“PUWEDE KO BA SIYANG BISITAHIN?” mahinang tanong sa akin ni Mark na naging dahilan para magpantig ang dalawang tainga ko. “Nasaktan na nga siya physically, eh. Na-hit and run na nga, tapos gusto mo pang dagdagan ‘yong sakit niya emotionally?” cold na sagot ko sa kan’ya. “Maawa ka roon sa tao. Si Stacey na lang ang gaguhin mo at huwag ang best friend ko.” Kung noong una ay gustong-gusto ko na magkabalikan sila ni Sunset, ngayon ay hindi na. Kung siya lang din ang magiging dahilan para masaktan nang masaktan ang best friend ko ay hindi ako magdadalawang isip na ilayo si Sunset sa kan’ya kahit pa na kaibigan ko siya. Wala rin akong balak na maawa sa kan’ya kahit na kaibigan siya ni Dale. Kung sakali man na kakampihan ni Dale itong walanghiya niyang kaibigan, hindi ako magdadalawang-isip n