Rochelle Dianne's POV "Ang tagal mo naman! Hindi ka pa ba tapos?!" inis na sigaw ko mula sa labas ng kwarto ko. "Malapit na," rinig kong sagot ni Ethan mula naman sa loob ng kwarto ko. Nililinis niya ang sugat niya ngayon at ayaw niyang makita ko 'yon. Sinabi ko naman sa kanya na ayos lang sa akin kahit ako pa ang gumamot sa sugat niya pero ayaw niya talaga. Nag-aalala ako na baka mahirapan siyang gamutin ang sugat niya pero siya naman 'tong nag-aalala rin sa akin. Masyado siyang sensitive pagdating sa akin. "Tapos na ko, Dianne." Mabilis kong binuksa ang pinto ng kwarto ko at sinara ito pagpasok ko. Sinamaan ko siya ng tingin ng ngisi agad niya ang bumungad sa akin. May iba na naman kasi sa ngisi niya. "Ano na naman 'yon, Mamang pulis? May kailangan ka pa ba?" tanong ko sa kanya.