LAKAS SILANGANAN NAPATIGIL SA PAGTAKBO si Hiyas nang tumingin sa amin si Madam. Hindi nagtagal, napabitaw na ito sa paghawak sa akin. Sino ba ang hindi mapabitaw? Ang sama ng tingin ni Madam sa anak niya. Naiintindihan ko naman siya kung bakit dahil nakahawak lang naman ang kamay ng anak niya sa akin. “Hiyas, watch your actions,” sabi ni Madam. “Nakipagkaibigan lang namam, Mom. He is such a great man,” sagot ni Hiyas na nagpangiti sa akin. “Then, be formal. Wala pang twenty four hours si Lakas dito pero kung umasta ka para na kayong mag-best friend ng kalahati ng taon ng edad mo? Anyways, pumasok na kayo sa loob,” maawtoridad na sabi ni Madam. “Okay, Mom. Sorry. Lakas, tara na,” saad ni Hiyas. “Mauna na po kami,” paalam ko. Pagpasok namin ni Hiyas, parang nabunutan ako ng tinik. Naw