LAKAS SILANGANAN NATAPOS KO MAAMIN kay Madam kung ano ang totoong nangyari sa kanya ay umalis na lang siya nang walang paalam. Hindi na ako umaasa na sasagot pa siya dahil kapag ako ang kausap niya ay iba siya. Ewan ko ba kay Madam! Mabait naman sana siya. Pero bakit hindi niya ipinapakita iyon sa akin? Tanging pagtaas lang ng kilay, pagsagot nang maikli, o hindi kaya mataray na pagsagot ang palaging ipinapakita niya sa akin. Kailan ko kaya makita ang malambot niyang ugali? Iyong imbes na Lakas nang may diin ang pagtawag sa akin ay maging Lakas na may lambot pa sa itlog ko? Sana ganoon na lang. Isa ka na lang sa akin, Madam! Kapag ako nagalit? Galit lang ako dahil wala na akong ibang maisip. Pero pangako ko, hindi kita papakainin ng itlog ko. Ano raw? Bakit napunta na naman sa itlog? Ha