Pigil na pigil ang kanyang paghinga nang lumapat ang labi ni Kalen sa kanyang labi. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso at parang kokonti nalang ay lalabas na ito mula sa kanyang katawan. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Itutulak niya ba ito? Oh shet! Bakit pa siya nagtatanong?! Dapat itulak niya ito! Hindi siya dapat nagpapahalik sa mga estranghero! Mabilis niyang itinukod ang kanyang palad sa matigas nitong dibdib at pilit na itinulak ito palayo sakanya ngunit hinuli lang nito ang kanyang magkabilang papulsuhan at idinikit iyon sa kanyang gilid. Ano'ng nangyayari?! Bakit siya nito hinahalikan?! Halos mawalan siya ng ulirat nang nagsimulang gumalaw ang malambot nitong labi. Alam ng Diyos kung gaano niya pinilit na pigilan ang kanyang sarili na mapapikit at huwag tugunin ang mga h