Mid of year 2003
Hershey's POV
"Gosh! Ang sweet naman ni Butch! Sana ako nalang si Leslie!" kinikilig na sabi ko habang tutok na tutok ang mga mata sa TV. Walang pasok kaya sama sama kaming magkakaibigan na nanonood ng paboritong tv series sa hapon. Ang F.L.A.M.E.S. Sobrang nakakakilig ang pagkatorpe ni Butch pero kapag nagpaka-sweet na ay matutunaw ang puso mo. Ganun pala mainlove ang mga torpe!
"Drama lang yan. Walang ganyan kabaduy na lalake sa mundo!" singit ni Lenard sabay hikab at abot ng magazine sa ilalim ng table. Nandito kami sa kwarto ni Stan, dahil sa aming lima, s'ya ang may pinaka maluwang na kwarto. "Stan, wala ka bang bagong VCD d'yan? 'Yung bold..." binulong pa nito ang huling pangungusap pero dinig na dinig ko kaya binato ko agad ng hawak kong stuff toy na si Mojacko. Ewan ko ba naman kay Stan at bakit n'ya nagustuhan ito, e mas kamukha n'ya naman si Doraemon! Lihim akong napatawa at napasulyap sa gawi n'ya. As usual, poker face na naman ang pusa!
Napansin yata n'ya ang titig ko kaya inirapan n'ya ako. Hinawakan ko ang gilid ng aking at pinaliit iyon katulad ng mata n'ya. Lalo lang n'ya akong inirapan at inabot ang remote saka inilipat ang channel!
"Hoy! Ibalik mo nga dun!" sigaw ko sabay lapit sa'kanya at agaw ng remote. Ibinalibag naman n'ya iyon kay Lenard at si Lenard naman ay ibinalibag kay Xavier. "Zave, akin na!" sigaw ko pero busy s'ya sa kanyang cellphone!
"Ugh!" naiinis na bulalas ko at kinagat ang balikat ni Stan! Napadaing s'ya sa sakit at hinila ang buhok ko. Sinamaan ko s'ya ng tingin at binato ang isa pang stuff toy na Mojacko. Ngumisi lang s'ya.
"Kainis!" iritadong sabi ko sabay upo sa pwesto ko. Nasilip kong busy na si Lenard sa phone. Wala sa sariling napasilip ako sa screen ng phone n'ya at nakita ko ang mga babaeng halos lumuwa na ang kaluluwa sa suot na two piece bikini!
"Yuck! Kadiri ka talaga, Lenard! Kaya ka binasted ni Gwinette, e!" nakangiwing sigaw ko sa'kanya.
"Niligawan mo si Gwinette, Nard?" singit ni Troy. Agad na umiling si Lenard. Tsk! Deny pa, sige!
"Hindi, ah! You know she's not my type..." naiiling na sagot nito. Umikot ang mga mata ko. Taas talaga ng pride ng isang 'to!
Napatingin kami lahat kay Xavier nang binato n'ya ang phone n'ya sa table.
"Anyare sa'yo, Zave?" tanong ko at napangiwi sa palabas sa TV na may pagka-horror. Kakaba kaba ang title. Nilingon ko agad si Stan. "Hoy, pusa! Ilipat mo nga 'yan! Di ka ba nandidiri d'yan? Karne ng tao, gagawing burger fattys? Yuck! Kadiri ka talaga!" sigaw ko pero hindi s'ya natinag at tinawanan lang ako.
"I broke up with Mia..." biglang sabi ni Xavier kaya sa'kanya napunta ang atensyon naming lahat. Laglag ang mga panga namin at hindi makapaniwalang tinignan s'ya.
"Ano?!" sabay sabay naming bulalas.
Si Mia ang pinakamaganda at pinaka mayaman sa school. Matalino rin 'yun kaya full package na talaga! Tapos, hiniwalayan lang n'ya?
Nilagay n'ya ang dalawang kamay n'ya sa likod ng ulo at saka humiga sa carpet.
"Bakit?" hindi makapaniwalang tanong ko. Napapailing na sina Troy at Lenard. Si Stan ay nagkibit lang ng balikat.
"Sayang 'yun, Dude! Perfect pa naman ng wankata!" sabi ni Lenard sabay sipol. Tumawa si Troy dahil sa sinabi n'ya.
"Hoy, Zave! Bakit ka nga nakipagbreak?" untag ko sa'kanya. Sumimangot s'ya bago sumagot.
"She cheated on me..." simpleng sabi n'ya. Natulala nanaman kaming lahat.
"Ouch! Sabi ko kasing galingan mo, Dude! Yan tuloy, humanap ng iba!" bulalas ni Lenard habang nakahawak pa sa tapat ng puso. Binatukan ko s'ya. "Aray! Totoo naman, a! Dapat talaga magaling sa kama-" binatukan ko ulit.
"Bunganga mo nga, Lenard Silva! Susumbong kita kay Tito Levy!" banta ko. Hinilot naman n'ya ang kanyang batok at umaktong nilagyan ng zipper ang bibig. Takot si Lenard sa Daddy n'ya at super close kami nun kaya alam n'yang isang salita ko lang ay malilintikan na s'ya.
"Who's the guy, Zave? usisa ni Stan.
"I didn't know him. I wonder what section he is or is he from higher year?" kunot noong sagot ni Zave at biglang tumunog ang phone nito at nakita kong si Mia ang tumatawag. Agad n'yang kinancel ang tawag.
"Ano bang pangalan? Baka kilala ko?" tanong ko. Narinig kong nagreact si Stan. Matalim na sinulyapan ko s'ya.
"Yeah, right... You know almost all of the guys in school." sarkastikong sabi nito. Inirapan ko s'ya.
"Pakealam mo?! Ikaw nga palaging nasa room ng third year!" singhal ko. Kumunot naman ang noo n'ya.
"And how did you know that?" tanong n'ya.
"Sinabi ni Joms, bakit?!" tukoy ko sa isa sa mga manliligaw ni Gwinette pero wala s'yang interes sa mga ka-schoolmate namin. Ang tipo n'ya ay malayo sa'kanya.
"Huh! Sapakin ko 'yun pag nakita ko sa Monday..." mayabang na sabi n'ya. Dirty finger lang ang sinagot ko sa'kanya. Tinawanan lang n'ya ako at tinuon na ang atensyon sa TV. Binalingan ko ulit si Xavier na mukhang nakatulog na.
"Hoy, Zave! Ano na? Anong name ng guy? Baka kilala ko!" pagpupumilit ko. Umiling s'ya at nakapikit parin ng sumagot.
"Dao Ming Sue? Dao Ming Si? Dunno how to pronounce his f*****g name." bale walang sabi nito. Nalaglag ang panga ko at ilang sandali pa ay humagalpak na ako ng tawa at nahampas ang braso ni Lenard!
Napakamot naman sa ulo si Lenard at takang tinignan ako. Kulang nalang ay magpagulong gulong na ako sa kakatawa.
"Anong nakakatawa?" tanong ni Lenard.
"Baliw!" rinig kong sabi ni Stan. Nakita kong tumatawa narin at naiiling si Troy. Siguradong alam n'ya kung bakit ako natatawa dahil fan din naman ng Meteor Garden ang girlfriend nito.
Shit! Ang sakit ng tyan ko! Kahit kailan talaga ay palpak si Xavier pagdating sa babae. Ano bang nangyari at pare parehong sablay sa pag-ibig ang mga kaibigan ko?
"Dao Ming Si is a Taiwanese guy, Zave. Kinababaliwan yan ngayon ng mga kababaihan lalo sa school. He's just a character in a drama..." paliwanag ni Trot habang naiiling.
"Ah! Yung apat na lalake sa posters na nabibili sa labas ng school?" tanong ni Lenard. Tumango si Troy. Tumawa si Stan.
"Magsorry ka, Dude..." sabi nito. Tumaas ang kilay ko at sinulyapan s'ya. Ngumuso s'ya at nagtatanong ang tingin. "What?" inirapan ko lang s'ya.
Aba, marunong magsorry? Himala!
"Why would I? Hayaan na... Nasabi ko na, e..." parang bale walang sabi ni Zave at saka umayos ng higa. Napailing lang. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Stan at ilang sandali lang ay sumungaw na ang ulo ng Kuya n'ya.
Agad na nagwala ang puso ko at napaayos ng upo.
"Kuya... why?" tanong ni Stan. Hindi na ako mapakali lalo na nang gumawi ang tingin n'ya sa akin. Nahihiyang napangiti ako.
"Hi po..." nahihiyang bati ko. Ngumiti naman s'ya at bago nagsalita.
"There you go, Hershey..." sabi nito. Kahit ang pagkakabanggit n'ya sa pangalan ko ay nakakalilig!
"Your cousin is here. Hinahanap ka na daw ng Daddy mo..." sabi n'ya. Agad na napatayo ako. Niluwangan n'ya ang pagkakabukas ng pinto at nakita ko si Krisha sa likod n'ya. Sumesenyas ito ng "Lagot-ka-kay-Tito-Kanina-ka-pa-hinahanap look". Nakagat ko ang ibabang labi at nagsimula ng humakbang.
"You should ask permission to your Dad when you go out, Hershey. Para hindi nag-aalala sa'yo..." sermon ni Steven sa akin. Pakiramdam ko ay namula ako dahil sa sinabi n'ya. Nahihiyang tumango nalang ako at nilampasan na s'ya.
Ni hindi ko na naantay si Krisha dahil mabilis na akong bumaba sa hagdan.
Sh!t! Major turn off, Hershey!