Rochelle Dianne's POV "Ano pang saysay ng pagkakagusto ko sa'yo, Dianne kung hindi ko gagawin ang lahat para lang magustuhan mo ako?" Kahit anong pikit ko at kahit anong pwesto ko sa kama ko, hindi pa rin ako makatulog. Hindi ko na dapat siya iniisip pero bakit ako nag i-imagine ng mga bagay-bagay na hindi naman para sa aming dalawa. Like pag i-imagine ko na mag ka-holding hands kami tapos masaya kami, yak! Hindi pwede 'to dahil papatayin lang ako ng pagmamahal na 'to lalo na at pulis pa siya. Naniniwala naman ako na mabuting pulis siya pero hindi pa rin mawala ang galit ko sa uniporme niya sa trabaho niya. Bumabalik pa rin ang ala-ala ko sa nakaraan na sana ay nabaon na sa limot kasabay nang pagbaon ng mga magulang ko sa ilalim ng lupa. "Hindi talaga ako makatulog!" inis na sambit k