CHAPTER SEVENTEEN

1857 Words
Evelyn Scarlett Grace's POV: Matapos kong tumugtog ay nagpalakpakan ang lahat at tumayo ako papunta sa gitna para mag-bow sa kanila. I didn't expect the crowd to react like this. Dati ay tumutugtog rin naman ako pero hindi ganito kalakas ang palakpakan nila. Was it because I look beautiful now? Ganito na ba talaga ang society ngayon? Pag maganda ka, papabor sa iyo ang mga tao at pag hindi, kawawa ka. Gusto kong matawa at mapailing dahil sa mga sarado nilang utak pero kailangan kong pigilan ang sarili. Kailangan kong maging perpekto sa kanila at kailangan kong makuha ang tiwala nila. "Thank you everyone, I'm really glad you all liked my performance. I trained really well." Ngumiti ako at muling nag-bow sa kanila. "Now it's time to eat. The buffet is ready! Happy eating everyone!" Matapos kong mag-announce ay nag-guide ang mga waiters sa bisita papunta sa buffet. Bumaba ako ng stage at humingi ng wine sa waiter. Pinagmasdan ko ang mga pagkain at puro matataas ang calories nito kaya naman nagpakuha na lang ako ng salad. Isa ito sa natutunan ko, ang kontrolin ang pagkain ko. Umupo ako sa bakanteng upuan sa table ni Caleb. Wala s'ya rito kaya naman sinubukan kong hanapin si Dristan pero hindi ko s'ya makita. Sobrang daming tao. "Evelyn?" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita si Caleb. May dala s'yang isang pinggan ng salad. Nilapag n'ya ang dala n'ya at umupo sa tabi ko. "That's all you're going to eat?" Tanong n'ya. "They served your favourite-" "They're not my favourite anymore, Caleb." Ngumiti ako sa kan'ya. "Besides, I'm watching my calories now. I need to dump those foods. How about you? Diet ka rin ba?" Tanong ko habang nakatingin sa Plato n'ya. Honestly, kinakabahan ako ngayon pero hindi ko puwedeng ipakita o iparamdam sa kan'ya. "Well, yes, diet rin ako." Nakita kong ngumiti s'ya at tumawa nang mahina. "I'm gaining wait lately." Hindi ako sumagot at sumubo lang ng salad. Biglang nagpatugtog ang dj ng soft and love music kaya naman napatikhim ako. Urgh, nasaan na ba yung ka-table ni Caleb? Wait, Scarlett, kailangan mo ang pagkakataon na ito. You have to be alone with Caleb. "Either way, you still look handsome.. Caleb." Tumingin ako sa kan'ya at ngumiti ng kaonti. Nakita kong natigilan s'ya sa pagnguya ng salad dahil sa sinabi ko. "Nothing changed, ikaw na ikaw parin yung Caleb na kilala ko." Pinagmasdan ko s'ya. Brown pa rin ang buhok n'ya at walang nagbago, gwapo pa rin s'ya at malakas ang dating. Tumawa s'ya nang mahina, "Is that a compliment?" Tanong n'ya. "Thank you, Evelyn." Tumingin s'ya sa akin. "And you.. you changed so much. Sa totoo lang, hindi nga kita nakilala. You lost weight. It's like I'm talking with a different person right now." How chould he talk to me like he didn't hurt me in the past? Nakalimutan n'ya na ba ang ginawa n'ya sa akin? Nakalimutan n'ya na ba ang pagpapahiya n'ya sa akin at ang pangloloko? Napatingin ako sa glass wine ko nang maramdaman kong humihigpit ang hawak ko rito. You need to calm down, Scarlett. Don't let your temper ruin everything. "Yeah, I changed so much, Caleb." Yumuko ako saglit at ngumiti na para bang nahihiya. "I changed for you.." tinignan ko s'ya sa mga mata at nakita kong natigilan s'ya. I hate how he look at me na para bang hindi s'ya nagu-guilty sa ginawa n'ya sa akin. He didn't even apologized pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Pakiramdam ko ay hindi ko s'ya masuklaman ng sobra-sobra. Tumikhim s'ya at napaiwas ng tingin, "I was actually shocked when you invited me considering hindi maganda yung nangyari last year sa atin." "How could I not invite you? Naging special person ka pa rin para sa akin." Tumingin s'ya sa akin dahil sa sagot ko. How's that Caleb? Do you feel guilty? "Hindi ko nakikita sila tita and tito, where are they?" "Uhh, they're actually busy. May dinner meeting sila sa bagong client nila. They couldn't come but don't worry, they'll invite you over when they're free." "That's good to hear." Nakaramdam ako ng kaonting excitement nang marinig ang sagot n'ya. Sa totoo lang ay gustong gusto ko makita ulit si tita, tinrato n'ya akong parang anak n'ya noon kaysa sa step mother ko. "Yeah.. I haven't seen your dad as well. Nasaan s'ya?" Tanong n'ya. "Well, guess what? He's busy with work too," I lied. I couldn't tell him na hindi maganda ang sitwasyon ko sa magulang ko. "I see. So we're still the same. Left alone because of our parents," napapailing n'yang sambit. "Yeah, I remember tuloy noon niyayaya nila tayo mag-museum, dinner, golf etc and in the end, tayong dalawa na lang ang natutuloy dahil nandoon na tayo at mayroon silang mga biglaang meeting." Natawa kami parehas ni Caleb nang maalala ang pangdi-ditch ng mga magulang namin sa amin. "Yeah, that time sa golf, I remember tumama ang bola sa staff. Masyadong napalakas ang paghampas mo," tumatawang kwento ni Caleb. I couldn't help myself but to laugh too. There are so many good memories with him na hindi agad-agad mababaon sa limot. "Don't forget the time where you slipped while trying to hit the golf ball!" Mas lumakas ang tawa namin at hindi ko napansin na napapahawak na pala ako sa forearm n'ya. "I told you to forget that one. That was the most embarrassing moment I had there." Habang tumatawa ay napatingin ako sa mga mata n'ya. Unti-unti nawala ang ngiti sa labi ko at napatingin ako sa tao sa likuran n'ya. It's Dristan. He was staring and checking up on me. "Anyways, kamusta ka?" Tanong ni Caleb. "I guess.. I'm okay? Especially ngayon nakauwi na ako and you're here.." hindi ko alam kung kasinungalin paba ang lumalabas sa mga bibig ko. "Ms. Evelyn!" Biglang natigil ang pag-uusap namin nang maglapitan na ang mga kasama ni Caleb sa table. Hinahanap ko si Dristan at nakitang wala na s'ya. "Oh, hello!" Bati ko sa kanila nang makaupo na sila. "We really can't believe your transformation. You turned out so sexy in just a year. How did you do that? Could you tell us your secret?" Tanong ng isa sa kanila. I couldn't see their faces pero kilala ko ang boses. Anak sila ng business partner ni papa at isa sila sa mga nang ja-judge sa akin. "Did you do surgery?" Napaubo ako, "Evelyn! Drink some water." Agad akong inabutan ni Caleb ng tubig. "T-thanks.." mahinang sambit ko matapos uminom ng tubig. "Could you guys just eat?" Tanong ni Caleb sa kanila. "We're just asking.." sambit nila. "I didn't do surgery to lose weight," sagot ko sa kanila. "I worked hard to gain this body." Natigilan sila at napatingin sa akin. Alam kong inaasahan nila na magagalit ako but I won't give them that. "I went to gym thrice a week, I carefully planned a new diet and I changed my lifestyle." "Hmm.. how about your face?" Tanong ng isa sa kanila habang nakangiti ito. "Did it change too? O katulad parin ng dati?" Ngumisi ako at tinitigan s'ya ng deretso sa mga mata. "You'll find out later when we all removed our masks," kalmado kong sagot. Naramdaman kong hindi sila natuwa sa sagot ko. Dati tuwing binubully nila ako ay hindi ako sumasagot at nagwa-walk out lang pero ngayon ay hindi ko na iyon gagawin. I will stand with my own. "That's enough." Napatingin ako kay Caleb nang titigan n'ya nang masama ang tatlong babae na tumigil na rin naman. How can Caleb be so good at pretending nice? "Sorry about them." "It's okay." Ngumiti ako sa kan'ya at nagpatuloy sa pagkain. Maya-maya ay nagpaalam na muna ako sa kan'ya dahil kailangan ko ring kausapin ang iilang bisita ko. Ang iba ay nagtatanong kung nasaan si Papa at tulad ng reason ko kay Caleb, iyon rin ang sinabi ko sa kanila. Matapos ang halos isang oras ay nagsalita na muli ang host. "I see that everyone has ended eating. Now it's time for our birthday celebrant to dance with the guys. After this, everyone is free to dance in the dance floor as well!" Biglang naging classical romance ang tugtog at naging dim ang ilaw. Tumayo ako sa gitna ng dance floor at napatingin sa mga butterfly na nakasakit. Napakaganda nila lalo na't umiilaw sila sa dilim. Maraming pumila na lalaki na gusto ako makasayaw. Ang iilan sa kanila ay sinusubukang makipaglandian sa akin at sigurado ako dahil lang ito sa itsura ko ngayon. Sinabayan ko lang silang lahat hanggang sa makasayaw ko si Dristan. "Dristan.." sambit ko nang hawakan n'ya ang kamay ko at ipinatong ang isang kamay sa baiwang ko. "You look gorgeous, Scarlett." Nakangiti n'yang sambit pagkapatong ko ng isang kamay sa batok n'ya. "You don't have to compliment me.." mahina kong saad sabay napaiwas ng tingin. Pakiramdam ko ay namumula ang mga pisngi ko, mabuti na lang at nakasuot ako ng mask. "Why not? I'm just stating the fact." Don't compliment me so I won't fall harder, Dristan. "Thank you." "You're doing good. Keep up talking with Caleb. After this, we will proceed with our next step." Medyo nakaramdam ako ng inis dahil hanggang dito ba naman ay ang revenge plan parin ang lumalabas sa bibig n'ya pero hindi naman ako dapat magreklamo dahil una pa lang ay ito ang naging ugnayan namin. Tumango lang ako at ngumiti sa kan'ya. Matapos naming magsayaw ay lumapit sa akin si Caleb just as planned. "Can I dance with you?" Tanong n'ya sabay nilahad ang kamay. Tinanggap ko ito at pinatong ang kamay ko sa balikat n'ya. Nang maramdaman ko ang kamay n'ya sa baiwang ko ay medyo napalunok ako. "I learned how to dance," sambit ko sa kan'ya habang nagsasayaw kami. "You're a good dancer now," compliment n'ya habang nakangiti. Nagpatuloy kami sa pagsayaw at nanatiling tahimik ng ilang minuto hanggang sa magsalita s'ya, "I missed you, Evelyn." Natigilan ako dahil sa sinabi n'ya. "Honestly, I got sad and lost when you disappeared. I felt like a part of me was missing." Anong pinagsasabi n'ya? "That's when I realized you're like a little sister to me. You are a precious friend of mine." Right, childhood friends rin kami. He doesn't miss me in a romantic way. He missed me as a friend. Kailangan kong makita n'ya ako as a woman, not just a friend. Kailangan kong mapa-fall s'ya sa akin. "Everyone can dance on the dance floor now!" Announce ng host at mabilis na nagpuntahan ang lahat sa dance floor habang kami ni Caleb ay nanatiling nasa gitna. "And everyone can now removed their mask." Naramdaman ko ang kamay ni Caleb na pumunta sa likod ng tainga ko. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang bumalik ang mga paru-paro sa tyan ko. Bakit ko ito nararamdaman ngayon? Marahan n'yang binaba ang maskara na suot ko hanggang sa maalis n'ya ito. Nakita kong natigilan s'ya saglit bago ngumiti. Napatingin ako sa labi n'ya habang inaalis ang maskara. Nang mahubad n'ya ito at nakita ko ang mukha n'ya ay hindi ko napigilan ang sariling halikan s'ya sa mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD