseph. Tumawa lamang si Darwin sa kanya.
Para kay Darwin sanay na siya sa hinaing ng kanyang kaibigan. Sa araw-araw ba naman na bukang bibig ni Joseph halos makabisado niya na lahat.
"Alam mo 'yon hindi man lang siya kumatok! Basta lang siya pumasok sa kwarto ko!" reklamo ni Joseph na inis na inis sa daddy niya.
Tinatawanan lang ni Darwin si Joseph kaya sumimangot na si Joseph. Kinuha niya ang cellphone niya at abala sa pagtatype ng kung anu-ano.
"Nakakainis talaga si Daddy tumakbo tuloy si Sofia palabas ng bahay!" maktol ni Joseph sa kaibigan. Ngumisi naman si Darwin sa kanya.
Sofia? Angelica pangalan nun eh hahaha natatawang sabi niya sa isipan niya.
Napailing na lang siya sa kalokohan ng kaibigan niya ngayon.
"Dude tinutukan niya ako ng baril! Isipin mo 'yon? Daddy ko ba talaga siya!"reklamo ni Joseph.
Hanggang ngayon kasi hindi pa rin niya makalimutan ang ginawa ng daddy niya sa kanya. Hindi niya matanggap na pinaluhod siya nito at tinutukan ng baril.
"You know what dude! Hindi mo ako maiintindihan eh you should get laid!" malakas na sabi ni Joseph kay Darwin. Sumeryoso ang mukha ni Darwin saka tumingin ito sa mga puno.
"I can't. I'm in love with someone else.." sagot ni Darwin. Nanglaki ang mata ni Joseph at hindi ito makapaniwala sa sinabi ng kaibigan. Matagal niya ng kaibigan si Darwin at sa pagkakaalam niya ay NGSB ito.
Nakaramdam ng sakit si Carmela ng narinig niya ang sagot ni Darwin sa kaibigan nitong si Joseph. Nabitawan pa nga niya ang kanyang libro na binabasa.
huwag kang iiyak Carmela.. hindi kasalanan ni Darwin kung magmahal siya.. pagkampi ng isip niya kay Darwin.
Her tears started flowing and the pain that she felt kept growing. Darwin is her first love. She thought it's just a crush or maybe she's amazed by Darwin's actions. She realizes now that she is in love with Darwin.
She really hates herself even more. For her no one will love her because she is ugly.
"Kilala ko ba 'yan?" Tanong ni Joseph. Pumikit si Carmela sa sakit na nararamdaman niya. Sa isip niya ang sakit pala na masaktan. Mas masakit sa mga panget na naririnig niya sa magulang niya.
"Hindi, kaibigan ko siya simula pagkabata. I promised to her that I will protect her no matter what it causes.." nakangiting sabi ni Darwin.
Mas lalong nasaktan si Carmela sa narinig una pa lang alam niya ng walang pag-asa pero nadoble ang sakit lalo na sa narinig niya. Kinuha niya ang kanya libro na binabasa at tinakpan ang kanyang mukha.
Gusto niyang itago ang lahat pero hindi niya kaya. Pinabayaan niyang tumulo ang kanyang luha habang nakatakip ng libro ang mukha niya.
Matamlay siyang umuwi sa bahay nila. Mas lalong nadagdagan ang sakit ng wala ang mga magulang niya sa bahay. Dumiretso siya sa kwarto niya at humiga ng hindi inaalis ang kanyang uniporme. Mas lalong pumatak ang luha niya habang nasa kwarto siya.
Umupo siya at tumingin salamin na nasa harapan niya. She wanted to break the mirror so she couldn't see her ugly face again. Naawa siya sa sarili niya.
Ang panget mo talaga Carmela! No one will like you!
Even her mind is bitter about what happened. She cried so hard and put her hands in her mouth. She wanted to cry silently for the pain that she felt.
She is nobody. Nobody will like her, nobody will appreciate her.