Chapter 4
Lally's PoV
Nararamdaman ko na ang halos pagbaon ng kuko ni Ate sa braso ko dahil sa labis na galit.
"Huwag kitang simulan?" marahas ko ring binawi ang braso ko at napaatras siya. "Ipapaalala ko lang sa'yo, ate, ikaw ang nagsimula ng lahat ng 'to. At dahil mabait ako, tatapusin ko ang ang larong sinimulan mo!"
"Bakit ka nagbalik, Lally? Nagbalik ka ba para—"
"Para magbakasyon," pinutol ko na agad siya.
"And you want me to believe that?"
"I don't care, really. Maniwala ka man o hindi, it doesn't matter to me. You're being paranoid, Ate. Hindi lahat ng ginagawa ko, may kinalaman sa inyo. I have a life to live. It would be a waste 'pag hinayaan kong umikot ang mundo ko sa inyong dalawa." Lalagpasan ko na sana siya nang muli na naman siyang magsalita.
"Alam kong may balak kang bawiin si EJ kaya ka bumalik!" Sabi niya nang diretsong nakatingin sa akin.
"Are you threatened, Ate?" I taunt her that caught her off guard.
"No," tanging sagot niya.
"Really? But you're acting like you are," natatawa kong sabi.
"Alam kong mahal ako ni EJ!"
"Is that love enough para hindi ko siya maagaw? Is that love enough para manatili siya sa'yo? 'Cause honestly speaking, ate, sa tingin ko kayang-kaya ko siyang bawiin kung gugustuhin ko man. What do you think, kaya ko kaya?"
"You wish, Lally!" Humakbang siya palapit sa akin upang mas lalo kaming magkaharap.
"He's all yours, ate. Ayoko kasi ng nakikihati. Ikaw rin, 'di ba? Ayaw mo ng may kahati, kaya nang-aagaw ka para tuluyang masolo mo!"
"How could you!" Umamba si ate na sasampalin ako pero mas naging mabilis ako kung kaya't bago pa man lumapat ang palad niya sa pisngi ko ay nauna nang lumapat ang palad ko sa kanya.
Napanganga siya sa labis na pagkagulat.
"I should have done that before. Late na ba masyado?" I huff.
"How dar—" sinampal ko siyang muli, sa kabilang pisngi naman. "What was that for?"
"Wala lang, trip ko lang!" Dumiretso na ako sa loob ng bahay at naabutan sina mommy at daddy na kabababa lang ng hagdan.
"Mabuti naman at naisipan mong magpakita naman sa amin, Lally." Malamig na sabi ng aking ama.
"Hindi mo na ba kayang panindigan ang paglalayas kuno mo kaya bumalik ka na? Hindi mo na ba kayang sustentuhan ang luho mo kung kaya babalik ka sa poder namin?" Matabang naman na sabi ng aking ina.
"How sweet of you, guys. If that's your way of welcoming me, I appreciate it," I said sarcastically and my father clenches his jaw. "No tarpaulins, no hugs, no kisses, no 'how are you's', no 'I miss you's'. Awe guys, I really love the efforts." I added at galit na humakbang si daddy palapit sa akin.
"What do you need, Lally? Money?" Nagpantig ang tainga ko sa tanong ni daddy ngunit hindi ako nagpaapekto. Naupo ako sa couch at tiningala sila na parehas masama ang tingin sa akin.
"Thank you for asking, well, I am earning well," I said in mockery. "Hope that's answer your question, dad."
"Why are you here, Lally?" Tanong ni mommy na kalmado na ngayon. Iginiya niya si daddy na maupo sila sa katapat kong couch.
"Ate's wedding," tipid kong sagot.
"How did you know?" Dad ask.
"Of course, she's my beloved sister. Hindi ba ako invited?" Humawak pa ako sa dibdib ko at umarteng nasasaktan. Nakiupo si ate sa tabi ni daddy.
"Hindi naman sa ganoon, Lally—" agad ko namang pinutol ang sasabihin ni mommy at binalingan ko ng tingin si ate.
"Ate, bakit kaya hindi ako invited? May nagawa ba ako? Just let me know so I can make it up to you." Sabi ko. Bagama't nakangiti, hindi maitatago sa mga mata ni Ate ang labis na galit.
"I'm cool with you, Lally. Hindi lang talaga namin alam kung paano ka ko-contact-in. Where have you been, anyway?" Maamo niyang tanong. Tinapatan ko nang mas maamong ngiti ang ngiti niya sa akin.
"America. You should come with me one time. I'll tour you there." Sabi ko at mukhang nagugustuhan ng mga magulang namin ang pagkakasundo namin ni Ate. Ang hindi nila alam, nagpapatayan na kami sa tingin.
"Oh, I would love to,"
"Saan mo naman balak ipasyal ang ate mo?" Tanong ni daddy.
"Maybe Allegheny or Coconino forest. Paniguradong ma-e-enjoy ni ate ang ambiance at wilderness doon." Halos pigil ang tawa kong sabi. Nakita ko namang bahagyang napawi ang ngiti ni ate.
"Wilderness? Isn't it dangerous? That sounds exciting but scary at the same time." Sabi ni mommy.
"Yes, but I know Ate will be at home. She would be able to see adder, aesculapian snakes, arafura file snakes, asp, ball phyton, bird snakes, black-headed snakes, hognose snakes, cobra—"
"Are you trying to recite the different kinds of snake?" Putol sa akin ni Ate.
"Mayroon din do'ng black rat snakes, boa, boiga, congo snakes, copperhead—"
"Lally, enough!" Hindi na naitago pa ni Ate ang inis sa boses niya.
"That's creepy, Lally." Komento ni mommy.
"Actually, it's fun." Sabi ko kasabay ng pagtawa. Ni-research ko pa talaga ang iba’t ibang uri ng ahas para i-recite sa kanya.
"How's your life there?" Seryosong tanong ni daddy.
"I'm doing fine. I stopped schooling nung unang taon ko roon. Pero pinagpatuloy ko rin naman po." Sabi ko kay daddy. Nakita ko ang disappointment sa mukha niya nang sabihin kong nag-stop ako ng isang taon. Napakahalaga para kay daddy ang pag-aaral.
But what's new? I'm nothing but a disappointment in this family.
"Saan ka sa America?" Tanong naman ni mommy.
"Tucson,"
"Arizona?" Paglilinaw niya at tumango ako.
"At sa anong eskwelahan ka nagpatuloy ng pag-aaral?" Tanong ni dad.
"The University of Arizona," proud kong sabi at tumango si daddy. Mom smiled. "I'm also an intern in one of the biggest real estates in Arizona." I added at muli silang tumango.
"It's almost 1 in the am. Ang mabuti pa magpahinga na tayo. Lalo ka na, Lally, I'm sure may jet lag ka pa." Sabi ni mommy at tumango ako.
Nauna na silang pumasok sa kuwarto nila at sumunod na rin ako paakyat. Nasa tapat na ako ng pinto ng kuwarto ko nang tawagin ako ni Ate.
"Lally, talaga bang hindi mo ako titigilan?" Mahina niyang tanong dahil alam kong natatakot din siyang marinig nila mommy.
"What are you saying? Wala akong ginagawa." Sabi ko sa antok na antok na tinig.
"Hindi mo ba kayang irespeto ang kung anong mayroon sa amin ngayon ni EJ? Bakit kailangan mo pang manghimasok?" Gusto kong matawa sa tinuran niya.
"Respeto? How would you expect me to respect what you have if you didn't respect what we had?"
"I'm still your sister. And I demand for your respect!" She said full of authority.
"Respect must be earned. It has no gender nor age. It has no status nor blood relation. And I'm sorry, Ate, but you don't have what it takes to be respected." I utter.
"Bastos ka talaga. 'Yan ba ang natutunan mo sa America?" Hindi makapaniwalang sabi niya.
"We studied in the same school before, Ate. Pero bakit parang hindi ka naturuan ng GMRC?"
"Talagang—"
"Respect begets respect. In order for you to be respected, you need to be respectful. 'Wag mong hingin sa akin ang bagay na hindi mo naibigay sa akin noon."
"Ang lakas ng loob mong—" Naputol ang sasabihin ni ate nang marinig namin ang iyak ng isang bata.
Bumukas ang pinto ng kuwarto nila ate at lumabas si EJ na kalong ang batang sa tingin ko ay ang kanilang anak.
"Zild is crying..." Sabi nito kay ate.
Tumango si ate at muli akong binalingan ng tingin. "Hindi pa tayo tapos!" Halos pabulong nitong sabi at naglakad na palapit sa mag-ama niya at kinuha ang bata.
"EJ," tawag ko sa kanya nang akmang isasarado na niya ang pinto ng kuwarto nila.
"Why, Lally?"
I'm just wondering, "Where's SJ?"
"Guest room." Tanging sagot niya at tuluyan nang isinarado ang pinto ng kanilang kuwarto.
Nilingon ko saglit ang nakasaradong pinto ng guest room. He's probably asleep by now.
Pumasok na rin ako sa kuwarto kong hindi ko natulugan ng dalawang taon.
—
Mabilis lang lumipas ang isang linggong pananatili ko rito sa bahay. Hindi ko na ulit nakita sina Ate at EJ dahil bumalik na sila sa sarili nilang bahay. Sa June ang kasal nila ni EJ at parehas na silang busy kaya hindi na nakakadalaw pa rito.
Wala akong ibang ginawa kundi ang mog-jog tuwing umaga, hangout with my old friends, dinala ko na rin ang trabaho ko rito para lang hindi ako ma-bore.
Hawak ang ruling pen na kanina pa nakahalik sa tracing paper at sinusubukan kong mag-focus sa pagco-construct at pagpa-plan for our next project ay hindi ko magawa.
God, Lally, focus!
Lalo na akong nawalan ng focus nang mag-ring ang phone ko. I answered it without knowing kung sino ang tumatawag.
"Hey, Lally," bati sa akin ng nasa kabilang linya. Inilayo ko ang phone sa tainga ko upang kumpirmahin ang may-ari ng British accent na kausap ko ngayon. At hindi nga ako nagkamali.
It was Bryx.
"Hey, boy. What's up?" I asked. He won't do an overseas call for nothing. I know he's up to something.
"The squad will attend an end of semester party this 12th of May. We are wondering if you can make it?" Tanong niya at ginamit na ang kanyang oh-so-sweet voice. I know he's going to bribe me.
"I'll try, Bryx. You know I'm here in the Philippines." Sabi ko at tumawa siya nang mahina.
"I know, Lally. But after having a tiring and stressful semester, we deserve a break, baby." Alam kong hindi ako titigilan ni Bryx pero imposible talagang makarating ako.
"You don't expect me to travel across the world just to attend a Goddamn party, do you?"
"Why not? Don't you miss me?" Natatawa niyang tanong.
"I don't," I said and laugh.
"Awe, baby. That's rude." Bryx is a very good friend of mine. Just like me, he's just a foreign student. He's from England. Isa siya sa mga naging kaibigan ko noong bago pa lang ako sa university.
We're a 'thing'. But we don't take it seriously. We have boundaries and limitations. Parehas naming ayaw pa ng commitment kaya hanggang ganito lang kami.
I like him, yea. Siya lang ang nag-iisang tao na sinabihan ko about EJ and my sister. I enjoyed his company. He helped me forget EJ.
"We need to loosen up, Lally. Let's have some fun," pangungulit pa ni Bryx.
"I'm having fun here, Bryx!" I said.
"I don't think so, Lally." Seryoso niyang sabi kaya napabuntong hininga na lang ako. Alam kong hindi ako makapaglilihim sa kanya. He knows everything. There's no reason to deny it.
"Okay, I'll traverse the world just for that one night party." Sabi ko na lang. Saglit na katahimikan ang nanaig sa amin bago siya muling nagsalita.
"I missed you, Lally." Sinsero nyiang sabi at napangiti ako.
"I missed you, too, Bryx," I answered. "Bryx, how is he?" Bigla kong naitanong at alam kong alam na niya kung sino ang tinutukoy ko.
"He's fine. I just checked him right after my class and he's just missing you too." Sabi niya at napatango-tango ako.
"Thank you, Bryx."
"Anything for you, Lally."
After that phone call with Bryx, nagawa kong mag-focus sa ginagawa ko kahit papaano. Wala akong ibang mas pang mapagkakatiwalaan kaysa kay Bryx.
Siya ang higit kong pinagkakatiwalaan sa lahat, aside from Steph, of course. Marami na nga ang nakaka-misinterpret sa label namin as a 'thing'. Pero hindi nila alam na mas higit naming pinapahalagahan ang pagkakaibigan namin.
Kaya siguro takot kaming makipagcommit sa isa't-isa dahil alam namin na pag ni-level up namin ang kung ano mang mayroon sa amin ngayon at hindi mag-work ang relationship namin, alam naming maaapektuhan ang pagkakaibigan namin.
So nakukuntento na kami sa pagiging magkaibigan.
Muling nabalik ang tingin ko sa phone ko nang muli itong mag-ring. It's Steph.
"Lally, Cassie and I are on our way to your house. Be ready, ha? Susunduin ka namin." 'Yon lang ang sinabi niya at ibinaba na niya ang tawag.
Ha? Saan na naman balak pumunta ng dalawang 'yon? Kahit walang kasiguraduhan ay naligo na rin ako at nagbihis. I just wear a blue floral tea dress na four-inch above the knee ang haba and wear flats.
I let my brown hair down.
Matapos kong mag-ayos ay bumaba na ako at saktong kapapasok lang nila ng bahay.
"Saan ba ninyo balak pumunta?" May pagkairita sa boses ko.
"Nagkayayaan kasi kami na mag-bar. Instead of mag-bar, I suggested na sa BAGA Manila na lang sa Lakefront tayo pumunta." Sabi ni Cassie habang naglalakad kami palabas.
"What? May BAGA Manila rito. Bakit lalayo pa tayo?" Tanong ko pagkaupo ko sa front seat. Steph is the one who'll drive and Cassie is on the backseat.
"Para maiba naman. At saka may maliit na restobar malapit doon. Hindi crowded kaya sakto sa pagre-relax." Sabi niya.
So, we'll drive Calamba to Sucat just because she wants something new?
Inabot kami ng dalawang oras na biyahe dahil sa pagkaipit sa traffic. City will always be city. Kung anuman ang hindi ko na-miss dito sa Pilipinas, ito 'yong traffic.
Alas otso na nang marating namin ang lugar. Maraming tao, Saturday night kasi. Bukod sa tagal ng biyahe, nakadagdag pa sa gutom ang amoy ng mga pagkain dito. Nagpapalinga-linga kami sa paligid dahil hinahanap namin ang mga kasama namin na kanina pa raw nandito. Hanggang sa mahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na grupo. It was SJ’s. Kasama sina Zach at ang iba pa nilang kaibigan.
May babaeng nakapulupot ang mga braso sa braso ni SJ. Masayang nilalaro ng babae ang buhok ni nito, samantalang busy si SJ sa pagkikipagkuwentuhan at pakikipagtawanan kay Zach at parang walang pakialam sa presensya ng babae niya.
Nabaling ang tingin sa akin ni Zach at agad niya akong nginitian at kinawayan. Itinaas ko lang nang kaunti ang kamay ko bilang ganti sa kaway niya. Inginuso niya kay SJ ang direksyon ko at agad ako nitong nilingon. Napakunot lang ang noo niya at binigyan ako ng What-Are-You-Doing-Here-Look.
Hinawi niya ang kamay ng babaeng lumalaro sa buhok niya at may sinabi rito. Napailing na lang ako at hinila na ako ni Steph nang mahanap nila ang mga kasama namin.
SJ will always be SJ.
Manwhore!
—