LAKAS SILANGANAN GRABE! ANONG PETSA na? Bakit wala pa rin si Hiyas? Akala ko ba pupuntahan niya ako rito sa kwarto ko? Kainis naman! Akala ko ay totohanin niya iyong sinabi niya. Pero mukhang pinaglalaruan niya lang ang nararamdaman ko dahil alam niya kung gaano ko kagusto ang katawan niya. Sa inis ko, humiga na lang ako muli sa kama at tinawagan si Mama. Gusto ko lang siya makausap bago matulog. Sigurado naman ako na hindi pa sila natutulog ni Papa. Mahilig kasi manood ang dalawang iyon ng palabas sa TV. Iyon din ang bonding time nilang dalawa. Minsan, hindi ko maiwasan na kiligin sa kanila. Lalo na noong nakita kong nakahiga si Papa sa binti ni Mama habang si Mama ay pinaglalaruan ang buhok ni Papa. Grabe lang ang tama niyon sa akin. Napapasabi na lang ako ng. . . iba! Nang tinawagan