Lumipas ang araw na halos masama lang ang tingin ni Joseph sa dalawa. Iniiwasan niya na rin si Carmela na akala niya makakatulong sa kanya ngunit hindi, hindi pa rin nawawala ang nararamdaman niya kay Carmela. Nakita ni Joseph ang dalawa na halos maglampungan na sa harapan niya Mukhang hindi rin siya na-miss ni Carmela dahil ang mga mata lang ng dalaga ay na kay Darwin. Malapit na siyang sumabog sa selos! Gusto niya ng maging bayolente pero pinipigilan niya. "Si Darwin at Carmela na ba? Halos magkasabay parati silang pumapasok!" Napasulyap si Joseph sa nagsalita. Ilang araw na rin siyang hindi umuuwi sa bahay nila Carmela ngunit mukhang pinapalitan na siya ni Darwin sa asawa niya. "Oo nga! Naglalakad yata silang dalawa papasok ng eskwelahan! Ang swerte ni Carmela!" sagot ng isa. Napak