Hershey's POV
"Woke up like this pero pulang pula ang pisngi at nakasuot ng kulay tigreng contact lense? 'Yung totoo? Kamusta tulog mo, 'te habang suot yan?" nakangiwing bulong ko habang isa-isang ini-scroll ang newsfeed sa aking i********: account. Halos mapuno na 'yun ng selfie ng malandi kong co-teacher na ngayon ay girlfriend na ng ex kong si Darwin.
Kasalukuyan akong nasa office at naisipang magbrowse muna sa internet dahil napaaga ang dating ko ngayon. Alas sais y media pa lang at mamaya pang alas syete ang umpisa ng klase ko. I'm a pre-school teacher by profession but lawyer at heart! Chos!
Masama bang mangarap? Ito ngang girlfriend ng ex ko nangangarap gumanda kahit imposible. Ako pa kaya na natural ng maganda?
Umikot ang mata ko at pinalipad ang buhok ko. Ay! Hindi ko nanga pala magagawang mag-flip ng buhok dahil hanggang balikat nalang ang buhok ko.
Kung bakit naman kasi nauso ang pagpapagupit ng buhok kapag kaka-break niyo lang ng dyowa mo!
"Umagang-umaga napupuno ang opisina ng kabitteran mo!" naiiling na sabi ng co-teacher kong si Ish, short for Trisha. Napairap naman ako at pinagpatuloy ang pag-scroll sa phone ko. Bumalandra ang mukha ng ex ko sa screen kaya agad-agad ko 'yong nilampasan.
Wait! Pwede ko namang i-report nalang 'yon para hindi ko na makita 'di ba?
"Sus! Yan nanga kasi ang sinasabi ko, e! Kaya hindi nakaka-move on dahil panay ang bisita sa profile at tingin ng pictures! Move on, 'te! Maganda tayo, hindi natin kailangan ng mga pangit sa buhay!" pumapalatak na sabi niya na nakitingin na pala sa phone ko. Umikot ang mga mata ko.
Coming from the most bitter single Mom ever! E, halos mapuno na ng death wish ang bahay ng Tatay ng anak nito dahil sa pagkabitter n'ya!
"Nagsalita ang alamat ng ampalayang lumobo ang tiyan dahil nakatagpo ng hokageng talong!" sabat ng isang co-teacher kong si Gwinette. Natawa ako nang sumimangot at humalukipkip si Ish.
"Punyeta kasing mga lalaki 'yan! Sarap na sarap kumantot, hirap na hirap managot!" puno ng kabitterang sabi nito. Humagalpak kami ni Gwinette dahil sa sinabi n'ya.
Kahit kailan ay bastos talaga ang lumalabas sa bunganga ni Ish kapag usaping lalaki at pag-ibig. Nawawala ang pagiging teacher n'ya kapag nagiging bitter.
"Commitment first before anything else kasi! Bago ka maghubad ng panty, tanungin mo muna kung kaya kang panindigan pagkatapos. Singsing muna bago mo papasukin.... sa buhay mo!" sermon ko.
Sa tagal na naming magkakaibigan mula pa nung High School ay kilalang kilala na namin ang isa't-isa. Itong si Ish ang pinaka mahina sa tukso. Mabilis s'yang nakukuha sa matatalinghagang salita at matatamis na dila. Nagmistula na s'yang kakambal ng mga salitang "trial and error" dahil sa mga naging karanasan n'ya sa mga lalaki.
Ito namang si Gwinette ay mahilig sa mahahaba.... ang pagitan sa isa't-isa. Sa madaling salita, mas gusto n'ya ang Long Distance Relationship dahil mas may challenge daw ito. Naniniwala kasi s'ya sa kasabihang, Distance makes the heart grows fonder!
Sus! Oo nga at mukhang may thrill 'yung ganun pero malaki rin ang posibilidad na maloko ka dahil malayo kayo sa isa't-isa. Remember the saying, Out of sight, out of mind! Baka mamaya ay asang asa ka na mahal na mahal ka, 'yun pala ay sumasalisi na sa iba at reserba ka nalang n'ya!
Para sa'kin, iba parin 'yung may commitment. Para sa akin ay hindi biro ang makipagcommit ka sa isang tao lalo na kung lifetime 'yun. Gugustuhin mo bang matali sa isang taong hindi mo naman mahal? Syempre, hindi! Kaya once na pinakasalan ka n'yan, ibig sabihin 'nun, mahal ka!
"Nagsalita ang tatlong beses ng nabigyan ng singsing pero hanggang ngayon, ano? Nganga! Tatlong singsing, tatlong beses ka ng naloloko! Ano ka? Ring collector? Singsing pa more!" pambabara ni Gwinette. Nanliit ang mga mata ko sa'kanya. Palibhasa ay masaya s'ya dahil lovelife n'ya lang ang may progress sa aming tatlo!
Tumawa si Ish kaya napatingin kami sa gawi n'ya. "Hindi rin kasi kasal ang assurance para malaman mong mahal ka talaga ng isang tao. Kung kasal lang ang batayan ng lahat para masabing may forever sila, edi sana wala ng mga mag-asawang naghihiwalay din pagkatapos lang ng ilang taong pagsasama nila! Ang point dito ay hindi porke pinakasalan ka, mahal ka na. Nasa lalake talaga 'yan... kung paano siya handang magsakripisyo wag ka lang mawala. Kahit gaano pa kapangit ang ugali mo at kahit gaano pa nakakasawa ang mga ginagawa mong pambubwisit at pambibintang sa'kanya, magagalit siya at aawayin ka. Pero sa huli, nandyan pa rin s'ya at hindi ka iiwanan." mahabang sabi nito. Pareho kaming walang nasabi ni Gwinette at nagtinginan nalang.
Sa aming tatlo, si Ish ang may pinaka madaming karanasan pagdating sa pag-ibig. Kumpara sa mga naging karanasan namin ni Gwinette, nasa unang page pa lang ng conflict ng isang storya ang napagdaanan namin. 'Yung kanya, halos patapos na.
"Kaya ikaw, Hershey... Sana ngayong nakatatlo ka na, tigilan mo na, ha? Hindi porke't abogado ang Tatay mo, may batas ng nagsasabing abogado rin ang pakasalan mo. 'Yung standards, hanggang imaginations lang dapat. Kasi kapag sinabuhay mo 'yan, may forever ka nga. Forever nganga!" sermon ulit nito sa akin. Umismid ako at humalukipkip.
She has a point. Siguro nga ay hanggang dito na lang ang pangarap kong makapag-asawa ng abogado.
"Korek! This time, feelings ang i-consider mo at hindi 'yang punyetang pangarap mo. Ang mga lalaki, kapag naramdaman nilang hindi mo talaga sila mahal, mabibilis pa sa alas kwatrong maghanap yan ng kalinga sa iba. Kung di ka ba naman lukaret at kalahati! Basta abogado, gora na, te? Kahit di mahal, gora? Hindi lahat ng bagay natututunan lalo na ang pagmamahal na hindi naman talaga para sa'yo! Dahil ang love ay hindi pinipilit kundi kusang nararamdaman! Take note of that!" sermon din ni Gwinette.
Sige lang sermunan n'yo ako. Pasalamat kayo at single na ako ulit kundi puro pambabara ang makakamtan n'yo sa'kin!
Ilang sandali lang ay nagsimula ng magdatingan ang mga estudyante. Sabay sabay kaming lumabas ng faculty room at naglakad sa corridor. Kitang kita ko ang pagpark ng magarang SUV sa di kalayuan.
Ilang sandali lang ay iniluwa na nun ang kababata at kapitbahay kong si Stanley. Nakapolo ito ng kulay puti na nakatupi hanggang sa siko. Just the typical lawyer looks! Umikot siya para pagbuksan ng pinto ang pamangkin na si Kim. Umupo ito para magpantay ang kanilang mga mukha bago hinalikan ang pisngi nito at tumayo ulit para akayin ito papunta sa gawi namin.
Nagtama ang paningin namin pero agad din akong nag-iwas ng tingin at umirap. Hindi na yata maaalis ang pagkairita ko sa'kanya magmula pa nung unang beses na makita ko s'ya nung mga bata palang kami.
Nakita ko pa ang ngisi n'ya. Lalo akong nairita. Ang ngisi n'ya ang nagpapaalala sa akin ng mga naging kapalpakan ko sa lalaki lalo na nung mga bata palang kami.
"Pag malandi ka ba nag-lelevel up din 'yung pang-amoy mo? Ang bilis ni Kristelle, oh! Nakalapit agad kay Stan!" rinig kong bulong ni Gwinette kaya bumalik ang tingin ko sa gawi nila. Kitang kita ko ang kunwari ay pagsalubong ni Kristelle kay Kim pero halatang nagpapa-cute kay Stan. At ang malanding lalake ay namimyesta na ang mga mata sa hita nitong nakabalandra sa harap n'ya dahil sa ginawang pag-upo ni Kristelle.
Matapos nitong pisilin ang pisngi ni Kim ay tumayo na s'ya. Naging maagap naman si Stan at hinawakan ang kamay nito bago tumayo. Kitang kita ko ang pagbaba ng tingin nito sa dibdib ni Kristelle!
Diyos ko po! Walang patawad! Pati sa school ay nagkakalat ng kamanyakan!
"Hindi ako naniniwalang hindi yan matitikman ni Stan! f**k buddy number one, Kristelle Ligaya!" rinig ko ring bulong ni Ish. Napailing ako. Malamang hindi yan papalampasin ni Stan. Para sa isang lalakeng wala sa bokabularyo ang mga salitang commitment at marriage, malabong mapalampas n'ya 'yan. Tsk!
Nakita ko pang kumaway si Stan kay Kristelle nang umalis ito.
Landi, ah?
Seryoso ka? Sa harap ng pamangkin mo?
Lumapit sila sa gawi namin. Agad akong sumalubong kay Kim. Saling pusa lang s'ya dito sa school dahil dalawang taon pa lang s'ya. Actually, nakasurvive lang s'ya dahil pitong buwan pa lang ito sa tyan ng pinsan kong si Krisha nang mamatay ito dahil sa car accident kasama ang asawa nito na si Steven Hwang, ang Kuya ni Stan at ang lalaking unang nagpatibok ng bata kong puso.
Kung tutuusin ay nakakatawa na ewan ang nangyari sa aming apat. Crush na crush ko si Steven at crush na crush naman ni Stan ang pinsan kong si Krisha. Kaya nga kahit labag sa loob ko ay nakipagkasundo ako sa bwisit na Stanley na 'yun para lang mapalapit sa Kuya n'ya at para s'ya naman ay mapalapit sa pinsan ko. But it turned out na silang dalawa ang nagkapalagayan ng loob at kami ni Stan ay naiwang nganga.
At hanggang ngayon ay nagsisisi ako bakit ako nakipagkasundo sa'kanya. Kung iisipin ko ang mga kabalbalang ginawa namin noon ay maloloka lang ako. Hindi ako makapaniwalang nagawa ko ang mga bagay na 'yon. Nakakahiya talaga!
"Behave ka dito ha, Baby? I'll pick you up again after school, okay?" malambing na sabi nito kay Kim. Tumango naman ito at lumapit na sa akin. Siya na ang nakagisnang Daddy nito kaya ganyan sila kalapit sa isa't-isa.
"Kung may problema, don't hesitate to call me." sabi pa nito sa akin. Umismid lang ako at hindi s'ya tinignan.
"'Kay..." walang ganang sabi ko at hinila na ang kamay ni Kim. Pero bago ako tuluyang makatalikod ay nagsalita pa s'ya.
"New look again? Stop putting the blame on your hair. Walang kasalanan 'yan sa pagpili mo ng maling lalake."
Kunot noong binalingan ko s'ya. Tumaas naman ang kilay n'ya at ngumisi.
"Mind your own business. Atleast, may natatawag na boyfriend-"
"For how long? Three months? Ano 'yun? Three months rule? Galingan mo kasi para di ka iniiwanan..." makahulugang sabi nito. Nagpanting ang tenga ko lalo na nang makita ko nanaman ang ngisi sa mga labi niya.
I threw my dirty fingers on him and mouthed, "Punyeta ka!" dahil ayokong marinig ito ni Kim. Pasalamat ka at di mo alam kung gaano kademonyito ang tyuhin mo! Narinig ko s'yang tumawa bago nagdirty finger din at itinapat iyon sa dibdib niya, pointing at him habang namumutawi sa mga labi ang mga salitang, "Harder..."
Fuck me harder.
Nag-init ang pisngi ko dahil sa inis. Kitang kita ko ang ngisi n'ya nang makita ang panggagalaiti ko. Wala akong magawa kundi titigan siya ng masama.
Pasalamat ka at nandito si Kim, kung hindi ay magpaalam kana sa kinabukasan mo dahil tutuhudin ko 'yan!
"Bye, Baby! See you later!" pahabol na sabi pa nito habang hanggang tenga ang ngiti. Walang hiya talaga ang lalaking 'yon. Ang aga pa pero sinira na n'ya ang araw ko.
Pero meron pa palang mas isisira ang araw ko dahil pag-uwi ko kinahapunan ay ipinatawag ako ni Daddy sa opisina n'ya sa mismong bahay namin. May sasabihin daw itong importante. Nagulat pa ako nang madatnan doon ang lalaking wala ng ginawa kundi sirain ang araw ko.
Stanley Hwang.
Nakasimpleng V-neck shirt lang s'ya at khaki shorts nang datnan ko. Nakahalukipkip s'ya at pinapanood ako. Tinaaasan ko s'ya ng kilay.
"What is it, Dad?"
At anong ginagawa ng manyak na lalaking ito dito? Gusto ko sanang idagdag pero I know my Dad. He hates seeing his children being blunt to others. Pinalaki n'ya kaming marunong rumespeto sa ibang tao. Kahit na ang kaharap ko ngayon ay hindi karespe-respeto. Umismid ako nang magtama ang aming paningin.
Panget mo! Wag mo nga akong tignan!
Tingin n'ya palang ay nakakairita na. Ano pa kaya kung magsasalita pa? Nakakainit ng dugo!
"Okay.... I'm not gonna beat around the bush dahil isa lang naman ang kahihinatnan ng usapang ito.." sabi ni Daddy. Tumango lang ako habang nakatungo.
"I want you to help Stan for fostering Kim, Hershey." diretsong sabi nito. Napatango tango ako. Okay... 'yun lang pala, e. Madali lang-
Teka? Ano daw 'yun?
Parang nag-echo sa utak ko 'yung huling limang salitang binanggit ni Daddy.
Help Stan for fostering Kim...
Help Stan for fostering Kim...
Help Stan....
Stan....
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko ang sinabi ni Daddy.
"What?! Fostering Kim? With... him?!" hindi makapaniwalang tanong ko habang tinuturo si Stanley na tumataas ang kilay sa akin.
What? Is this some kind of a joke? April fools? Pero June na ngayon, for crying out loud! Anong kalokohan ito? Pinapadali ba ni Daddy ang buhay ng napakaganda n'yang anak dahil sa Stanley'ng malibog na 'to?!
Nakita kong seryosong tumango si Daddy. Nalaglag ang panga ko at napasapo sa noo. Feeling ko gusto kong mahimatay ngayon at isugod sa ospital dahil sa nakikitang pagseseryoso ni Daddy. This is serious! At wala akong bagay na hindi ginagawa para sa Daddy ko!
"You're gonna do it for me, right, Baby Hersh?" tanong nito.
I looked at him. My father's eyes were full of hopes. I can't take those hopes away! I really can't!
Wala sa sariling napatango na lang ako. Kahit nasa stage ako ng pagkawindang ay hindi nakaligtas sa aking paningin ang mala-demonyong ngisi ni Stan.
Goodbye, peaceful life. Hello, hell!