CHAPTER FOUR

2269 Words
Evelyn Scarlett Grace's POV: Nakahiga ako ngayon sa kama ko habang binabasa ang mga articles tungkol sa kasal namin ni Caleb na hindi natuloy. Habang binabasa ko ang mga komento ng karamihan ay hindi ko maiwasang mapaluha. Hanggang ngayon ay sobrang bigat parin ng dibdib ko. Isang linggo na ang nakakalipas simula ang pangyayari na iyon ay hindi ko na nakausap pa ulit si Caleb at hanggang ngayon ay hindi parin ako lumalabas ng kwarto. Dinadalhan lang ako ni Papa ng pagkain dito at kinakausap tuwing umaga at bago matulog. Si Pia naman ay sinubukang kausapin ako pero hindi ko pa rin talaga kayang humarap sa ibang tao. Sobra-sobra parin ang hiya na nararamdaman ko. Caleb was way too good for her, buti na lang at nagising na si Caleb. Mukhang expired na yung gayuma. She's such a fat ugly girl, sino ba namang gugustuhing pakasalan s'ya? Nang mabasa ko ang mga komento ay napahawak ako ng madiin sa phone ko. Gusto ko silang sagutin pero alam kong wala naman akong laban. Magaganda sila at sexy. Sigurado akong pagtatawanan lang nila ako. Napabuntong hininga ako at papatayin na sana ang phone ko nang may lumabas na notification. Mabilis ko itong binasa at nakitang nag-post ng picture si Kevin, isa sa kaibigan ni Caleb. Dali-dali akong nagtungo sa post at nakita ang litrato nila ni Caleb kasama pa ang isa nilang kaibigan na si Gabriel. May mga alak sila sa lamesa at base sa background ay.. nasa isa silang pool resort. Agad akong napaupo sa kama. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa paboritong pool resort sila ni Caleb. Dito kami nagbabakasyon ni Caleb pang stress s'ya sa school. Mabilis akong tumayo at kinuha ang itim kong jacket sabay sinuot ito. Bago lumabas ng kwarto ay napadaan ako sa body mirror ko dahilan para mapahinto ako. Tumayo ako sa harap nito at pinagmasdan ang sarili. Gusto kong puntahan si Caleb. Gusto ko s'yang makausap sa personal. Gusto ko s'yang tanungin kung bakit hindi s'ya nagpunta sa kasal namin at kung ang lahat ng pinakita at pinaramdam n'ya ay kasinungalingan lang. Natatakot ako sa isasagot n'ya pero kailangan kong marinig ang katotohanan. Kailangan kong harapin ang realidad. Pagnanatili akong tahimik, alam kong hindi gagalaw ang mundo ko. Huminga ako nang malalim, "kaya mo 'to Evelyn." Ngumiti ako nang pilit sa salamin tapos ay mabilis nang bumaba. "Evelyn? Saan ka pupunta?" Narinig ko ang boses ni Manang Josephine sa likuran ko. "Saglit lang po ako, babalik rin ako agad," sagot ko sa kan'ya nang hindi s'ya nililingon dahil ayokong makita n'ya ang namamaga kong mga mata. "Teka, malapit na makauwi ang papa mo. Hindi mo ba s'ya hihintayin?" Narinig ko ang mga yapak n'ya papalapit sa akin kaya naman binilisan ko ang lakad ko. "Babalik rin ho ako agad," sagot ko at mabilis nang lumabas at dumiretso sa kotse ko. Nilabas ko ang susi ko tapos ay pumasok sa loob. Pagkabukas ko ng makina ay nakita ko si Manang Josephine sa entrance ng bahay na may kausap sa phone at sigurado akong si Papa na ang kausap n'ya. Hindi ko na lang iyon pinansin at mabilis nang nag-drive. May isang guard ang humarang sa daanan pero hindi ko binagalan ang pagpatakbo kaya naman mabilis iyon na tumalon pagilid at wala na rin silang nagawa kung hindi buksan ang gate. Habang nagda-drive ay napatingin ako sa hanging picture namin ni Caleb. Anniversary namin ito, may buhat akong pink roses bouquet dito at suot ko ang kwintas na niregalo n'ya habang s'ya naman ay nakaakbay at suot ang relo na niregalo ko. Sobrang ganda ng ngiti namin dito. Ang akala ko ay.. mahal n'ya ako. Agad akong umiling. Hindi ako dapat mag-isip ng kung ano-ano hangga't hindi pa mismo lumalabas sa bibig ni Caleb. Kailangan ay sa kan'ya ko marinig ang mga sagot na gusto kong malaman. Nang marating ko ang pool resort ay hindi ko na nai-park ang kotse, iniwan ko na lang ito sa entrance at pumasok. "Excuse me ma'am, may reservation po ba kayo?" Humarang ang isang babae sa lobby. "Wala po," sagot ko habang ginagala ang paningin. "I'm sorry but strictly by reservation po ang resort," agad na sambit ng babae habang pilit na humarang. Nang makita ko si Caleb na lumabas sa isang elevator at lumabas sa kabilang glass door kung nasaan ang bar at pool ay sinubukan kong tabigin ang babae pero hinawakan ako nito sa braso. "Ma'am, please don't make a scene or else I will call the security team-" "Mish!" Biglang may babaeng lumapit sa amin at tumingin ito ng masama sa staff na nakahawak sa braso ko. "Good evening, Ms. Evelyn Grace. I will immediately book a VVIP room for you." Nang mapunta ang tingin n'ya sa akin ay agad na ngumiti s'ya. Kung hindi ako nagkakamali ay s'ya ang nagaccommodate sa amin ni Caleb last year dito at s'ya rin ang manager ng pool resort na ito. Agad namang inalis ng staff ang pagkakahawak n'ya sa braso ko tapos ay yumuko, "sorry po." Hindi ako sumagot at iniwan silang dalawa. Lumabas ako sa kung saan dumaan si Caleb. Agad kong narinig ang tugtugan dito at napapikit nang may mga maliliit na ilaw ang tumama sa mata ko. Marahan kong dinilat ang mata at nakitang may mga nagsasayaw sa mini stage, mayroon ring mga naglalaro ng volleyball sa pool at mga nag-iinuman. Mabilis akong naglakad at hinanap si Caleb. Nang makasalubong ko si Kevin na may bitbit na drinks ay agad s'yang natigilan nang makita ako. "Nasaan si Caleb?" Tanong ko sa kan'ya. "Evelyn!" Bigla s'yang ngumiti sabay lumapit sa akin at inakbayan ako. "What are you doing here?" "I'm looking for Caleb, Kevin. Now, tell me. Nasaan s'ya?" Seryoso kong tanong sa kan'ya. Tumawa s'ya at umiling, "what are you talking about? Wala si Caleb dito." "Stop lying. Nakita ko ang post mo, nakalimutan mo atang i-hide sa akin?" Sagot ko rito. Sa totoo lang ay hindi ko gusto ang ugali ng mga kaibigan ni Caleb. Nang marinig n'ya ang sagot ko ay inalis n'ya ang pagkakaakbay sa akin. "Woah, chill." Muli kong ginala ang paningin at nang makita ko si Caleb sa counter ay dali-dali akong naglakad papalapit sa kan'ya. Bawat hakbang ko ay pakiramdam ko bumibigat, wala rin akong ibang marinig ngayon kundi ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso ko. Nang malapit na ako kay Caleb at hahawakan ko na ito sa braso ay may babaeng umupo sa tabi n'ya at inakbayan s'ya. "Hey babe, where did you go?" Hinalikan nito si Caleb sa labi kaya naman natigilan ako at para bang huminto ang mundo ko. "Do you know her?" Napatingin ang babae sa akin nang mapansin n'ya ako. "Who?" Nang makitang palingon si Caleb sa akin ay napaatras ako at napalunok. "Caleb," tawag ko sa kan'ya nang makita n'ya ako at kasabay nito ang pagtulo ng luha ko. Nakita kong nanlaki ang mga mata n'ya at napatayo. "Evelyn.." mahinang bigkas n'ya sa pangalan ko. "Babe, who is she?" Tanong ng babae sabay pinatong ang kamay sa dibdib ng fiancé ko. Agad akong nakaramdam ng matinding pagkasikip sa dibdib ko, pakiramdam ko ay matutumba ako sa ano mang oras. Hindi ko alam ang gagawin. Gusto kong umiyak, gusto kong tumakbo, gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. "She's.." tumigil si Caleb at nag-iwas ng tingin. "a stranger." "No.." hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob magsalita. "I am his Fiancé," sagot ko sa babae. Nakita kong napakunot ang noo ng babae tapos ay tumawa. "You're kidding, right?" Tanong nito. "Caleb.." tinignan ko si Caleb sa mga mata, sinubukan kong basahin ang nararamdaman n'ya pero walang emosyon ang mga ito. "Tell her the truth." Lumapit ako sa kan'ya at hinawakan s'ya sa kamay. "We were supposed to marry each other last week. Tell her." "Evelyn.. I.." napapikit s'ya nang madiin tapos ay tumingin ng deretso sa akin. "I didn't loved you." Marahas n'yang inalis ang pagkakahawak ko sa kamay n'ya dahilan para matumba ako sa sahig. Napatingin ako sa sahig kung saan tumutulo ang luha ko. Narinig kong tumigil ang tugtog at nagsimulang magbulungan ang mga tao. Napalunok ako at marahan na tinignan ang mga tao na nakapaikot sa akin habang bakas sa kanilang mga mata ang awa at tuwa. "Did you really thought that I loved you?" Malakas na sambit ni Caleb at iniluhod ang isang tuhod sa sahig para makapantay ako. Hinawakan n'ya ang baba ko at kitang kita ko sa mga mata n'ya ang pangdidiri. "Look at the mirror!" "Sinong tanga ang magkakagusto sa isang tulad mo? mataba? Pangit? wake up, Evelyn! I don't love you. You disgust me." Pakiramdam ko ay binasag ang puso ko sa mga narinig ko. Ibang iba s'ya sa Caleb na nakilala ko. Iba s'ya sa Caleb na minahal ko. "Caleb.." umiiyak kong tawag sa kan'ya. "It's time to wake up. I'm no longer your fiancé and we will never get married." Hindi ko na kinaya ang sinasabi n'ya sa akin pati na rin ang mga naririnig kong bulungan. Nag-ipon ako ng lakas ng loob para tumayo. Nakita kong may mga flash ang tumama sa akin. Kinukuhaan nila ako ng litrato at ng video. Sa huling pagkakataon ay tinignan ko silang lahat. Ang mga mata na nanghuhusga, mga mata na naaawa at mga mata na natutuwa. Halo-halo sila. Hindi ko na kaya pa. Pakiramdam ko ay nanliliit ako. Mabilis akong tumakbo, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko pero wala na rin akong pakialam pa dahil ang tanging gusto ko lang ngayon ay maglaho. Paano nagawa ito ni Caleb sa akin? Wala lang ba talaga sa kan'ya ang mga pinagsamahan namin? Lahat iyon ay kasinungalingan. Napahinto ako at sumigaw. Sinigaw ko ang sakit na nararamdaman ko habang nakahawak sa puso ko. Buong buhay ko ay akala ko totoo at tapat si Caleb sa akin. S'ya ang nagtatanggol sa akin noon at s'ya ang nagturo kung paano maging matapang at matatag pero s'ya rin pala ang sisira sa sarili ko. "Bakit.." napayuko ako habang napahikbi. "Bakit mo to ginagawa sa akin? Paano mo ako nagagawang saktan?" Si Caleb lang ang tanging pangarap ko simula bata pa lang. S'ya lang ang alam kong magpapasaya sa akin. S'ya lang ang nakikita kong makakasama ko sa pagtanda. "Sobrang sakit.." napapikit ako. "Kung sana ay maganda lang ako at normal ang katawan.." pinunasan ko ang luha at napatingin sa gilid ko. Nakita ko ang isang pool, may harang ito na nakasulat na maintenance. Napansin kong walang ibang tao dito dahil nasa dulo at private pool ako. Napalunok ako. "Siguro.. ito na lang ang paraan." Marahan akong nagsimulang maglakad papalapit sa pool. "Nasira na ang pangarap ko. Sirang sira na rin ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko." Huminto ako nang makalapit na ako rito at nakita ang reflection ko sa tubig. Habang tinitignan ang sarili ko na umiiyak ay pakiramdam ko nandidiri na rin ako sa sarili ko. "I'm sorry papa.." Marahan akong tumapak sa pool at agad akong lumubog. Naramdaman ko ang napakalamig na tubig sa aking balat. Pagkadilat ko ay sobrang dilim, wala akong makita. Nakakatakot. Pinikit ko na lang ang mga mata ko habang inaalala ang mga memories ko kasama sila Caleb at Papa. Pinilit kong alalahanin lang ang mga magagandang alaala pero hindi ko mapigilang isipin ang nangyari kanina. Agad akong napadilat nang magsimula na akong mahirapang huminga at nakakalunok na ng tubig. Sinubukan kong abutin ang sahig ng pool pero hindi ko ito maabot, sinubukan ko ring tumalon at sumigaw pero walang tulong na dumating. Wala na akong ibang nagawa kung hindi tanggapin ang desisyon ko. Mabuti na rin ito dahil wala naman na akong babalikan pa. Pinikit ko na lang ang mga mata ko habang hinintay ang kamatayan ko. Naramdaman kong may tumalon sa pool pero hindi ko na kaya pang idilat ang mga mata ko para tignan kung sino iyon. Nanghihina na ako. Naramdaman ko na lang na hinawakan n'ya ako sa kamay at pagtapos nito ay nawalan na ako ng malay. "Come on, wake up." Naramdaman kong may labi ang nakadampi sa akin upang bigyan ako ng hangin. Matapos nito ay naramdaman ko ang kamay n'ya sa bandang dibdib ko upang mag-cpr. Agad akong napasuka ng tubig at unti-unti dinilat ang mga mata. Ramdam ko ang hapdi sa lalamunan ko at ang bigat ng talukap ng mata ko. "Thank god, you're okay." Rinig kong mahinang sambit ng lalaki. Marahan akong tumingin sa kan'ya. Itim ang mga buhok n'ya, nakasuot s'ya ng puting polo at itim na shorts. Nakita kong napaupo s'ya sa sahig habang hinahabol ang hininga. Basang basa s'ya at bahid sa mukha n'ya ang pag-aalala. Umupo ako at ginala ang paningin. Nakita kong nasa resort parin ako. Agad na napakunot ang noo ko, "bakit mo ako niligtas?" Galit na tanong ko. "I saw what happened," kalmado na sagot n'ya habang seryoso ang mukha na nakatingin sa akin. "My life is over. Hinayaan mo na lang sana ako!" "How could I let a girl like you die just like that?" Tumayo s'ya at naglakad papunta sa harap ko. "Wala kang alam sa pinagdadaanan ko.." mahina kong sagot sabay napayuko. "Alam kong katulad ka rin naman nila. Wala kang pinagkaiba sa kanila. Parehas kayong lahat." "Why don't you revenge?" Dahil sa sinabi n'ya ay agad akong natahimik at tinaas ang tingin upang makasalubong ang mga titig n'ya. Itim na itim ang mga mata n'ya at seryoso ang mga ito. "Gagawin ko ang lahat para tulungan ka. I will help you revenge, Ms. Evelyn Scarlett Grace." Marahan n'yang nilahad ang kamay sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD