"TULOG KA BA?" tanong ko mula sa labas ng unit ni Set. Hindi ko sigurado kung umalis ba siya, pero noong nasa ground floor naman ako kanina ay wala naman siya roon. Hindi kaya ay gumala siya ulit? Maayos na ba ang pakiramdam niya ngayon? Kumain na kaya siya? Sinubukan kong i-type ang password niya na 4-3-2-1 sa lock ng pinto niya. Access denied. "Nagpalit na ulit siya ng password?" tanong ko sa sarili ko nang hindi ito bumukas. Bago 'yon, ah. Siguro ay alam niya na alam ko na ang password niya dati. Napakadali ba namang hulaan, eh. Magta-type na sana ulit ako ng password sa lock niya pero naiwan ang kamay ko sa ere nang biglang bumukas ang pinto ng unit niya at sumalubong sa akin si Set. Si Set na mukhang si Sadako na lumabas sa balon. Sobrang gulo kasi ng buhok niya at mukha talaga