Chapter 1
Lally's PoV
2 years.
It has been two years since my life got f****d up. Dalawang taon na ang nakararaan nang talikuran ko ang lahat at iwan ang Pilipinas. And it feels nostalgic stepping back in this place.
"Welcome back, Lally!" Bulong ko sa sarili pagkalabas ko ng airport at tinanaw ang mausok na kalsada. Sa dalawang taon ko sa America, medyo naninibago ako ngayon sa ganitong tanawin.
"Miss Arcadio?" nilingon ko ang lalaking tumawag sa akin. "Ako po ‘yong driver ni Miss Steph," sabi niya. Napangisi ako. Miss Steph? Feelingera talaga ang baklang ‘yon.
"Patulong na lang po sa mga luggage ko." Sabi ko at agad naman siyang sumunod. Binuhat niya iyon at inilagay sa trunk. Bago pumasok sa kotse ay tinawagan ko na muna si Steph.
"Hey," bungad niya sa kabilang linya.
"Nakuha mo ba?" Tanong ko.
"Yea, yea! Naku Lally, kung hindi lang kita best friend, hindi ako magpapakahirap kumuha ng info about Lenny's birthday celebration. You know how much I hate her," reklamo niya at napanginiti ako.
He really hates ate Lenny mula nang mapag-alaman naming nabuntis siya ni EJ. Okay lang sana kung hindi niya alam ang tungkol sa amin e, kaya lang isa siya sa mga piling nakakaalam sa tagong relasyon namin noon ni EJ.
"Thanks, Steph," sabi ko.
"I want to witness kung anong magiging reaksyon niya sa bigla mong pagsulpot sa party niya. Can I come?" Ilang araw na akong kinukulit ni Steph sa pagsama niya sa surprise visit ko kay Ate Lenny.
"Fine, fine! But wait for my signal bago ka magpakita ro‘n. Kailangan ako muna para sa akin ang grand entrance!" Sabi ko at tumawa siya.
"Alright! It's a foam party, Lally," he reminds me.
"I know, I know." Sabi ko. Matapos ang ilang minuto pang pakikipag-usap kay Steph ay nagpahatid na ako sa ni-send niyang address ng venue.
Sa Laguna pa rin nakatira sina Ate at EJ kaya sa Laguna gaganapin ang 23rd birthday niya. It would take three hours drive.
Napahigpit ang kapit ko sa cellphone ko nang muling bumalik ang mga alaala. Kung paanong sinabi sa‘kin ni EJ ang totoo. Hindi ko kinaya ang lahat at nag-break down ako sa harapan mismo nilang dalawa ni ate.
They are best friends. Hindi ko akalain na ang title nilang ‘yon ang magiging excuse para hindi ko isiping may namamagitan na pala sa kanila. Habang naiipit kami sa traffic ay nabaling ang tingin ko sa labas ng bintana at naagaw ang aking pansin ng larawan sa matayog na billboard.
It was SJ.
Napakagat ako sa labi ko nang maalala ang mga nangyari sa amin dalawang taon na ang nakakalipas. It was like a permanent scar na hindi na mabubura pa sa alaala ko. He was my first.
Ang gabing nangyaring iyon sa amin ay ang huli naming pagkikita bago ako umalis papuntang America. And I don't think na naiisip niya pa rin iyon. If I know, napakarami nang babae ang nakasama niya sa pagtulog pagkatapos ng nangyari sa amin.
Wala na akong naging balita sa lahat ng iniwan ko rito sa Pilipinas. Sa mga magulang ko, sa mga kaibigan ko, kay Ate Lenny, kay EJ at maging kay SJ. Si Steph ay kailan ko lang din kinontak para hingin ang info sa birthday ng magaling kong kapatid.
Ayon kay Steph, hanggang ngayon, bukod sa aming apat, wala nang iba pang nakakaalam ng tungkol sa amin ni EJ. At ang sabi pa niya ay tuwang-tuwa ang lahat na sila ang nagkatuluyan.
Lahat? I'm the only exception.
Matagal ko nang inihanda ang sarili ko sa muli naming pagkikita-kita. At sana ay gano‘n din sila. Hindi ko ipinaalam ang plano kong magbakasyon muna ngayong summer.
Matapos ang may tatlong oras na biyahe at inabot na kami ng gabi, huminto na ang kotse sa tapat ng isang resto bar. Ayon kay Steph, ang bar na ‘to ay pagmamay-ari ni EJ. Bumaba ako ng kotse at ibinilin kay manong na ihatid kina Steph ang gamit ko dahil sa kanila muna ako mag-i-stay ngayong gabi.
Sa labas pa lang ay dinig na ang music mula sa loob. Mukhang sarado ang resto bar at tanging mga bisita lang ang nandito. Huminga ako nang malalim at naglakad na papasok ng resto bar. May isang bouncer ang nakakilala sa akin kaya naman hindi na ako hinarang pa.
Sumalubong sa akin ang kantang 'Touch' ng Little Mix at nakita ang mga nagsasayaw na bisita. Humanap ako ng puwesto at muling tinanaw ang dance floor. Makailang ulit akong umiling nang may mag-flashback na alaala sa utak ko.
"Drinks?" Tanong sa akin ng bartender na fini-flair nang kaunti ang boteng hawak niya.
"Mojito please." Sabi ko.
"Right away," sabi niya. Nag-mix siya sa mismong harapan ko at hindi ko maiwasang humanga sa galaw niya. Halatang sanay siya sa pagmi-mix ng mga drinks sa bar. "A mojito for tonight's most beautiful girl," sabi niya at iniabot ang baso ng mojito na kaka-mix niya lang. Natatawa ko iyong tinanggap.
"Thanks,"
"Ngayon lang kita nakita, are you friends with EJ?" Tanong niya. I stop sipping on my drinks nang mabanggit niya ang pangalang iyon. Ngayon ko lang din siya nakita, siguro ay bago lang siya rito. But he calls EJ by his name so maaaring hindi siya staff ng bar na ‘to.
"Kapatid ko si Ate Lenny." Sabi ko at tumango siya kahit bakas sa mukha niya ang pagkabigla.
"Lally? Oh my God!" Napalingon ako nang may tumawag sa akin. And to my surprise, it was Cassie, my cousin. Nasa Canada na ‘to, ah? Umupo siya sa stool na katabi ko at hinarap ako.
"What are you doing here?" Tanong ko at napangiwi siya.
"Ha? Malamang invited ako. Ang sabi kasi ni Ate Lenny hindi ka makakapunta. Kaya nakakagulat na narito ka," sabi pa niya na nagpagulo sa isip ko.
"Invited, saan?" Buong pagtatakha niya akong tinignan.
"Don't tell me hindi mo alam?" tanong niya at nanlaki ang mga mata niya nang mabasa niyang wala nga talaga akong alam. "God, Lally, sariling kasal ng kapatid mo, hindi mo alam?" Hindi makapaniwalang sabi niya. Napaawang ang bibig ko at tila napako ako sa kinauupuan ko.
Kasal?
Ang buong akala ko ay sila ang masu-surprise sa pagbalik ko ngunit hindi pala. Kabaligtaran ang nangyari. Ako ang nabigla sa nalaman ko.
Alam ko namang darating sila sa ganito, pero hindi ko rin alam kung anong kinabigla ko. Dahil ba ako ang pinangakuan noon ni EJ ng kasal? Bata pa lang kami ay naglalakbay na ang isip niya sa hinaharap.
Nanginginig kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Steph. Nag-aalala lang naman akong tinignan ni Cassie.
"Papasok na ba ako?" Excited niyang tanong.
"S-sunduin mo ko, please." Sabi ko. Parang hindi ko kayang maglakad palabas ng bar na walang umaalalay. Nanghihina ang mga tuhod ko.
"May problema ba? Anong nangyari? Sinaktan ka ba ng ate mo?" Nag-aalala niyang tanong.
"Please Steph, sunduin mo na lang ako!" Pagmamakaawa ko.
"Okay, okay. Nandito lang naman ako sa tapat. Papasok na ‘ko." Nagmamadali niyang sabi at ibinaba na ang tawag. Napasabunot na lang ako sa sarili ko at ngayon pa lang nagsi-sink in sa akin ang lahat.
They're getting married.
"Are you okay?" tanong ni Cassie kaya tumango lang ako. "May kasama ka ba? I'm with my friends, kung gusto mo sumama ka na lang sa amin?" Yaya niya pero umiling ako.
"I'm fine, thank you. May hinihintay lang ako." Sabi ko at tumango si Cassie. Matapos magpaalam ay umalis na rin siya. Sinulyapan ko ang wrist watch ko at 9pm na. The fudge! Nasaan na ba ang baklang ‘yon? What's taking him so long?
"Another glass?" Tanong sa akin ng bartender.
"Yes, please." Hindi ko namalayan na naubos ko na pala ang laman ng baso ko.
"Lally!" nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang boses ni Steph. Nilingon ko siya at nagmamadali siyang naglakad papunta sa akin. "Sorry, natagalan. Hinarang ako ng security, e. What happened?" Agad niyang tanong. Naupo siya sa stool na inuupuan kanina ni Cassie.
"They're getting married, Steph!" Halos malaglag ang panga niya nang sabihin ko ‘yon.
"Seriously? How did you know?"
"Sinabi sa akin ni Cassie. Ang kapal talaga ng mukha nila. Mukhang wala talaga silang balak ipaalam sa akin." I said with my teeth gritted.
"Anong plano mo?" He ask.
"Umuwi na lang tayo," I helplessly utter at tumango siya. Patayo na sana kami nang inilapag ng bartender ang baso kong may newly mixed mojito.
"O my God, ikaw na ba si bobo?" Tanong ni Steph nang maagaw nito ang atensyon niya. Parang nagha-heart shape pa ang mga mata nito.
"Ha?" naguguluhang tanong ng bartender kay Steph.
"Ikaw na ba ang BOBOo sa buhay ko?" Napahagalpak ako ng tawa dahil sa lame na banat ni Steph. Pilit na ngumiti ang bartender.
"I'm Kiross, EJ's cousin." Pakilala na lang niya.
Kiross? Oh, yea. May nababanggit nga sa akin si EJ dati about him. But he's living in California. Marahil ay nandito lang siya dahil nga sa kasal nila EJ.
"Hey, EJ!" Halos manigas ako sa pagkakaupo nang may tawagin si Kiross sa kabilang table. Ilang segundo lang ay may naramdaman na akong nakatayo sa may likuran ko.
"Yea?" Malalim ang boses na tanong ni EJ. Alam kong hindi pa niya ako nakikita kaya mas mabuting makaalis na agad ako rito. Muli na sana akong tatayo pero muli nang nagsalita si Kiross.
"I never thought Lenny has a sister..." Napakagat ako sa labi ko nang hindi agad nakapagsalita si EJ.
"W-What?" tanging naisagot niya.
—