Nang makauwi si Carmela at Joseph sa kanilang bahay ay mabilis na umakyat si Carmela papunta sa kanyang kwarto. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang kaba niya kapag tumitingin si Joseph sa kanya "Carmela!" sigaw ni Joseph. Napahinto siya sa paghakbang at tumingin sa kanyang asawa. "Bakit ka ba nagmamadali? Manood muna tayo ng movie!" pilit ang ngiti na sabi ni Joseph. Napabuntong-hininga na lamang si Carmela. Ayaw niya na magkaroon ng ilangan sa kanilang dalawa ni Joseph. Para sa kanya naging maayos naman ang pagsasama nila mag-asawa kahit magkaibigan lang ang turingan nilang dalawa. "Galit ka ba dahil hinalikan kita? Akala ko okay lang sa'yo?" tanong ni Joseph. Tensyonado si Joseph dahil ayaw niya rin na makahalata si Carmela na may gusto siya rito. "H-hindi naman 'yon!