Chapter 18 Lally's PoV Dahil na rin sa labis na pag-iisip, hindi ko namalayan na nakatulog na ako dito sa gilid ng kama ni ate. Nagising lang ako dahil sa haplos sa buhok ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita si ate na nakangiti sa akin. "Can I ask you a favor?" Tanong niya kaya napaayos ako ng upo. "Sure," "Nabobore na ako dito sa hospital room na 'to. Ipasyal mo na naman ako sa garden." Malambing niyang sabi kaya ngumiti ako. Inalalayan ko siyang sumakay sa wheelchair para makapamasyal si ate kahit papaano. Dinala ko siya sa may likod ng ospital. Hininto ko ang pagtulak kay ate sa may duyan at naupo ako sa isang metal swing dito. "Nangyari na ito noon, Lally. Ang pinagkaiba lang, ikaw 'yung naka-wheelchair," sabi ni ate at napatango ako habang nakangiti. "Yea, mas madalas ako noo