Chapter 19 Lally's PoV Kasalukuyan akong nagdadrive papunta sa airport upang sunduin sina manang, Steph at Calix. Ngayon na kasi ang dating nila. May isang linggo ring hindi ko nakita si Calix kaya excited na ako ngayon. Bukas na ang kasal nila ate at gusto ko sanang makasama si Calix sa pag-attend bukas kaya ipapakilala ko na siya sa kanila mamayang gabi. Hindi nagparamdam sa akin si EJ nitong mga nakaraang araw. Ayokong magpakakampante pero umaasa akong sign na 'yun na itutuloy niya ang pagpapakasal sa ate ko. Dahil kung hindi, napakalaking gulo nito. Ngayon na rin ang bachelorette party na hinanda nina Yesa para kay ate. Mabuti na lang at kakilala ko ang mga pupunta kaya hindi ko na kailangan pang makisama. Nakasama ko noon sina Yesa sa cheering squad noong dito pa ako nag-aaral. B