Hindi makatulog si Carmela dahil sa mga nakita niya. Her mind is innocent, pero mukhang ang asawa niya talaga ay sanay sa ganoon na gawain. Sabagay ano pa ba ang aasahan sa isang playboy?
Kanina pa niya sinusubukan na matulog pero hindi talaga gusto matulog ng diwa niya. Hanggang ngayon ay naalala niya ang ginagawa ng asawa niya kay Andrea.
Hindi pa naman siya nagkaroon ng kahit isang kasintahan dahil mas gusto niyang mapasaya ang mga magulang niya. She studied so hard to make them proud!
"Nakakainis talaga ang impaktong 'yon! Akala mo bampira!" inis na bulong niya ng dumilat na naman siya. Naiinis din siya kay Joseph dahil sa ginawa ng lalaki. Bagong kasal pa nga lang sila pero may nilalandi na ang lalaki.
"Kadiri talaga ang impaktong 'yon…mabuti pa si Darwin.." naputol ang bulong niya ng maalala si Darwin. Hanggang ngayon kasi nagluluksa ang puso niya kay Darwin.
Minsan hinihiling niya na sana si Darwin na lang ang pinakasalan niya. Kung si Darwin ang pinakasalan niya baka gawin niya ang lahat para mas maging presentable sa mata nito.
Naramdaman niya ang pagkirot ng kanyang puso dahil mukhang wala ng pag-asa na maging sila. Pangit na nga siya at kinasal pa sa isang impaktong akala mo gwapo.
Gusto niyang isumpa si Joseph dahil mas lalong nawalan na siya ng pag-asa kay Darwin.
"Impakto ka talaga, Joseph!" galit na bulong ni Carmela. At pinilit niyang ipikit ang mga mata niya.
Sa kabilang banda naman, si Joseph at biglang nasamid sa alak na iniinom niya. Hinampas niya ang dibdib niya at 'yong alak mukhang pumasok pa sa ilong niya.
Narinig niya ang pagtawa ni Darwin habang nakatingin sa kanya. Napakunot ang noo niya.
"Mukhang may nakaalala sa'yo bro!" pang-aalaska ni Darwin sa kanya. Kinabahan naman siya.
"Naku! Sino kaya 'yon muntikan na akong mamatay eh mukhang may galit sa akin!" OA na sabi niya. Natigilan siya ng maalala si Carmela, ang pangit niyang asawa.
Lintek! Si pangit talaga ito gusto na niya akong mamatay! kahit sa utak niya OA din ang salita niya.
Nagseselos ba siya dahil sa nakita niya? tanong na naman ni Joseph sa sarili niya.
Nilagok niya agad ang beer na hawak niya dahil sa naisip niya. Hindi matanggap ng sarili niya ang nilalaman ng utak niya.
Hindi maari! Hindi nakakatuwa ang sinasabi ng utak ko nababaliw na ako! sigaw ni Joseph sa utak niya.
Alam kong gwapo ako pero hindi ko naman type ang pangit na 'yon! kausap na naman niya sa sarili niya.
Hindi niya namamalayan na nakatingin lang si Darwin sa kanya. Para sa kanya, mukhang nababaliw na ata ang kaibigan niya. Nakikita niya kasi kung paano magbago ang reaksyon ng kaibigan.
Nakatitig lang siya sa kaibigan niya na mukhang may dinadalang problema. Daig pa nito namomoblema sa sampung anak!
Kahit natatawa siya sa reaksyon ni Joseph. Mas pinili niya na lang tanungin kung ano ba ang problema nito.
"Hoy! Bro, are you alright?" tanong ni Darwin kay Joseph.
Gulat na tumingin si Joseph sa kanya. Napakunot pa ang noo nito.
"Okay ka lang ba talaga? kasi kanina ka pa tulala tapos pabago-bago ang facial reaction mo bro.." nag-aalalang sabi ni Darwin.
Napahawak si Joseph sa kanyang noo ng wala sa oras. Isip niya baka lasing na siya o kaya ang mga sp*rm cells niya at nagsi-akyatan na sa utak niya!
"Yes, I'm alright.. iniisip ko lang kasi bakit ang gwapo ko?" seryosong sabi ni Joseph.
Iniisip niya na may gusto ang asawa niya, si Carmela sa kanya. Kahit pangit pala magkakagusto sa kanya.
Darwin was stunned. Lumaki ang mata niya sa sinabi ng kaibigan. Alam niya na minsan may kulang sa utak ng kaibigan pero mas mukhang lumala ito ngayon.
"Ha?" gulat na sabi niya.
"Kasi naman bro.. isipin mo ang gwapo ko talaga kahit pangit pwede pa lang magkagusto sa akin.. iba ata ang karisma ko, medyo nahihirapan ako sa ganitong set-up.." seryosong sabi ni Joseph na mas ikinalaglag ng panga ni Darwin.
Napahilot siya sa kanyang sentido dahil mukhang wala sa sarili ang kaibigan niya.
"Sigurado ka ba na okay ka lang? mukhang gutom ka yata.." natatawang sabi ni Darwin. Hindi siya maka-move on sa sinabi ng kaibigan.
Alam niya na gwapong-gwapo sa sarili si Joseph pero mukhang mas lumala ito. Kulang na lang lamigin siya sa lakas ng hangin.
Antok pa si Carmela ng magising ito. Kulang na kulang ang tulog niya dahil sa kakaisip. Naghanda na siya ng umagahan niya para makapasok na siya agad. Ayaw niyang makita ang impaktong asawa niya!
Pero mukhang hindi umaayon ang tadhana sa kanya ng narinig niya na ang yabag ng asawa. Nagmamadali itong bumaba at napatigil ng makita si Carmela na nagluluto.
"Hoy! Pangit lutuan mo ako ha!" demanding na utosn ni Joseph. Hindi na lang siya inimikan ni Carmela dahil wala ito sa mood.
Umupo si Joseph agad at nagtataka bakit hindi nakipag-away si Carmela sa kanya. Nagluluto lang ito at gumawa ng kape para sa kanilang dalawa.
"Hoy! Are you mute?" iritang sabi ni Joseph. Tumingin lang sa kanya si Carmela pero hindi na naman nagsalita.
Nilagay na ni Carmela sa lamesa ang pagkain nila at kape. Natakam naman si Joseph ng makita ang pagkain dahil amoy pa lang nakakabusog na.
Hays. May gusto talaga sa akin itong si Pangit! Talagang ginagalingan sa pagluto.. feeling na sabi niya sa utak niya.
Kumain na si Carmela sa harapan niya kaya nagsimula siyang kumain na.
Grabe ang sarap talaga! Alam ko naman gwapo ako pero hays mahirap bastedin itong si Pangit.. feeling na naman na sabi niya sa utak niya.
Hindi siya mapakali dahil wala namang salita si Carmela sa kanya. Hanggang sa pumasok na silang dalawa, ni hindi niya narinig ang boses ng asawa kaya bigla na lang siyang naiinis.
Natapos na ang klase pero nakatingin lang si Joseph sa asawa na kumakain lamang ng mag-isa. Nagulat siya ng umupo sa harapan niya si Darwin. Nakangisi ito sa kanya.
"Hoy! Don't tell me, type mo si Carmela?" pagbibiro ni Darwin ngunit hinihiling niya na sana hindi.
Carmela is his childhood love. Until now he loved her so much, that's why he was always by her side. He knows that Carmela hates Joseph.
"Pinagsasabi mo bro?" pikon na sabi ni Joseph. Iritable siya at hindi niya alam ang rason.
"Nakatulala ka kasi kay Carmela.."puna ni Darwin sa kanya.
Darwin is scared. Joseph is his friend, and he knows his type when it comes to girls. Alam niya na hindi mahilig si Joseph sa mga 'manang' na looks.
But for Darwin, Carmela is the most beautiful girl that he had seen. Mabait pa at mapagmahal sa magulang.
"Alam mo bro.. may sasabihin ako sa'yo.." seryosong sabi ni Joseph.
Lumapit naman si Darwin sa kanya. Hindi alam ni Darwin kung bakit siya kinakabahan ngayon.
"hindi ko pala sa'yo naikwento.. hindi na ako single.." seryosong sabi ni Joseph sa kanya. Natulala si Darwin at iniisip niya na baka nangtitrip lang ang kaibigan sa kanya.
"Bro, parate ka naman hindi single.. always kang taken!" natatawang sabi ni Darwin. Napakamot sa ulo si Joseph.
"No! I mean, married na ako bro.." mahinang sabi ni Joseph. Darwin was lost.
Kasal? Kasal na ang kaibigan niya pero ngayon lang niya nalaman.
"Noong nakaraan lang ako kinasal.. biglaan lang hindi na ako nag-imbita kasi sikreto lang.." mahinang bulong ni Joseph.
Tiningnan ni Darwin ang kaibigan at mukhang nagsasabi ng totoo talaga si Joseph.
"And who's the unfortunate woman?" pagbibiro ni Darwin. Sumimangot si Joseph.
"Ayan nga si Carmela bro.. we're married.." sagot niya.
Unti-unting nawala ang ngiti ni Darwin sa narinig. Naramdaman niya ang pagguhit ng sakit sa kanyang dibdib.
"Kasal na kami ni Carmela.." ulit na naman ni Joseph.
Daig pa na huminto ang mundo ni Darwin. Ang babaeng pinakamamahal niya ay pagmamay-ari na ng kaibigan niya.