Chapter 2

2432 Words
Chapter 2 Lally's PoV "W-What?" bakas ang labis na pagkabigla sa boses ni EJ. "How did you know?" Tanong pa niya. Naramdaman ko ang pagturo sa akin ni Kiross at narinig ko ang pagbigat ng hininga ni EJ. "Lally?" Halos pabulong niyang sabi. I composed myself at tumayo. Damn, Lally. Just stick with the plan. Face him like he's just a normal person. Ang tagal mong pinaghandaan ‘to. Huwag mo hayaang masira lang dahil sa nalaman mong ikakasal na sila. Hinarap ko siya at ngumiti, "hey!" I tried my hardest not to stutter. "What...what are you doing here?" "I just crashed this party," I laughed. "If you can call it crashing since it's my beloved sister's party." I scoff at nakita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata niya. "Hindi ka na dapat pumunta rito, Lally." Bakas sa kanya ang pag-aalala. "Hey, that's rude. I'm a guest here," I laugh at hinawakan ako ni EJ sa wrist. "You should go now, Lally." Marahas niya akong hinila ngunit nanatili lang ako sa puwesto ko. "God! Hospitality, please!" Singit ni Steph nang naramdaman niyang nasasaktan na ako sa pagkakahawak ni EJ. "Ikaw ba ang nagsabi kay Lally about tonight's celebration?" Galit na singhal ni EJ kay Steph. Nagpantig ang tainga niya kaya tumayo na siya at hinarap si EJ. "This is her sister's birthday party. Invite her or not, malalaman pa rin niya!" Mataray na sabi ni Steph. "So you think this is just an ordinary birthday party of Lenny? Engagement party rin namin ‘to," para akong binuhusan ng malamig na tubig. Maging si Steph ay hindi rin nakaimik. "You shouldn't bring Lally here." "And why not?" nabaling ang tingin nila sa akin. "You think I'd still give a damn?" Tanong ko na ikinatahimik ni EJ. Pinilit kong patatagin ang boses ko. "I think we should go now, Steph. Someone's still not over me." Sabi ko at nakita ko kung paanong nagbago ang expression ng mukha ni EJ. And I was right, may epekto pa rin ako sa kanya. "Yea, let's go." Nakakailang hakbang pa lang kami nang magbagsakan na ang mga bula. "What the fudge!" Halos mapasigaw ako sa inis nang mabasa ako. Damn this foam party! "Lally, Steph, let's go!" May bigla na lamang humila sa amin ni Steph papunta sa dance floor. "Cassie, we need to go home!" Halos sigaw ko sa tainga niya para lang marinig nila ako. Ang lakas kasi ng kantang 'Bodyshots' ni Kaci Battaglia. Umiling si Cassie at tinapat din ang bibig niya sa tainga ko. "The party is just getting started." Sabi niya, hinawakan ako sa wrist at itinaas iyon saka ako isinabay sa pagtalon niya. "We don't have a choice, Lally! It's too crowded here. Mahihirapan tayong lumabas." Sigaw rin ni Steph. Binitiwan ako ni Cassie ngunit nagpatuloy kami sa pagsayaw. "Let's share table with Cassie na lang." Suggestion ko at tumango siya. Nilibot niya ang paningin niya at agad siyang na-excite. "Ang daming gwapo!" I rolled my eyes mentally. Walang pinagbago ang baklang 'to. I started to enjoy this night. Mabilis kong nakalimutan ang pagkikita namin kanina ni EJ. Siguro ay hindi na rin ako ganoon ka-affected sa kanya. Maaaring nabigla lang talaga ako. Inabutan ako ni Cassie ng isang bote ng san mig light at agad ko iyong tinanggap. Ganoon din si Steph. Kahit halos magkabungguan na kaming mga narito sa dance floor ay nagpatuloy lang kami sa pagsasayaw. Nilalaro ko ang mga bulang patuloy sa pagbagsak sa amin. Masarap kasama ang mga kaibigan ni Cassie. Hindi mga KJ. I am living in a western country kaya hindi na bago sa akin ang ganitong lifestyle. I used to party in America. Napuno kami ng tilian nang biglang tumugtog ang 'You're My Only Shorty' ni Ariana Grande. Naging mas buhay ang dance floor at kanya-kanyang pakulo ang mga grupo ng kabataan na nagsasayaw. Nagulat na lang ako nang may humapit sa baywang ko at iginiya ako sa pagsayaw. "How are you, Lally?" "Zach!" I said in a high pitch dahil sa excitement. Nakikipagsayaw siya sa akin ngayon ngunit hindi wild. He's a friend of mine. Common friend namin siya ni EJ. And he's SJ's best friend. "I'm fine. Ikaw?" Ganting tanong ko. "Same. Kailan ka pa dumating?" Tanong niya sa may tainga ko upang mas magkarinigan kami. "Kanina lang," "Are you here for EJ and Lenny's wedding?" Hindi ko pinansin ang pag-iinit ng dugo ko sa tanong niya at pilit akong sumagot nang diretso. "Yea, I think so." Natatawa kong sabi. Dahil sa pagkukuwentuhan namin ni Zach ay hindi ko namalayan na napalayo na pala kami sa kasama ko. Ngunit pinagpatuloy ko ang pakikipagsayaw sa kanya. He's being gentle at kanina pa siya lingon nang lingon sa may likuran ko. I was tempted na lingunin ang tinitignan niya pero ayokong magmukhang tsismosa. "Do you have a boyfriend?" Bigla niyang naitanong at napakunot ang noo ko. Pero sinagot ko rin naman ang tanong niya. "Wala," "Good!" Medyo humakbang siya paabante sa akin kaya napaatras ako. Nakaalalay naman siya kaya hindi ako natumba. 'Yon nga lang, may nabunggo ako. "What the hell, miss!" Galit na sigaw nung lalaki sa likuran ko. Pamilyar ang tinig niya. Hindi ako maaaring magkamali. Tinignan ko nang masama si Zach at nag-shrug lang siya. Hindi ako makalingon sa likuran ko dahil alam kong siya 'yon at ramdam ko ang talim ng tingin niya dahil sa pagkakabunggo ko sa kanya. It's him. He's here. Of course, Lally. Engagement party rin ito ng kapatid niya kaya hindi siya maaaring mawala. "Miss, hey!" He grabs my arm kaya puwersahan akong napaharap sa kanya. Kahit dim ang lights dito ay nakita kong bakas sa mukha niya ang pagkabigla nang mapagsino ako. "La...Lally?" Hindi makapaniwalang sambit niya. What? Aside from dying my hair brown, wala na akong binago sa hitsura ko. Bakit parang hindi niya sure kung ako ba talaga 'to? "Babe," a blonde girl clings on his arm. "What's wrong?" tanong nito at tumingin sa akin. Tapos ay binalik ang tingin niya kay SJ. "Do you know her, babe?" Malambing na tanong ng babae. She's beautiful. White skin, blonde hair, perfect body curve. A type of girl SJ would date. "Yea. She's a friend. Isang kaibigan na umalis nang walang paalam." Malamig na sabi ni SJ at saka tumalikod papunta sa kanilang table kasama ang babae niya. I was left dumbfounded at napailing si Zach. Pumunta ako sa puwesto nila Cassie. May kalayuan ito sa dance floor kaya hindi na ganoon kalakas ang music. At ako pa lang ang nandito kaya pilit ko na munang inayos ang sarili ko. I have met EJ and SJ. This night couldn't get worse. Oh, wait! I still haven't met my beloved sister. So this night isn't over yet. "Hey, what's wrong?" Tanong ni Steph at naupo sa tapat ko. "I saw him," sabi ko. "Sino?" "SJ!" Tanging sagot ko at napangiwi siya. "Okay, what's up with SJ bukod sa mas lalo siyang gumwapo?" Tanong niya at napakagat labi ako nang ma-realize na wala nga pa lang alam si Steph sa mga nangyari sa amin ni SJ. "Oh, nothing." Sabi ko na lang at nagbukas ulit ng san mig light. Biglang nagliwanag ang isang bahagi ng bar at ngayon lang namin napansin ang stage na naroon. May dalawang bakla ang umakyat na sila yatang mag-e-emcee. Nagsibalikan na ang mga tao sa kani-kanilang table kaya umingay na rito nang bumalik sina Cassie. "Good evening, everyone!" hyper na sabi ng emcee. Nag-cheer naman ang crowd. "Are you now ready for tonight's surprises sponsored by our lovely couple, Lenny and EJ?” "We're more than ready! Whoo!" Sigaw ng crowd. Pati si Steph ay nakiki-cheer din. "Okay, let's do this!" Sigaw ng emcee at tinaas pa ang kamay. May hawak 'yong isang bakla na dalawang papel. "Para sa kaalaman ng lahat, ito po ay gift certificate sa isang 5-star hotel," sabi ng emcee. "We will be a match makers for tonight," sabi nung naka-red. "By the way, I'm Orie." Pakilala niya. "Ako naman si Sesa." Sabi nung isa pa. "We will play a body shot game. With a twist." Sabi nung Orie. "What's the twist?" Nagulat ako nang sumigaw si Steph. Ang lakas talaga ng sigaw ng baklang 'yan. "Kukuha kami ng isang lalaki at isang babae from different tables at sila ang gagawa ng body shot, here on stage." Excited na sabi ni Sesa. Seryoso? Sa harap ng stage? "So, paano ba ang pagpili natin?" Orie. "Kailangan parehas hot, para naman walang lugi," biro naman ni Sesa. "Any volunteer?" Tanong pa niya. Marami ang nagtataas ng kamay pero walang mapili si Sesa. "That boy, holding a Smirnoff." Sabi ni Sesa na nakaturo sa lalaking nakataas ang kamay. Hindi ko masyadong makita ang hitsura niya dahil madilim at malayo siya sa amin. Nag-cheer ang mga kasama niya nang maglakad ang lalaki papunta sa stage. Napangisi na lang ako. Basta talaga usapang hotel, mabilis 'tong mga lalaking 'to. Nagtilian ang mga babae nang maaninag ang mukha ng lalaki. Napakunot ang noo ko nang ma-realize kung sino ang napili nila. He's wearing a black tank top, dog tag necklace, ripped jeans and black boots. Fuck, Lally! Stop drooling on him. "Let's find your girl," sabi ni Orie. Lalo nang dumami ang nagtataas ng kamay. Biglang binulungan ni SJ si Orie at tumango-tango siya. Tumingin siya sa direksyon namin. "That girl, in red sweater dress." Para akong napako sa kinauupuan ko. Chineck ko pa ang suot ko kahit sigurado akong naka-red sweater dress ako. Lumingon ako sa kaliwa't kanan ko dahil baka hindi lang ako ang naka-red sweater dress. Pero ako lang talaga. Tumingin ako sa likuran ko. Binalik ko 'yong tingin ko sa stage at nakatingin silang lahat sa akin. "Go, Lally!" Tinulak na ako ni Cassie papunta sa stage. Wala na akong nagawa kundi ang umakyat doon. At doon ko muling nakita nang malapitan at maliwanag si SJ. You can't see any flaws in him. From his quiff hair na may blond streak sa unahan, nangungusap na mga mata, matangos na ilong, mapupulang labi. Maging ang itim niyang hikaw ay makaagaw pansin din. His broad chest, broad shoulders, biceps, triceps, perfectly longed legs. God, Lally! Stop checking him out. "Hi, what's your name?" Tanong ng emcee kay SJ. "SJ." Tipid niyang sagot. Tumingin naman sa akin si Orie. "What's your name, gorgeous?" He ask. "Lally," sagot ko. "Ang mabuti pa, simulan na natin ang game." Sabi ni Sesa. Naghiyawan na naman ang crowd. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Wala akong idea sa kung anong body shot ang gagawin namin. "We'll just explain the mechanics of the game..." sabi ni Orie. May kinuha siyang belt na iniabot ng isang staff ng club. "Wear this." Sabi niya kay Jester. Anong gagawin diyan? Pagkasuot ni SJ ng belt ay may shot glass na nakadikit sa belt. Nasa gitna. Sa tapat ng ano niya. Ng 'you know' niya. Oh my God! Anong gagawin ko riyan? "This is gonna be so exciting!" Sabi nung isa sa crowd. Nanlalamig na ang mga kamay ko. "Lagyan na natin ng tequila ang ating shot glass." Excited na sabi ni Orie at inabot kay Sesa ang bote. Pinapanood ko lang sila habang sinasalinan ni Sesa ng tequila ang shot glass na nakalagay sa belt ni SJ. After that, tumingin na siya sa akin. "Kailangan mo lang maubos ang tequila, bottoms up." Paliwanag ni Orie. Nagulat ako. Paano ko maiinom 'yan, e nakadikit sa ano niya 'yung shot glass? "I can't." Sabi ko. Nag 'boo' ang crowd. Oh my God! "Kailangan mo lang dahan-dahang humiga para mainom mo ang tequila. Habang si SJ naman ay unti-unting bababa." Paliwanag ni Sesa. "Just try. It's fun!" Narinig kong sigaw ni Steph. What?! Baliw na siya. "Come on, just kneel down in front of SJ." Orie instruct me. Tumingin ako kay SJ. Nakatingin lang siya sa akin at hinihintay kung gagawin ko ba o hindi. Hinawakan ako ni Sesa sa balikat at bahagya akong itinulak para igiya akong lumuhod sa harap ni SJ. Wala na akong nagawa pa. Kasalukuyan na akong nakaluhod kaharap ang shot glass. Ayokong masabihan ng KJ. "And for the final show..." sabi ni Sesa at may hawak siyang slice ng lime. Tinanggal niya ang balat no’n at lumapit kay SJ. "Itago mo lang sa bibig mo. Pagnaubos na niya ang tequila ay saka mo ilabas gamit ang iyong dila." Tumango si SJ at sinubo ang lime pero hindi nginuya. "Are you ready, Lally?" Tanong ni Orie. Huminga ako nang malalim bago tumango. Nagsimula na namang mag-cheer ang crowd. Nag-aalangan akong humawak sa baywang ni SJ para makakuha ng balanse at suporta. "You're stammering." He commented. Hell, who wouldn't? Nginitian ko lang siya. I grip tighter on his waist para hindi ako matumba dahil unti-unti na akong humihiga. Sumusunod siya kaya nang ilagay ko ang bibig ko sa shot glass ay unti-unti akong nakakasipsip. "Whooo!" "That's so hot!" "So look cute together!" The crowd keeps on shouting. Halos nakahiga na ako nang ma-realize kong ubos na ang laman ng shot glass. Hinawakan ako ni SJ sa magkabilang braso at intinayo. Iniharap niya ako sa kanya. Gumuguhit na sa lalamunan ko ang init ng tequila. Nakatitig lang siya sa akin "Lime!" Sabi ko sa kanya. Doon niya lang na-realize na nasa bibig niya ang lime ko. He stick out his tongue, nasa dila niya ang lime ko. When I was about to grab it with my mouth, bigla niyang pinasok pabalik sa kanyang bibig ang dila niya at lime ko. At dahil huli na nang malaman ko 'yon, dire-diretso ang labi ko sa labi niya. And there... We kissed. Nagulat ako nang muling maramdaman ang malambot niyang labi. Halos mapangiwi ako nang malasahan ang asim ng lime na pinagsasaluhan namin. Ilang segundo ring magkalapat ang aming mga labi. Until I felt his lips moved. His lips passionately brush against mine. I don't know why but I'm kissing him back. Hell! Of course, he's a good kisser. I can smell his fresh breath mixed with vodka. "Get a room!" Sigaw ni Steph . What the hell is he talking about? "Get a room! Get a room! Get a room!" The crowd chanted. Hell! Naramdaman kong ngumiti si SJ kaya bumitaw ako sa halik. "Guys, I think the crowd is right. Get a room!" Orie teases at iniabot sa akin ang two gift certificate. "Hindi—" Ibabalik ko sana ang GC nang kuhanin ito sa akin ni SJ. "Let's go!" Sabi niya at bigla akong hinila pababa ng stage. Lalo pang lumakas ang sigawan ng crowd habang hila-hila ako ni SJ palabas ng bar. Wait, anong plano niya? — 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD