“ASUNGOT,” bigla ko na lang nabulong sa sarili ko habang nakatingin ako kay Mark ngayon na nakatitig lang sa akin habang may suot pa siyang itim na shades na nakapatong sa itaas ng ulo niya. Nakasuot siya ngayon ng orange na poloshirt na ipinatong niya sa white t-shirt niya na tinernuhan niya ng blue jeans at puting sneakers. Saan kaya ang lakad ng asungot na ‘to? Siguro ay may date sila ng hipon niyang girlfriend. Bigla akong napasimangot nang dumako ang tingin niya sa legs ko na kitang-kita ngayon dahil sa naka-pencil skirt lang ako. Hinayupak talaga ‘to, ang lakas ng loob! Sa sobrang sama ng loob ko sa kan’ya ay tinaliman ko siya ng tingin nang ibalik niya sa mga mata ko pero kaysa matakot siya sa akin ay nginisian lang niya ako na para bang ine-expect niya na magiging ganoon ang