Chapter 5
Lally's PoV
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at padabog akong tumayo dahil sa pagkairita kay SJ. Hindi ba pwedeng mag-focus na lang siya paglalandi ng babae niya? Medyo malayo kami sa table nila pero 'yung mga mata niya ay umaabot hanggang dito. Hindi ako makakain ng ayos.
"Problema mo?" Tanong ni Cassie at ngayon ay nakatingala na sila sa akin.
"Pahiram ng susi ng kotse, Steph." Sabi ko at nag-aalangan niya namang iniabot sa akin ang susi ng kotse niya.
I walked in stride hanggang sa marating ko ang kotse niya at agad akong pumasok sa loob. SJ is so unbelievable. I'm here to relax. At alam kong sinasadya niyang bigyan ako ng uneasiness sa pamamagitan ng mga titig niya.
Napapikit ang nga mata ko dahil sa pagkainis sa kanya.
Hindi pa man nawawala ang frustration ko ay nakarinig na ako ng katok mula sa bintana. What the hell! Wala ba siyang balak na tigilan ako?
Hindi ko iyon pinansin at muli akong pumikit. Pero napabalikwas ako nang pukpukin niya ng sunod-sunod ang bintana at alam kong kaya niyang mabasag iyon kapag hindi pa siya tumigil.
Binuksan ko nang kaunti ang pinto pero binuksan niya iyon ng tuluyan at hinila ako palabas.
"Can't talk to you in front of your friends, and the best way for me to get you away from them is to piss you off." Natatawa niyang sabi. Tama nga ang hinala ko. Sinadya niya akong bwisitin para lang mag-walk out ako sa lugar na iyon.
"Ano na naman bang kailangan mo?" Kalma lang, Lally. Hindi ka pwedeng pumatay. Pigilan mo ang sarili mo. Okay, that's exaggerated. Kahit naman gaano ako kagalit,'di ko magagawang pumatay.
"Do you think Steph would mind if we'll sneak out his baby?" Sabi niya habang nakaturo sa kotse ni Steph.
"Don't you have car?" Taas kilay kong tanong.
"Sa baba naka-park ang kotse ko, e." Hinila niya ako paikot papunta passenger seat. Binuksan niya iyon at saka ako halos ipagtulakan papasok. Saka siya umikot at sumakay sa driver's seat.
"At saan mo balak pumunta, Mr. Greyson?"
"You're too formal, Miss Arcadio." Ganting sabi niya. Pinatakbo niya ang kotse nang hindi sinasagot ang tanong ko.
Hindi naman kami masyadong lumayo. Pero nagulat na lang ako nang tumigil kami sa tapat ng Presidio.
"Hindi mo naman binabalak ang iniisip kong binabalak mo' 'di ba?" Diretsahang sabi ko sa kanya at tumawa siya.
"Bakit Lally, ano bang iniisip mong binabalak ko?" Tanong niya at ngumiti siya nang nakakaloko.
"Hindi ko gusto 'yang mga ganyang ngiti mo, Jester. Bumalik na tayo do'n." Singhal ko.
"You should calm down, Lally. We'll just eat here. I intervene your eating so I think I owe you a dinner!" Natatawa niyang sabi at bumaba siya ng sasakyan. Nag-jog siya at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.
"Or kung gusto mo, may bahay kami diyan sa Rapsody, we can go there kung talagang— Ouch!" Sinikmuraan ko sya bago pa man siya matapos sa kabal-kabalang niya.
Pumasok kami sa loob ng building at nagtungo sa isang restaurant. Seryoso talaga siyang magdidinner kami together? Well, sabagay, siya ang sumira ng pagkain ko kanina.
Pagkaupo namin ay agad kaming inabutan ng menu ng waiter. Pagkasabi namin sa waiter ng order namin ay umalis na ito.
"So, paano ka naman nakarating dito?" Tanong niya. Inilapag niya sa table ang iPhone niya at saka ako tinignan.
"Uh, Steph's car?" Inirapan niya ako sa sagot ko. "You? What brought you here?" Ganting tanong ko.
"We used to go here in the city every weekend. Wala kasing pasok kinabukasan. Isang linggo pa ang kailangan naming ipapasok." Sabi nya. I never thought na capable kami sa isang normal na pag-uusap.
"Oh, I see,"
"Why did you stop schooling sa unang taon mo sa Arizona?" Seryoso niyang tanong na nakapagpatameme sa akin.
Ito ang tanong na hindi ko alam kung paano sasagutin. Tell a lie. Yea, that's the safest option right now. But, am I really allow to lie to him about this fact?
Hindi pa man ako nakakapagdesisyon kung sasagutin ko ba ang tanong niyang 'yun ay dumating na ang order namin. Napatigil kami sa pag-uusap at nagsimula na lang kumain.
"Remember Yesa?" Maya-maya lang din ay tanong niya. Tango lang ang sinagot ko dahil ngumunguya pa ako ng pasta. Alam kong si Ysabelle Lee ang tinutukoy niya.
Siya ang cheerleader ng UP Pep squad na dating kinabilangan ko. They didn't confirm their status before but our schoolmates assumed that they are in a relationship 'cause they sometimes do a PDA and flaunted some make out.
"It's her birthday on the 12th, she told me to invite you. Nabalitaan niya kasing umuwi ka." Sabi niya.
12th? Umiling ako at uminom ng tubig para makapagsalita ng ayos.
"I can't," napataas ang kilay niya.
"Why?"
"May end of semester party kami. My friends are expecting me to attend." I said and he looks at me intently.
"Babalik ka ng Arizona?" He said in a low voice.
"Yea, babalik na lang siguro ako sa kasal ni Ate at EJ,"
"The wedding will be on June. Isang buwan ka sa Arizona?" Hindi makapaniwalang sabi niya.
"What's wrong with that? Doon naman talaga ako nakatira." Matagal niya akong tinitigan. Parang nag-iisip pa siya ng pwede niyang sabihin.
Alam kong may gusto siyang sabihin. Hindi niya lang alam kung bibitiwan niya ba ang mga salitang 'yun.
"You can't just leave me here again, Lally!" Matigas niyang sabi at napaawang ang bibig ko. Sumenyas siya sa waiter para makuha ang bill namin.
Kahit lutang ang isip ko dahil sa sinabi niya ay kumuha rin ako ng pera sa wallet ko at iniabot sa kanya. Tinignan niya ako nang masama.
"Stop belittling me, Lally. I can pay this alone." Sabi niya at nag-ipit siya ng dalawang libo sa bill.
Sabay kaming naglakad papunta sa kotse. Pero wala pa rin ako sa sarili ko. Nagsimula na siyang magdrive at parehas lang kaming tahimik.
"Should I stay with you this time, then?" Basag ko sa katahimikan habang nanatiling nasa labas ng bintana ang tingin ko.
Dahil sa pagkalito ay ngayon lang ako nakakuha ng isasagot sa sinabi niya kanina.
"You should stay with me this time, Lally." Seryoso niyang sabi habang nakatuon ang tingin sa daan at mabilis siyang nagdrift para maibalik ang kotse ni Steph sa pagkakapark.
He wants me to stay maybe because of the pleasure we could give with each other.
Should I stay? I don't know. But a big part of me wants to.
Naka-receive ako ng text from Steph saying na nasa Fluid restobar na sila. Sabay na kaming umakyat ni SJ dahil nandoon din daw ang mga kasama niya.
Kitang-kita ko ang pagkakalaglag ng panga ni Steph nang mahagip niya kami ng tingin ni SJ. What's wrong of walking together? Napalingon din sa amin 'yung iba pa naming kasama at katulad ni Steph, napanganga rin sila.
Ibinato ni SJ kay Steph ang susi ng kotse nito at nasalo naman 'yun ni Steph.
"Oh my God, he's the guy from Archers, right? 'Yung naka-partner ni Lally sa game?" Sabi ni Bianca.
"Are they dating? Nag-success ba sina Orie sa pagiging match maker?" Cassie.
"Uh, we just ate, guys." Sabi ko. Nagpaalam na si SJ at lumapit na sa mga kasama niya. Malapit lang din ang table nila sa amin.
Magaganda ang music dito sa Fluid. Feeling ko mapapadalas ako rito habang nandito ako sa Pilipinas. Bukod kasi sa relaxing ang paligid, hindi siya ganon ka-crowded. Hindi rin puro party song ang kanta dahil may mga love songs din.
"Bianca, your song!" Biro ni Karl kay Bianca nang biglang nag-shift ang music sa Starving ni Hailee Steinfeld ang kanta.
"Tigilan mo nga ako!" Kanina pa kami tawa nang tawa. Pinagtitinginan na kami ng mga nasa kabilang table.
Nagtama ang paningin namin ni SJ at itinaas niya nang bahagya ang bote ng beer na hawak niya as our toast. Itinaas ko naman ng kaunti ang orange juice na hawak ko. Wala ako sa mood mag-inom ngayon so I prefer juice.
Steph elbowed me kaya napatingin ako sa kanya. Pinandilatan niya ako ng mata. "Virgin ang kotse ko, Lally. Tell me, sinira iyo ba ang ka-inosentahan ng sasakyan ko?" Napangiwi ako sa sinabi.
"What? We just ate, Steph!" Sabi ko.
"Eat? You ate him—"
"We ate in a restaurant. God, ano bang pinagsasabi mo?" Singhal ko sa kanya at tumawa siya.
"Why so defensive, Lally?" Sabi na lang niya.
Inabot na kami ng 1am sa Fluid ay saka lang namin napagpasyahan umuwi.
"Stephen is wasted! Buti na lang talaga at hindi ako masyadong nag-inom!" Inis na sabi ni Cassie habang inaayos ng upo si Steph sa passenger seat. Pagkaayos niya rito ay umayos siya ng tayo at hinarap ako.
"I can drive." Prisinta ko pero umiling siya. May inginuso siya sa may likuran ko at nang lumingon ako ay napakunot ang noo ko.
Nakita ko si SJ sa may 'di kalayuan na nakasandal sa hood ng kanyang oh-so hot Audi habang nakahalukipkip at nakatingin sa akin. Anong ginagawa niya rito? Hindi ba't kanina pa sila umuwi kasama ang grupo niya?
"May sundo ka, Lally!" Cassie teases at sinamaan ko siya ng tingin. Naglakad ako papunta kay SJ upang harapin siya.
"Bakit nandito ka pa?" Tanong ko ngunit hindi siya naalis sa pwesto niya.
"Let me drive you home," he offers.
"Kasabay ko sina Cas—" Napalingon ako nang marinig ang papalayong pagharurot ng kotse ni Steph.
What the actual fudge?
"Sinong kasabay mo, Lally?" Nakangisi niyang tanong habang nakatingin sa papalayong kotse ni Steph.
"Hop in." Sabi niya at naglakad siya papunta sa passenger door at pinagbuksan ako. Masamang tingin ang pinukol ko sa kanya at naglakad palapit don.
Madaling araw na kaya naman mabilis kaming nakabiyahe. Inihinto niya sa tapat ng gate namin ang kotse niya. Pero hindi ako makababa dahil hindi niya pa ina-unlock.
"Uh, unlock the door, SJ." Sabi ko sa kanya.
"Lally," tawag niya sa akin kaya nilingon ko siya. Sinalubong niya ang tingin ko. "I badly need to ask this question. It has been bugging me since that night," napalunok ako sa sinabi niya.
That night?
He isn't referring to that night two years ago, right? Is he?
"What... what do you mean?"
"Did you... regret it? That night? Two years ago. Before you go to America? Did you regret everything... happened?"
Hindi ako nakasagot. Hindi dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Nagulat ako dahil ang buong akala ko ay hindi na niya iyon naiisip pa. He used to f**k. And that night was surely just an ordinary night to him.
"I don't," sagot ko nang diretsong nakatingin sa kanyang mga mata. Bakas sa mata niya ang labis na pagkabigla sa diretsahan kong sagot.
Napasandal siya sa backrest ng upuan niya at napahawak sa manibela ang kaliwa niyang kamay at nakatuon naman sa dashboard ang kanan. Nakatingin siya sa madilim na daan ng village namin na tanging lamppost at headlights lang ang nagbibigay liwanag.
"If you don't regret everything happened that night, bakit ka umalis?" I saw how his knuckle turns white as he grip tighter on the steering wheel.
"SJ, may nangyari man sa atin noon o wala, aalis pa rin talaga dahil 'yun ang plano ko!" Mariin kong sabi at medyo napataas na ang boses ko. Nab-bother na ako sa mga kinikilos niya.
Mula sa dashboard ay napunta ang kamay niya sa wrist ko at hinila ako palapit sa kanya. Sinalubong niya ang mukha ko upang mas lalo kaming magkaharap.
"And you still left? Does that night didn't change your mind?" Tanong niya. Kita ko ang panginginig ng labi niya dahil sa pigil na galit.
"No. I needed to runaway, SJ."
"Runaway from what?" Halos pasigaw niyang sabi. I run my fingers through my hair because of frustration.
"From my f**k up life!" I throw my hands in the air. Bakit ba kailangan ko pang balikan ang nakaraang iyon para lang sagutin ang mga tanong ni SJ?
"I have an unbearable ego, Lally. But why am I letting you to keep on wounding it?" Malalim ang boses niyang sabi.
"So you're confronting me now because you think I wounded your ego by leaving you?" I huff. Lahat ng 'to ay dahil sa lintik na ego niya?
"Hell no, Lally!" He slicked his hair back frustratedly. "I can f**k every girl I want after that night with you, but what I don't understand is that, every inch of me is wanting you."
"What the hell are you talking about, Jester?"
"Your kiss, your touch, your body. Damn it, Lally! And the way you react from my touch, the way you tug in my hair, even the way you moan my name. Damn it, Lally, Just Goddamn it!" Matapos niyang halos isigaw ang mga salitang 'yun ay binuksan na niya ang pinto.
Nanatiling nasa kanya ang paningin ko. "It's almost 3 in the am, Lally!" Sabi niya at napaayos ako at dali-dali nang bumaba ng kotse niya.
Ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya habang naglalakad ako sa tapat ng kanyang kotse papasok ng gate namin.
Bago pumasok sa gate ay muli ko siyang nilingon. Nakabukas ang bintana niya at nakapatong ang siko niya doon habang nasa may labi ang kanyang daliri. Sinalubong ko ang mga tingin niya at napangiwi ako.
"What the hell?" Sabi ko sa antok na boses nang mag-sink in na sa akin ang mga pinagsasabi niya kanina sa kotse.
Ngumiti lang s iya at kumindat. Ssaka pinatakbo papalayo ang sasakyan niya.
—