THIRD PERSON POV
Isa-isa nang nagdadatingan ang mga bisita ng pamilya Visitacion para sa engagement party ng anak ng mag-asawang Brandon at Glenda na si Chelsea at ng nobyo niyang si Charles.
Gaganapin ang party sa malawak na hardin ng pamilya na dadaluhan ng mga kamag-anak at malalapit na kaibigan. Nagkalat ang maraming tables sa malawak na hardin. May elevated stage sa harap na napapalamutian ng iba't ibang uri ng bulaklak.
Kasama ni Chelsea ang nobyo sa pagsalubong sa mga bisita habang ang mga magulang niya at ang kanyang Kuya Christian ay ini-entertain ang mga bisitang nakaupo na. Hindi humihiwalay si Chelsea sa tabi ng nobyo. Unang dumating sa kanyang mga kaibigan ay si Priscilla. Mahigpit na niyakap ni Chelsea ang kaibigan matapos makipagbeso rito. Bumeso rin ito kay Charles at pasimpleng inamoy ang lalaki. Napatikhim si Charles.
Priscilla: Both of you look so good tonight.
Ngumiti naman si Chelsea at nagpasalamat sa kaibigan.
Chelsea: I know, friend. Mahal ang gastos ni Dad para sa outfit ko for this particular event.
Kumislap ang mata ni Priscilla.
Priscilla: Oh, Tito Brandon has always been very generous.
Nagtawanan ang dalawang magkaibigan at inihatid na si Priscilla sa uupuan nito ng usher na nakaabang sa mga bisita. Dalawang ushers ang h-in-ire ng ama ni Chelsea para sa party na ito.
Nilapitan ng mag-asawang Brandon at Glenda ang bagong dating na si Priscilla.
Glenda: Hija, I'm glad you came.
Nakipagbeso si Glenda sa kaibigan ng anak.
Priscilla: I won't miss it for the world, Tita.
Tumingin si Priscilla sa ama ng kaibigan.
Priscilla: Hi, Tito. You look so dashing.
Tumikhim si Brandon bago nagpasalamat.
Maya-maya pa ay dumating na ang ibang bisita. Pumunta muna sandali sa comfort room si Chelsea at sinabihan ang nobyong ito muna ang sumalubong sa mga bisita. Ngumiti naman si Charles.
Charles: No problem, love. Take your time.
Nang makapasok ng mansion si Chelsea ay ang saktong pagdating ni Laura, isa sa mga kaibigan ni Chelsea. Kasama ito ng Tito Greg ni Chelsea. Nagulat si Charles pero hindi nagpahalata. Ang asawa ni Greg na si Gelli ay kanina pa rumating kasama ang anak nilang si Vincent at ang misis nitong si Cassie.
Greg: Hijo, where's my niece?
Umakbay pa ito kay Charles. Ngumiti si Charles at sinabing pumasok sa loob saglit ang nobya. Naiilang na ngumiti naman si Charles kay Laura.
Greg: Oh, Charles, I'm with Laura. I don't know kung nasabi na sa iyo ni Chelsea, but she's my new secretary. Since pupunta rin siya rito kaya isinabay ko na. Pinauna ko na sina misis.
Tumango si Charles. Ngayon ay naiintindihan na nito kung bakit magkasabay ang dalawa. Ngumiti si Laura kay Charles, pero mukhang naiilang pa rin ito sa babae.
Greg: Let's go, Laura. Pumasok na tayo sa loob.
Tumango si Laura at pasimpleng humaplos sa braso ni Charles.
Laura: Talk to you later.
Mga ilang minuto pa ay nakalabas nang muli si Chelsea. Bumati muna siya kay Laura at nakipagkwentuhan saglit kasama si Priscilla bago naisipang samahan na ang nobyo. Napansin niyang wala sa entrada ng malawak na driveway si Charles. Luminga-linga siya sa paligid. Hindi niya makita ang nobyo. Hahanapin na niya sana ito nang dumating ang isa pa sa mga kaibigan niya, si Graciela.
Napakaganda nito sa suot na puting cocktail dress. Simple pero eleganteng tingnan. She looks decently sexy.
Chelsea: Oh my, Graciela. You look so lovely.
Nahihiya namang ngumiti si Graciela bago nakipagbeso kay Chelsea.
Graciela: Thank you. You look very beautiful too.
Napahagikgik naman si Chelsea.
Chelsea: Oh, don't mention it.
Nagtawanan ang magkaibigan nang biglang itanong ni Graciela kung nasaan si Charles.
Chelsea: Actually hahanapin ko na rapat siya bago ka rumating. Sasamahan kita sa table mo then I'll look for my fiancé.
Naguguluhan man ay tumango si Graciela. Pagkahatid ni Chelsea kay Graciela sa table nito kung saan nakaupo rin sina Laura at Priscilla ay sinimulan na niyang hanapin si Charles.
Hindi pa siya nakakalayo nang lumabas mula sa likod ng mansyon si Charles. Kasunod nito si Kathleen, ang isa sa mga kaibigan niya. Sinalubong niya ang nobyo na bahagyang nagulat pa. Parang natataranta ito, pero ipinagsawalang-bahala ni Chelsea iyon nang makitang namumula ang mata ni Kathleen. Lumapit ito sa kaibigan at sinapo ang mukha nito.
Chelsea: Kathleen? What happened?
Tumingin si Chelsea sa nobyo at hindi ito makatingin ng diretso sa kanya.
Pilit na ngumiti si Kathleen kay Chelsea.
Kathleen: I'm okay, Chels. Nag-nagpasalamat lang ako kay Charles na hindi niya in-invite sa engagement party niyo si Tony.
Napatango si Chelsea at tuminging muli sa nobyo. Si Tony ay best friend ni Charles at ex-boyfriend ni Kathleen. Hindi nito inimbitahan si Tony para hindi maging awkward kay Kathleen.
Kathleen: Hu-huwag kang magalit kay Charles. I-I forced him na sumama sa akin sa likod ng mansion para mag-thank you. Ayokong marinig ng ibang tao.
Napaangat ang mga kilay ni Chelsea, pero tumango pa rin sa sinasabi ng kaibigan.
Chelsea: It's fine. Nag-worry lang ako rahil bigla siyang nawala. Are you sure you're okay?
Tumango si Kathleen, pero napansin ni Chelsea na may luhang nangingilid pa rin sa mga mata nito.
Chelsea: Okay, sasamahan kita sa table mo. Nandoon na ang iba nating kaibigan.
Inihatid ni Chelsea si Kathleen sa table kung saan nakaupo ang iba pa nilang kaibigan. Pasimpleng pinahid ni Kathleen ang nangingilid na luha sa mata para hindi mapansin ng mga kaibigan.
Priscilla: There you are, Kathleen. Medyo nangangayayat ka yata.
Medyo nailang si Kathleen at yumuko.
Kathleen: Must be the work stress.
Lumabi si Priscilla at tumango.
Graciela: I didn't know na umuwi na pala ang pinsan mo, Chels.
Napatingin si Chelsea sa table kung saan nakaupo ang pinsang si Vincent. Kung pagbabasehan ang pagkakakunot ng noo nito ay mukhang may pinagtatalunan ito at ang asawa nitong si Cassie.
Chelsea: Uh, yeah. Last week. I think they're staying here for good.
Tumango-tango si Graciela.
Napansin naman ni Chelsea ang Kuya Christian niyang nakatingin sa table ng mga kaibigan niya. Hindi siya ang tinitingnan nito. Nang sundan niya ang hinahayon ng tingin nito ay napansin niyang si Kathleen ang tinitingnan nito. Napakunot ang kanyang noo. Matamang tinitingnan ng kapatid niya ang kanyang kaibigan nang biglang kalabitin ito ng katabi, ang girlfriend ng kapatid niya na si Catherine. May ipinapakita ito sa cellphone nito na ikinangiwi ng mukha ng Kuya Christian niya.
Maya-maya ay nagulat siya nang biglang may magsalita sa elevated stage gamit ang microphone. Ang nobyo niyang si Charles.
Charles: Good evening, everyone.
Napatutok ang mga mata ng mga taong naroon sa nobyo ni Chelsea. Inilahad nito ang kaliwang kamay sa nobya. Pinapaakyat nito si Chelsea sa stage. Umakyat sa stage si Chelsea at hinawakan ni Charles ang kanang kamay ng nobya. Nagngitian ang dalawa. Muling humarap si Charles sa mga bisita.
Charles: Family and friends, tonight, my fiancée Chelsea and I formally announce our engagement.
Masayang itinaas nina Chelsea at Charles ang mga kamay nila kung nasaan ang mga daliring nakasuot ng engagement ring.
Charles: We're so happy and blessed to be able to share this wonderful event with our family and closest friends. Thank you for coming and let's enjoy the night.
Matapos iyon ay nagpalakpakan ang mga bisita.
Masayang-masaya ang mukha ni Chelsea ngunit sa kabila ng kanyang kasiyahan ay naroon ang duda. Hindi siya naniniwala sa dahilan ni Kathleen kanina kung bakit nag-uusap ito at ang kanyang nobyo sa likod ng mansion. Kung ano iyon ay iyon ang aalamin niya.
----------
itutuloy...