"Aray ko! Huhuhu!"
Hiyaw niya nang mahulog siya sa hagdanan. Naglilinis kasi siya ng bintana sa itaas nang maapakan niya ang dulo ng kanyang suot-suot na uniporme.
Kanina pa siya hirap na hirap sa kanyang uniporme dahil sa luwang 'non.
Nakangiwing pinilit ni Margareth na tumayo mula sa pagkakabagsak habang sapo-sapo ang kanyang pwetan. Iika-iikang naglakad siya patungo sa mahabang sofa sa waiting area at doon naupo. Dali-dali niyang inihubad ang kanyang uniporme at tinira nalang ang kanyang sando at shorts.
Wala naman ring makakakita sakanya, susuotin niya nalang iyon ulit mamaya.
Maga-alas onse na kasi ng gabi ngunit naroon pa rin siya at naglilinis sa lugar. Siya nalang mag-isa ang natira sa building at lahat ng gwardiya ay nasa labas upang magbantay.
Lecheng lalaking iyon! Mukhang sinadya pa talaga nitong pauwiin lahat ng mga naka-duty para siya nalang mag-isa ang matira! Mabuti nalang talaga at hindi siya takot sa multo.
Napangiwi siya nang tumunog ang kanyang tiyan. s**t, gutom na gutom na talaga siya!
Nananakit na ang kanyang buong katawan at hanggang ngayon ay hindi parin siya kumakain. Hindi naman siya makauwi dahil wala na ring jeep sa sakayan.
" Hay buhay, parang life." Humikab siya nang makaramdam siya ng antok. Sa tutal, tapos na man rin siya sa paglilinis. Ang mga bintana nalang ang kailangan niyang tapusin. Muli siyang napahikab at nahiga sa sofa. Matutulog nalang muna siya.
Napaigtad si Margareth nang may marinig siyang pagkalampag sa kalapit na silid. Imposible namang magnanakaw iyon dahil halos lahat ng mga gwardiya ay nasa labas upang magbantay.
Napatingin siya sa wall clock. Ala-una y media na pala.
Umayos siya ng upo at tsaka inayos ang kanyang buhok. Hindi na siya nagabalang suotin ang kanyang uniporme dahil baka hayop lang iyon.
Habang naglalakad ay napakunot ang kanyang noo nang muling marinig ang pagkalampag sa kwarto. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinanggalingan ng ingay.
"Sino ya-ahhhh!!! Magnanakaw!"
Napatili siya nang makita ang isang lalaki na nakasuot ng mask. Nanlaki ang kanyang mga mata nang lumingon ito. Wala siyang sinayang na oras at mabilis na kumaripas ng takbo.
"Bumalik ka rito!" Narinig niyang sigaw ng lalaki. Hinahabol na pala siya nito.
"Gago ka bakit ako babalik jan?!"
"Sumasagot ka pa! Humanda ka sakin!" Habang tumatakbo ay sinulyapan niya ito. May hawak ng patalim ang lalaki!
"Waa! Tulong! Putang ina gusto ko pang magkaroon ng pamilya!"
T akot siyang mamatay! Nanggigilid na ang kanyang mga luha habang tumatakbo. Pagliko niya ay napasinghap siya nang may kamay na biglang humila sa kanya sa madilim na silid.
*/*
"What are you doing here?" Tanong niya sa mga gwardiya na nasa labas ng building. All of the guards are outside. Dapat ay nasa loob ang mga ito.
"Pinalabas niyo ho kami." Kumunot ang kanyang noo. Napatingin sa isa't-isa ang mga gwardiya. Inabot ng isa rito ang cellphone nito.
"Iyan ho ang text niyo sakin. Sa mismong number niyo po nang galing ang mensahe."
Agad niyang binasa ang message.
'Tell them to guard outside.'
His lips parted. Totoo nga ang sinasabi nito na galing sa kanyang numero ang message. But the thing is, he can't remember texting the guards.
Pasimple niyang kinapa ang bulsa ng kanyang pantalon.
His phone is gone. He remembered, naiwan niya pala ito sa kanyang opisina.Napatingin siya sa gwardiyang kausap niya.
"Who's inside the building?" Mabilis niyang tanong rito.
"Yung babae--"
"Sinong babae?!" Napaatras ang gwardiya.
"Yung bagong janitress ho sir. Siya lang mag-isa sa loob, tinext niyo rin kasi ang mga janitor na umuwi na." Nanlaki ang kanyang mga mata. "If I'm not back after fifteen minutes. Pumasok kayo agad." Mabilis na tumango ang mga gwardiya. Agad naman siyang tumakbo papasok ng building.
Saktong pagpasok niya ay agad siyang nakarinig ng kalampag. Mabilis siyang tumakbo. Habang tumatakbo ay napatigil siya sa may waiting area nang may mapansing damit sa sofa.
It's Margareth's uniform!
His widened in fear when he heard Margareth's voice. Agad siyang tumakbo sa pinanggalingan ng pagtili na iyon.
"Waa! Tulong!" He's at the corner when he saw Margareth running. Wala siyang pinalampas na oras at agad na hinila ang braso nito at pumasok sa locker room.
"Tulo--mmp!!" Agad niyang tinakpan ang bibig nito. "Shut it! This is me!" Nanlaki ang mga mata nito. "Kalen! Kalen! M-may magnanakaw! May patalim --ayy!"
Napayakap ito sakanya nang kumalabog ang pintuan.
Luminga-linga siya sa paligid upang humanap ng matataguan but it's a fvcking dead end! Ang mga naroon lang ay ang mga locker.
Locker!
Mabilis niyang hinila si Margareth at binuksan ang lalaking locker at doon pumasok. Sakto namang bumukas ang pintuan.
"Lumabas ka na miss! Alam kong nandito ka lang!" Napahigpit ang kapit sakanya ni Margareth. "Hindi kita papatayin. Papaligayahin pa kita!" Humalakhak pa ang lalaki.
Naikuyom niya ang kanyang kamao at pasimpleng sumilip sa butas ng locker. The man is wearing a mask kaya hindi niya ito makita. He hissed when he saw a knife on the man's hand.
It'll be dangerous kung susugod siya lalo na't kasama niya si Margareth. He might be tough ngunit mahina siya sa combat fighting kaya noong bata pa siya ay lagi siyang may kasamang butler sa kanyang tabi.
"Damn it." He cursed when the man started kicking the every locker's door.
"K-kalen natatakot ako.. A-ayaw ko pang mamatay.." Napatingin siya kay Margareth na ngayon ay nakasubsob sa kanyang leeg. "Shhh.. Hindi ka mamatay, I'm here." Sabay haplos sa buhok nito.
Napatigil siya nang maramdaman niya ang panginginig nag katawan nito. He hugged her tight at muling sumilip sa butas ng locker.
He 'tsked' nang makitang may kasama pala ang nanloob sakanila.
"Dude let's get out of here! Alam na ng mga gwardiya ang nangyayari dito sa loob!" Rinig niyang sabi ng bagong dating. Kumunot ang kanyang noo. Sigurado siyang may pinagaralan ang mga lalaking ito.
"f**k!"
He cursed when the man faced their locker and kicked the door.
"Lumabas ka diyan!" Sigaw nito habang sinisipa ang pintuan. Humigpit ang yakap niya kay Margareth. Napapikit siya ng mariin. Patuloy parin ang pagsipa nito sa pintuan nang bigla siyang may marinig na pagkasa ng baril.
Muli siyang sumilip sa butas at napangiti nang may makitang mga pulis, naroon rin ang mga gwardiya niya. Nakatutok ang mga baril nito sa mga lalaki.
"Wag kayong kikilos ng masama! Itaas niyo ang mga kamay niyo!"
Nakita niya ang pagtaas ng kamay ng mga lalaki agad namang lumapit ang mga pulis at pinosasan ang mga kamay nito. Ilang sandali pa ay lumisan na ang mga pulis at gwardiya kasama ang mga lalaking suspect.
"W-wala na sila?" Napatingin siya kay Margareth na ngayon ay nakatingala sakanya. Mugto ang mga mata nito sa pagiyak at nanginginig parin ang mga braso nito dahil sa takot.
Wala sa sariling bumaba ang tingin niya sa suot-suot nitong damit. Margareth is just wearing a sando for f**k's sake! Napalunok siya nang makita niya anhg cleavage nito.
"Hoy saan tumitingin 'yang mata mo ha?!" Bumalik ang tingin niya sa mukha ni Margareth na ngayon ay namumula na. Napamura siya nang maramdaman ang pagsikip ng kanyang pantalon.
"A-ano 'yon?"
"What?" Nakita niya ang paglunok nito.
"M-may tumutusok sa pusod ko." Nanlaki ang kanyang mga mata. "Oh f**k!"
"A-ano 'yon ha?! Ano?!" Damn! Paano niya iyon sasagutin?! Alangan namang sabihin niya na. 'That's my d**k poking your tummy woman. And yes, I'm hard for you. Don't blame me, I'm a man' ?!
Mukhang ito naman ang nakarealize. Unti-unting bumaba ang mga mata nito sa kanilang pagitan.
"W-wag mong sabihing... Shet! Lalabas na ako!" Pinilit nitong gumalaw at tinulak ang pintuan ngunit hindi iyon bumukas. He tried to stop her but Margareth kept on moving.
"Don't move! s**t!" Nakagat niya ang kanyang labi nang maramdaman ang hiya nito sa kanyang pagitan. Oh God!
If she keeps on moving, maaaring matumba ang locker kung nasaan sila ngayon lalo na't hindi iyon nakadikit sa dingding.
Patuloy lang ito sa papupumiglas hanggang sa wala na siyang choice.
Agad niyang hinuli ang balikat nito at pinihit ang babae paharap sakanya. "Ano b--mmp!" He immediately cupped her face and claimed her lips.