Magkasabay na lumabas sa pinto si Carmela at Joseph, parehas pa silang nagulat sa isat isa. Mukhang nakalimutan nila na mag-asawa silang dalawa. Hindi sila natulog sa iisang kwarto. Ginamit ni Carmela ang guest room at si Joseph naman ay sa master's bedroom.
"Ano ba 'yan! Ang aga masira ng araw ko!" reklamo ni Joseph na halata naman pinaparinig niya kay Carmela.
Ngunit hindi siya pinansin ng kanyang asawa. Carmela goes straight to the kitchen and prepares her breakfast. Her manang esme taught her how to cook.
"Hoy! Hindi ako kakain dito kaya hindi mo kailangan magluto, mamaya mahospital pa ako ng wala sa oras!" malakas na sabi ni Joseph upang maasar ang asawa.
Carmela looked at him.
"Para lang sa akin ito! I'm not your maid kaya matuto ka magluto ng sarili mong pagkain!" palaban na banat ni Carmela.
Palaban talaga si Carmela dahil ayaw niya talaga kay Joseph. Isang malaking bangungot para sa kanya ang maikasal sa lalaki.
"Wow! Itong grocery na ito para sa ating dalawa ito! Napaka-selfish mo pala! Hindi ka lang pangit madamot ka pa!" inis na sabi ni Joseph.
Hindi siya pinansin ni Carmela at nagluto na lamang ito ng para sa kanya talaga. Seryoso lamang ito sa kanyang ginagawa.
"Hoy pangit kinakausap kaya kita!" galit na sigaw ni Joseph.
Parehas silang maaga gumising para umiwas sa isat isa ngunit talaga nagsabay pa sila. Tumingin si Carmela sa kanya habang nagpupunas ng kamay ng matapos niyang patayin ang kalan.
Nakaramdam si Joseph ng maamoy niya ang mabangong luto ni Carmela. Narinig niya na kumulog ang kanyang tiyan kaya napatingin siya kay Carmela kung narinig ba, umasta na lamang ang asawa niyang si Carmela na walang narinig.
Gumawa rin ng kape si Carmela at dinala iyon sa lamesa. Napasimangot si Joseph ng makita na para sa isang tao lang talaga ang niluto ng asawa.
"Nasaan ang akin?" tanong niya sa iritableng boses.
Mas lalo siyang natakam ng makita ang pagkain ni Carmela. Nagsisimula na itong kumain sa harapan niya.
"Hoy! Napakasugapa mo! Where's my food and my coffee?" atungal ni Joseph.
Carmela stared at him.
"Magluto ka ng iyo kasi baka malason lang kita ng wala sa oras!" madiin na sabi ni Carmela. Ngumuya ito sa harap ni Joseph na ikinasimangot ni Joseph.
"Kahapon lang tayo ikinasal tapos papatayin mo ako.. wow ha! Ikaw pa ba talo sa kagwapohan ko?" maangas na sabi ni Joseph.
Naiinis siya dahil parateng natatapakan ni Carmela ang kanyang ego. Halata niya rin na ayaw talaga sa kanya ng babae kaya mas lalo siyang nainis.
Lahat ng babae sa school nila ay gusto siya tapos isang pangit pa ang may ayaw sa kanya.
Mas lalong kumalam ang tiyan ni Joseph ng nakita niyang ngumunguya ang kanyang asawa. Napasimangot siya.
Ibang klase rin itong pangit na ito! Akala ko naman mabait tsk inis na sabi niya sa isip niya.
Bumuntong-hininga si Carmela dahil nakokonsensya siya na nakatingin si Joseph sa kanya at halatang gutom. No choice siya kundi hatian ito sa kanyang pagkain.
Tumayo siya at iniwan na lamang ang pagkain na niluto niya. Marami naman sa isahang tao ang naluto niya at mahina naman siyang kumain. Kumuha siya ng isang plato, kutsara at tinidor. Gumawa rin siya ng kape para kay Joseph.
Pilit ang ngiti niya habang inaabot ang kape kay Joseph. Hinati niya rin ang pagkain niya at nilagay sa plato na kinuha niya kanina.
Ibinigay niya iyon kay Joseph na ikinatanga naman ng lalaki. Hindi na lang umimik si Carmela at kumain na lang.
Tuwang-tuwa naman si Joseph sa ginawa ni Carmela. Sarap na sarap siyang kumakain sa pagkain na niluto nito at ang kape ay sakto sa panglasa niya.
May puso rin pala si Panget! Akala ko titiisin niya akong mamatay sa gutom sabi ng isip niya.
Nagtataka siya ng tumayo na si Carmela at mukhang tapos na itong kumain agad.
"Oh saan ka pupunta?" hindi napigilan ni Joseph ang magtanong.
"Mahuhuli na ako sa klase kailangan ko ng mag-ayos.." sagot ni Carmela na ikinatawa ni Joseph.
Mag-ayos? Nag-aayos pala siya sa lagay na 'yan? isip ng utak niya.
Masamang tumingin si Carmela sa kanya dahil hindi naman ito tanga upang hindi maintindihan kung bakit siya natatawa.
"Alam mo.. sana nilason na lang kita baka sumaya pa ako.." gigil na sabi ni Carmela sabay alis. Kinabahan naman si Joseph at naghintay pa siya ng limang minuto at baka nga nilason siya ng dalaga.
Tumatawa siya mag-isa dahil mukhang napikon niya si Carmela. Pakiramdam niya nakapaghiganti na siya sa pangtatapak nito sa kanyang p*********i. Masaya siyang ngumunguya sa pagkain na niluto ni Carmela.
Nagmadaling pumasok si Carmela sa kanilang eskwelahan. Hindi siya sanay ng nahuhuli sa kanilang klase. Napatingin siya sa kaibigan niyang si Danny na papalapit sa kanya.
"Carmela galit ka ba sa akin? I'm sorry.." bungad ni Danny sa kanya. Napakamot na lang siya ng kanyang buhok.
Daig niya pa ang isang babaeng kutuhin habang nagkakamot siya. Hinawakan ni Danny ang kanyang kamay.
"Alam kong masakit pero alam ko naman na maiintindihan mo na mas gusto ko si Grasya kaysa sa'yo!" dagdag na sabi ni Danny.
Napangiwi na lamang si Carmela at pilit hinila ang kanyang kamay na hawak ng kaibigan. Ngunit mapilit ito at ayaw siyang bitawan.
Daig pa ni Joseph ang problemado ng nakita niya si Carmela na kasama ang kaibigan nito. Naalala niya na narinig niya mismo na ang lalaking ito ang nag-basted kay Carmela.
Naglakad siya papalapit at nagkunwareng hindi sila nakita. Nakaramdam siya ng inis sa asawa dahil hindi naman ito maganda upang magloko.
Naglakad siya sa gitna ng dalawa kaya nabitawan ng lalaki ang kamay ng kanyang asawa. Masama siyang tumingin sa dalawa.
"Ang aga-aga sinisira niyo ang araw ko!" galit na bulyaw niya sa dalawa.
Nakita ni Carmela na nanigas ang kaibigan niya na si Danny ng nabulyawan ng impaktong si Joseph. Bumuntong-hininga na lamang siya upang hindi patulan ang lalaki.
"Naging dalawa pa ang pangit sa paningin ko! Magsi-alis nga kayo!" galit na sabi ni Joseph na halatang sa kanya pinaparinig.
Carmela shutted her mouth.
"Joseph!"
Napalingon si Carmela ng narinig ang pangalan ni Darwin. Tumingin sa kanya ang lalaki at ngumiti.
Nakasimangot naman si Joseph ng lapitan ng kanyang kaibigan. Alam niya kasi na tagapagtanggol ni Carmela ang kanyang kaibigan kaya kailangan huminto siya.
"What's up bro! Grabe na-miss kita!" ngiting sabi ni Darwim at inakbayan siya. Hinanap ng kanyang mata si Carmela, at nawala na ito pati ang kaibigan nitong mukhang emo na rockstar.
Mas lalo siyang nainis.
"Ang aga nakasimangot ka na agad! Siguro kulang ka sa babae!" pang-aasar ng kanyang kaibigan. Ngumiti siya ng pilit.
Kasalanan mo itong pangit ka malas malas malas galit na sisi niya kay Carmela sa kanyang utak.
"Haha pupuntahan ko nga ang girlfriend ko eh!" sabi niya sa kaibigan. Umiling ang kaibigan sa kanya at saka ngumiti.
Nagmamadali si Carmela upang makauwi na. Naglalakad siya ng mabilis ng makita niya ang kanyang asawa na si Joseph, kahalikan nito si Andrea, isa sa mga cheering squad ng kanilanh eskwelahan.
Nanglalaki ang mata niya ng makita kung paano maghaplusan ang dalawa.
It's her first time seeing those scenes!
Nakita niya kung paano ang isang impakto na nilalamon ang leeg ni Andrea. Tumigil ang kanyang asawa sabay napatingin sa kanya.
Napahinto naman si Joseph ng nakita ang kanyang asawa. Natakot siya na baka magsumbong ang kanyang asawa sa daddy niya. Ngunit hindi niya alam ang mararamdaman ng tumalikod lamang ito at walang sinabi na kahit ano.
"Joseph! Bakit ka huminto?" Tanong sa kanya ng kanyang girlfriend na si Andrea. Napakunot ang kanyang noo dahil hindi niya maalala ang pangalan ng babae.
Need ko na ba ng memo plus gold? tanong ni Joseph sa kanyang sarili.
Mukhang mabibitin siya kaya mas lalo siyang nainis sa kanyang asawa na basta na lang tumalikod sa kanila.
Galit na galit si Carmela habang papasok siya ng bahay. Nagluto siya sa sobrang inis dahil akala niya aayusin ni Joseph kahit papaano ang sarili nito.
For her, a******y is a sin! Kahit naman hindi nila mahal ang isat isa inaasahan niya na sana respetuhin siya.
"Balang-araw makaalis ako rito! Sinusumpa ko na hindi ako mahuhulog sa lalaking impakto na 'yon!" Galit na sabi niya sa kanyang sarili.
"Nilagyan niya ng lason ang utak ko! Masama ito! Hindi pwede!" nababaliw na kausap niya sa kanyang sarili.
She thinks she lost her mind.
"Impakto ka talaga Joseph!" inis na sabi niya.