Rochelle Dianne's POV "Sir, kakapasok lang ng report na nasa isang bakanteng lote raw itinago ang mga LGBT na dinakip. Kapag nahuli pa tayo baka hindi na natin sila maabutan," sambit ng isang pulis kay Ethan na mukhang stress na stress na. Kaninang umaga pa nagkakagulo sa buong presinto ng pumasok ang balita ang pagdakip sa mga taong nagsusulong ng karapatang pantao ng mga LGBT. Kanina ko pa rin napapansin na stress na stress na nga talaga si Ethan. "Alam niyo na ba kung saang bakanteng lote?" tanong ni Ethan. "Siguradong malaking sindikato 'to dahil kahit ang kabilang team nahihirap i-track ang location," saad ni Ethan. Hawak ko lang si Shoti habang nakaupo ako sa sofa at pinapanood ang bawat tao na pumapasok sa opisina niya para mag report. Nag-aalala ako sa kanya dahil ngayon ko lan