KABANATA 2

1381 Words
THIRD PERSON POV Tapos na ang official engagement party nina Chelsea at Charles. Kaunti na lamang ang natitirang bisita sa malawak na hardin ng pamilya Visitacion na nakikipag-usap sa mag-asawang Brandon at Glenda. Umuwi na ang mga kaibigan ni Chelsea, maging ang Tito Greg at Tita Gelli niya kasama ang pinsan niyang si Vincent at ang asawa nitong si Cassie. Ang Kuya Christian niya ay inihatid ang girlfriend nitong si Catherine sa bahay nito. Ngayon ay nandito si Chelsea sa entrada ng kanilang malawak na driveway. Kinakausap ang kanyang fiancé na si Charles bago sumakay ang lalaki sa kotse nito. Nasa loob na ng kotse nito ang inang si Constanza. Ang ama nito ay hindi nakarating dahil sabi ni Charles ay may inaasikasong mahalagang project sa opisina. Hindi siya makapaniwalang inuna ng ama nito ang trabaho kaysa sa engagement party ng anak nito, ngunit hindi na siya nagkomento pa tungkol doon dahil ayaw niyang masira ang mood ng party. Chelsea: Such a wonderful evening, love. Magkahawak ang mga kamay nina Chelsea at Charles habang nag-uusap. Nakatingala si Chelsea sa matangkad na fiancé at nakayuko naman ito sa kanya. Charles: Sana nandito ang kapatid ko para na-witness niya kung gaano ako kasaya ngayon kasama ang babaeng mahal ko. Pinisil ni Charles ang tungki ng ilong ni Chelsea at hinalikan sa labi ang fiancée. Tumugon naman si Chelsea sa halik ng nobyo. Tumagal lamang iyon ng ilang sandali bago naghiwalay ang kanilang mga labi. Ayaw nilang makita ng ina ni Charles na naghahalikan sila sa gitna ng malawak na driveway. Chelsea: Hopefully I get to meet your brother soon. Gusto kong makita ang closeness niyo sa isa't isa. Minsan nang nasabi ni Charles na sobrang close ito sa kapatid nito. Hindi raw sila mapaghiwalay noong mga bata pa. Ngumiti si Charles at niyakap ang nobya. Charles: He's going to love you. Ang lovable kaya ng girlfriend ko. Maya-maya ay kinurot nito ang kanang tagiliran ni Chelsea na nagpatili sa babae. Charles: At ang sexy pa! Malakas na tumawa si Chelsea at pabirong hinampas ang matipunong dibdib ni Charles. Chelsea: Bolero! Kumindat si Charles at mabilis na nagnakaw ng halik sa mga labi ni Chelsea na ikinatawa ng babae. Charles: Mahal na mahal kita, Chelsea, at hindi na ako makapaghintay na ang mga apelyido natin ay maging magkapareho. Bulong lang iyon na sinabi ni Charles, pero tumatagos sa puso ni Chelsea. Chelsea: I love you too, Charles, and I can't wait to spend the rest of my life with you. Ikinulong ni Chelsea ang mukha ng nobyo sa kanyang mga palad at siniil ito ng halik. Tumagal ng halos isang minuto ang kanilang halikan bago naghiwalay ang kanilang mga labi. Parang namamasa ang mga mata ni Charles. Charles: Sige na, love. Baka inaantok na si Mommy? Mauuna na kami. Inihatid ni Chelsea ng tanaw ang papalayong kotse ng nobyo hanggang sa mawala na ang sasakyan nito sa kanyang paningin. Bumuntung-hininga siya. Umaasang walang anuman o sinumang makasisira ng relasyon nilang dalawa ni Charles. Pero hindi pa rin mawala sa kanyang isip ang nangyari kanina. Sigurado siyang may mas malalim pang dahilan kung bakit nag-usap sa likod ng mansyon sina Charles at ang kaibigan niyang si Kathleen. At iyon ang aalamin niya. ---------- Nang makarating ng kanilang bahay ay agad na dumiretso si Charles ng kanyang kwarto para magpalit ng damit. Tinatanggal na niya ang pagkaka-button ng kanyang long-sleeved polo nang mag-ring ang kanyang cellphone na inilapag niya sa ibabaw ng kama. Nakita niyang si Laura ang tumatawag. Isa sa mga matatalik na kaibigan ng kanyang fiancée. Napabuntung-hininga si Charles. Iniisip kung sasagutin ang tawag o hindi. Pero ayaw tumigil sa pagtunog ng cellphone niya kahit ilang minuto na niya itong hindi sinasagot. Pursigido talaga si Laura na kausapin siya. Inabot niya ang cellphone mula sa ibabaw ng kama at sinagot ang tawag. Charles: Laura. Pormal ang tono ng boses ni Charles. Laura: Ang tagal mo namang sagutin. Gusto ko lang naman marinig ang boses mo bago ako matulog. Humugot ng malalim na paghinga si Charles. Napakalamyos ng tinig ng boses ni Laura. Halatang inaakit siya. Laura: I want to thank you for not telling Chelsea the truth. Alam ko ring hindi mo sinabi sa Mommy mo kung sino ang kabit ng Daddy mo. Malakas kong minura si Laura. Charles: Ginawa ko 'yon dahil ayaw kong mapunta ang atensyon sa 'yo ngayong gabi. At masyado nang nasaktan ang Mommy ko para malaman pa niya na ang kabit ng asawa niya ay kaibigan pa ng fiancée ko. Pero oras na hindi mo tuparin ang pangako mo, sisiguraduhin kong malalaman ni Chelsea ang lahat ng baho mo. Madiin ang bawat salitang binibitiwan ni Charles. Kanina lamang niya nalaman kung sino ang babaeng dahilan ng pag-alis ng ama niya sa kanilang bahay a few weeks ago. Hindi ipinaalam ni Charles at ng Mommy niya sa mga kaibigan at kakilala ang nangyari. Bago ang engagement party nila ni Chelsea ay naisipan ni Charles na puntahan ang bahay kung saan tumutuloy ngayon ang ama. Ipinahanap niya ito sa isang hired investigator. Nalaman niyang nagsasama na ang kanyang ama at ang kabit nito. Nang makarating siya ng bahay kung saan ngayon nakatira ang ama ay nakita niyang inihatid ang kanyang ama ng babae nito sa gate. Base sa suot ng kanyang ama ay mukhang papasok na ito ng opisina. Nang makaalis ang kotse ng kanyang ama ay nakita niyang lumingon sa direksyon niya ang kabit nito. Nagulat siya sa kanyang nakita. Si Laura, ang isa sa mga kaibigan ng fiancée niyang si Chelsea. Nakita ni Charles na ngumisi sa kanya si Laura. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon lang ang reaction nito para sa isang babaeng kabit na ang identidad nito ay nalaman na ng anak ng kinakabitan nito. Nakita niyang tumalikod na si Laura at naglakad papasok ng bahay. Mabilis na bumaba ng kotse niya si Charles at lumakad patungo sa bagong bahay ng ama. Hindi isinarado ni Laura ang gate. Inaasahan nitong papasok siya kung ganoon. Sadyang napakatapang nitong kabit. Pumasok si Charles sa loob ng bahay at hindi niya nakita sa ibaba si Laura. Umakyat siya sa itaas at nanlaki ang mga mata niya nang pagbukas sa isang pinto ay mabungaran si Laura na nakaupo sa kama at tanging maliit na thong lang ang suot. Nakabuyangyang ang mayamang hinaharap nito sa kanyang harapan. Hindi man lang ito nagulat sa kanyang presensiya. Halatang inaasahan nitong pupuntahan niya ito matapos makita kanina. Charles: Hindi ko akalaing ikaw ang babaeng sumira ng pagsasama ng mga magulang ko, Laura. Kaibigan ka ng fiancée ko. Bakit mo ito nagawa? Nagtatagis ang mga ngipin ni Charles habang nagsasalita. Galit na galit siya. Tumayo si Laura mula sa pagkakaupo sa kama na tanging maliit na saplot na tumatakip sa p********e nito ang suot. Mabilis na umiwas ng tingin si Charles. Laura: Sa wakas nalaman mo rin ang totoo, Charles. Nahimigan ni Charles ang kalungkutan sa tinig ng boses ni Laura. Laura: Hindi mo ba alam na nagpakababa ako para lalong mapalapit sa iyo, Charles? Nanlaki ang mga mata ni Charles sa narinig mula sa matalik na kaibigan ng nobya. Nagulat siya nang magsimula itong lumuha. Laura: Oo, Charles. Nag-nagpagamit ako sa ama mo para mapalapit sa iyo oras na ako ang pakasalan ng ama mo. Mahal kita, Charles. Dati pa. Tuluyan nang humagulgol sa harap ni Charles si Laura. Hindi pa rin makapaniwala si Charles sa mga inamin ng best friend ng kanyang fiancée sa kanya. Natapos ang pag-uusap nila Charles at Laura kaninang umaga nang nangako ang babaeng hihiwalayan na nito ang ama niya. Kapalit niyon ay hindi babanggitin ni Charles kaninuman ang tungkol sa pagiging kabit ni Laura at bibigyan niya ito ng chance para ipadama nito ang pagmamahal sa kanya. Pikit-matang pumayag si Charles. Narinig ni Charles na maharot na tumawa si Laura sa kabilang linya. Laura: I can imagine how mad you are right now, Charles. It's turning me on just so you know. Anyway, as a promise, sisimulan ko na ang pagpapakita ko ng pagmamahal sa iyo one of these days. Mapang-akit ang tinig ng boses ni Laura at bago pa maapektuhan si Charles ay tinapos na niya ang tawag. Galit na galit ang kanyang mukha. Charles: Sisiguraduhin kong ikaw, Laura, ang matutupok ng apoy na sinilaban mo. ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD