LRTG CHAPTER 1: THE SCHOLAR

4093 Words
ANGEL  "Congratulations!" ang sabi sakin ng Principal nang makapasok ako sa Office nito. Tinuro niya ang isang upuan katapat ng table niya para umupo ako. Walang pag-aalinlangan, agad akong umupo at nakipagkamay. She also gave me her signature proud smile that she's wearing every time her students accomplished and won a contest where is... familiar to me. "Thank you po Mrs.Santiago." magalang na balik ko.  Ipinatong ko sa hita ang mga kamay ko at umupo nang maayos, nang mapadako ang tingin sa gilid ng table niya. "Too formal, but that's one of the things that I like about you Angel." Kita ko mula sa kinauupuan ko ang isang picture frame na may larawan ko kasama si Mrs.Santiago. We're both smiling in that picture at ang larawan na iyon ay kinuha pa bago matapos ang huling buwan ng Senior High School ko rito. I got the First place of Best In Thesis in our Region competing from the first time at kalaban ang mahigit 100 na mga sumali ring mga estudyante in different schools. I'm holding a trophy and a certificate in that picture na ngayon ay nasa bahay na samantalang dinonate ko naman sa school na'to ang trophy. It's my appreciation and my sign of thankfulness of how every teacher specially Mrs.Santiago well dedicated to help the students achieving their dreams. Napahinga nalang ako malalim at napatanong sa sarili ko. Why the days move so fast? Before I'm just a student here. Tinutulungan, hinuhubog ang pagkatao at dinadagdagan ang kaalaman ko pero ngayon eto ako, nakaharap sa unang tinitingala kong tao sa school na eto. Waiting to give me the certification of my pass examinations in different universities and colleges. Ares Intergraded School, eto ang paaralan na pinag-aralan ko mula elementary hanggang high school. I experienced everything here. Naranasan kong mag hirap at mag pursigido para sa magandang buhay na gusto ko, para samin ni Mama. At aaminin ko, hindi naman ako aabot sa ganitong estado kung hindi dahil sa mga taong sumuporta at nagtiwala sakin. Dalawang-buwan narin ang nakalipas ng gumraduate ako bilang senior high school taking the track of GAS. Nakakilala ako ng ibat-ibang tao which I considered some of them as my true friend na talagang mamimiss ko, mamimiss ko rin ang mag aral dito dahil sa susunod na pagpasok ko haharapin ko naman ang panibagong yugto ng buhay ko at iyon ay ang pagiging College student. "We're so proud of you Angel, akalain mo sa limang colleges na pinag-examan mo for your scholarship lahat iyon naipasa mo." Binalik ko kay Mrs.Santiago ang tingin ko. I smiled when remembered that day. Kung saan pinapila kaming lahat ng gagraduate sa cover court para mag take ng exam on different prestigious universities and colleges. It was exhausting pero lahat ng pumunta sa aming mga school na iyon ay tinake-an namin ng exam. It's a huge oppurtunity narin kasi. She reached her hand giving me the pile of envelopes from different schools. My heart beats accelarate when I finally touched its files. This is it. "I guess this will be the start of your complicated life." Napaangat ako nang tingin sa kanya. "Or should I say you already experiencing it... but now it will be in different level." Tumayo siya at naglakad papunta sa kaliwang bahagi ng pader nitong kwarto. She stopped in front of the wall specifically, she focused her gaze to her family relatives portraits that were the pioneers of being the owner and principal of this school. "When I was in your age. My Dad told me to choose the right course in college that this school will benefit too. He wants me to take Education so I took it when in fact I really wanted to take Psychology. So far, isn't it?" She smiled bitterly, a glimpse of sadness was seen on her eyes. "I'm not as good as you Angel but I was good enough to be one of top notchers. I tried everything, I do what they want. Only in the end I realized that I was controlled. Myself were manipulated by them slowly forgetting what's really I wanted to be." She turned her head towards me. "Yes I regret for obeying my Dad. I regret obeying them and I feel bad for them, but not as much I feel bad for myself and i hope your faith will not be as mine. Go, Angel you can open the envelopes." Umabot pa ng ilang segundo bago ko gawin ang utos ni Mrs.Santiago, I was stuck on her words sa biglang pagkkwento niya ng buhay niya rati. Isa-isa kong inalis ang dokumento sa bawat envelope at mabilis na binasa kung saang skwelahan eto galing. Lyra Academy, Lacerta Academy, Aquila, Carena at... huli ang Star University. Iyon lahat ang skwelahan na nagsagawa ng scholarship examination samin para makapag-aral ng libre sa kanila. Katibayan ang hawak-hawak kong mga dokumento ang nagpapatunay na nakapasa ako sa lahat ng iyon. Hindi ko alam kong ano ba talaga ang dapat kong maramdaman. Passing your scholarship on one school is a blessing pero sa estado ko ngayon lahat sila naipasa ko. I should be glad right? Baka kung nandito ang ibang mga kaibigan ko ay magtatalon na sila sa saya pero bakit ganon? Somehow I feel pressured lalo na nang mabasa ko ang huling letter ng university sa papel na hawak ko. Matagal ko etong pinagtuunan nang pansin. I even traced the name of that university that where printed at the top of the letter. Parang sa bawat daan ng daliri ko sa mga letra nito ay may dumadaloy na kaba sa kalooban ko. "Some letter's came here in our province, some are on different place's outside and one of that is what you're holding right now... The Star University." Rinig kong sabi ni Mrs.Santiago na bumalik sa upuan niya. Nang makaupo eto ay ipinatong niya ang dalawang kamay nito sa lamesa. Pinagkros ang bawat daliri nito sa isa't-isa at tinitigan ako nang mabuti na parang binabasa ang nasa isip ko. Hindi na eto bago sa akin because like what she said she's planning before to take Psychology. Although she didn't take it, there's still a presence of it on herself. Umiwas nalang ako nang tingin at binalik sa bawat envelope ang mga dokumento pero napahinto nalang ako sa sunod na sinabi niya. "You know that I'm treating you like my own daughter don't you?" Napaangat ako nang tingin sa kanya. "Since the day we encountered, the day you were in grade 1 I know there's something on you. Your behavior is different than other kids than I saw. You are mute but when it comes in academics you excel and impressed everyone including me." Tumingin siya sa bintana na sinundan ko rin nang tingin. We are both looking outside of the window and somehow I remembered our first encountered. Sa labas ng bintana kung saan may puno ng narra doon nagsimula ang lahat. Si Mrs.Santiago ay maagang nabiyuda. Namaalam nang maaga ang asawa niya pagkatapos ang isang taong pagkawala ng ama niya. Two months after her husband passed away ay namatay din ang nag-iisa niyang anak. She didn't know she's carrying a child and she was depressed that time. Mahina ang kapit ng bata kaya nawala eto sa kanya. Everyone said she's a walking curse, because of the tragedy she had before. Kaya iniwasan siya ng iba despite all the achievements she's receiving.  I still remembered our first encounter. It's started ng isang buwan na ang nakalipas na nag-aaral ako bilang Grade 1. Naglalakad ako rito sa school, naghahanap ng bulaklak na pwedeng pitasin. Until I went at the back of this school, sa puno ng Narra na napapalibutan ng bulaklak. Magsisimula na sana akong magpitas non nang makarinig ako nang iyak. It was her, it's Mrs.Santiago. That time she's just our English teacher. Kinatatakutan ng mga kaklase ko dahil sa matapang nitong itsura na parang laging galit. That day I saw her in fragile state. Hindi pumasok sa isip ko ang sinasabi sa kanya ng mga kaklase ko. I went slowly to her and without permission I hugged her. Akala ko itutulak niya ako o papagalitan tulad nang nakikita ko minsan sa kaklase ko, na pinapagalitan niya kapag hindi sila nakikinig sa kanya pero hindi. Instead she hugged be back and cried. She keep saying sorry to her dad, sorry to her husband and sorry to her child. I was there listening to her until the sun almost set to dawn. At ang araw na iyon ang naging simula para maging close kami. Naging mag bestfriend din sila ni Mama, hanggang ngayon their bond is stronger that's why Mrs.Santiago also treating me as her daughter. "I was so glad that I met you that day Angel and also your Mom. Without you both maybe I'll forever in the darkness. I almost regret and feel bad for all the things happened to my life but you gave me reasons to fight again." I smiled. This is the first time she said these things. Huminga siya nang malalim at isinandal ang sarili niya sa upuan. "Angel. I may not be like your mother but I already know you. The time you stepped in this room I know you wanted to pretend that you're fine. But when you saw that envelopes specially the last one I know something is wrong." "I--" napakagat ako ng labi. I guess she's right. Mula kasi nang ipatawag ako na pumunta sa school para kunin ang mga certificate at hingin ang desisyon ko kung saan ako mag aaral sa college ay kinakabahan na ako. Not because I'm having a doubt on passing the examination but the aftermath of this. Paano ako magdedesisyon kung may inaalala akong mga tao sa paligid ko. "Angel." Tumingin ako kay Mrs.Santiago. She smiled at me sweetly and touch my hand. Sa ginawa niyang iyon parang tuluyan nang lumabas ang lungkot sa sarili ko. "Is sacrificing something is scary?" Tanong niya na ikinatikom ng bibig ko. "Of course it is. But in order to reach the success we need to sacrifice. Isn't it?" Yumuko ako at napatingin sa mga papel na hawak ko. Ilang segundo ako nag-isip bago tumingin ulit kay Mrs.Santiago. "Nakapagdesiyon na po ako." ***** "Oh Ateng bakit ang tagal niyong nag-usap?" Bungad sa akin ni JR (Jay-R) habang naglalakad ako papunta sa kanya.  Nakatayo siya sa gilid ng corridor ilang metro lang ang layo mula sa Office. Mula sa pwesto ko kitang-kita ko ang ibang mga kaschoolmate namin na may sadya rin yata sa school na ito na tinitignan siya. Some of them made a shock expression iyong iba may paghihinayang sa mata. Paano naman kasi kung sa unang tingin mo nakakita ka ng Adonis tapos nang magsalita parang ipit ng boses ng babae maririnig mo. Nagpamewang eto at tinaasan pa ako ng kilay nang makita niya ang ekspresyon ko na nagpipigil nang tawa. "So ganon? After mo akong paghintayin dito bibigyan mo ako ng nakakaasar mong mukha diyan? Eh kung sabunutan kaya kita bet mo?" Pagtataray niya pa lalo. Tumawa nalang ako sa itsura niya at kumapit sa braso niya bago kami magsimulang maglakad. "Saya mo teh? Mukhang nakatanggap ka na naman ng compliment kay Sungit." "Eh baket ikaw matagal din naman kayo nag-usap ni Mrs.Santiago. Saka kung makasungit ka djan Tita mo iyon." Pagpapaalala ko at saglit siyang piningot sa tagiliran niya. Napangiwi naman siya sa ginawa ko at saglit na tumingin sa likuran namin, tumingin din ako. Nakakalayo naman na kami sa paglalakad kaya ganito siya magsalita. Tumingin ako sa harap at kahit naglalakad ay isinandal ko sa balikat niya ang ulo ko. "Eh ikaw feel ko nakatanggap ka rin ng compliment, ay teka compliment nga ba?" Pang-aasar ko at napangisi nang maalala iyong kanina. Una kasing tinawag si JR sa aming dalawa. Iyong kabang nararamdaman ko bago ako tawagin ay nabawasan nang kaunti dahil sa narinig kong tilian at sigawan sa loob ng office. Kung anong rason? Simple lang. Ginamit niya kasi ang lipstick ni Mrs.Santiago at aksidenteng nalaglag eto kaya naputol. Sa iisang bahay kasi sila nakatira kasama ang Lola niya o Nanay ni Mrs.Santiago. Siguro pumuslit naman siya sa kwarto nito at kumuha ng lipstick. Hindi na bago sakin na nagtatalo sila, mula kasi ng grade 6 si JR kung kailan siya lumipat rito at naging matalik na kaibigan ko eh madalas iyong pag-aaway nila ng Tita niya ang sinusumbong niya sakin. Paano ba naman kasi ginagamit niya mga make-up ni Mrs.Santiago. "Loka masyado siyang highblood. Sinabi ko namang papalitan ko eh pero sinigawan ako tapos napunta doon sa result ng examination. Kesyo sayang daw iyong sa Star University as if naman hindi rin ako naghinayang noh--" "Teka hindi mo ba siya naipasa?" Putol ko sa sinasabi niya at napahinto sa paglalakad. Tumingin naman siya sakin na may gulat sa mata. Bumitaw siya sa akin sabay takip sa labi niya sa maarteng kilos. "O to the M to the G. Naipasa mo iyong sayo? Omygash! Patingin ako ng letter bili!" Excited na sabi niya. Mula sa kanang balikat ko kung saan nakasabit ang bag na ginawa ni Mama ay kinuha ko sa loob non ang ang envelope at inabot sa kanya. Kung ano ang reaksyon ko kanina habang binabasa ang mga iyon na may kaba ay iba sa kanya. His eyes are glowing in excitement lalo na nang mabasa niya na ang tinutukoy niyang school na hindi niya raw naipasa. Sadness slowly filling me again. Ibig sabihin ako lang nakapasa saming dalawa, akala ko may makakasama ako once I decided to study on that school. "Omygash congratulati--- eh? Ui may problema ba?" Ibig sabihin din non hindi lang si Mama ang iiwan ko, iiwan ko rin ang bestfriend ko. Ano magiging reaksyon ni Mama kung sasabihin ko na gusto ko mag-aral sa skwelahan na iyon na walang kasama? Iniisip ko palang kung anong mararamdaman ni mama parang hindi ko na kakayanin tumuloy. Napahinga nalang ako nang malalim at tumingin kay JR na mukhang nagtataka sa itsura ko. "Oy dhay hindi kaba masaya? Hindi ba gusto mo naman talaga maipasa iyong examination sa Star University?" Tumango ako sa kanya at nagsimula ulit na maglakad. Huwag nalang kaya ako doon mag-aral? Nakalabas na kami ng gate ng harangan niya ako sa paglalakad. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at nilapit niya bigla sakin ang mukha niya. Gulat akong nakatingin sa kanya. Kulang nalang kasi magdikit ang ilong namin. Pakiramdam ko namumula na ang tenga ko ginagawa niya ngayon. "Tapatin mo nga ako." Seryosong mukha at tono na sabi niya.   Parang sa oras na ito makakalimutan ko yatang bakla etong kaibigan ko. Ay ano bang pinagsasabi ko? Para akong nabalik sa sarili at mabilis na ginalaw ang isang kamay ko para hampasin palayo ang mukha niya sa mukha ko.  Napadaing siya sa lakas nang hampas ko habang hawak-hawak ng isang kamay niya ang ilong niya. Dapat lang, kinikilabutan ako sa ginawa niya. "ALAM MO NAKAKADALAWA KA NA HA!" Mangiyak-ngiyak na sabi niya. Ako naman ang pumayweng sa harap niya. "Eh baket kasi ang lapit ng mukha mo sakin? Kaya pinagkakamalan na tayo eh." Naiiritang singhal ko. Para namang narealize niya ang ginawa niya kanina kaya nag-inarteng naduduwal siya sa gilid ng kalsada. Napaikot nalang ako ng mata. Ang arte talaga nito. "Yuck kairita ka dhay alam mo namang hindi tayo talo. Ginawa ko iyon para bumalik sa wisyo iyang utak mo. Kulang nalang kase lumipad hanggang Mars iyang brainy mo. " umayos siya nang tayo sabay flip ng bangs niya patagilid. "Iniisip ko kasi iyong magiging reaksyon ni Mama kapag nalaman niyang pipiliin ko iyong Star University. Ayos sana kong tayong dalawa iyong nakapasa, kaso hindi baka mag-alala iyon sakin." "Iyong totoo? Huwag mo ako lokohin Angel. Hindi mo iniisip na baka mag alala sayo si Tita Angeline 'diba? Nag -aalala ka sa kanya." Natahimik ako sa sinabi niya. Tingin ko talaga nasa lahi nila na magbasa ng utak ng tao. "Hay nako kung iniisip mo iyan huwag kang mag-alala. Nandito ako, si Lola saka iyong masungit kong Tita. Hindi maboboryo Mama mo dhay. " nakangiting sabi niya sakin. Napangiti narin ako at napaikot ng mata. "Hindi nga maboboryo maloloka naman sayo." Biro ko. Kumapit ulit ako sa braso niya. "Eh paano iyan. Kung sa Star University ako mag-aaral, ikaw saan?" Tanong ko. "Diyan ako sa Lacerta, pa'no naman kasi malapit lang din tapos na papaioritize pa iyong gusto ko eh alam mo naman na gusto ko maging Fashion Designer." Pag-eexplain niya na ikinatawa ko nang mahina habang tumatango. Tama nga naman, gusto kasi talaga ni JR maging fashion designer. Mula kasi nang lumipat siya rito at naging matalik kong kaibigan inamin niya sakin na gusto niya maging ganon paglaki niya. Hindi na ako nagulat non nang aminin niya iyan sakin lalo na nang sabihin niyang bakla siya noong Grade 8 kami. "Basta kapag naging sikat kana na businesswoman nandito ako ah. Ako kunin mong designer ng damit mo sa bawat event na pupuntahan mo." Sinandal ko sa balikat niya ang ulo ko. "Kahit damit ko pa pangtulog ikaw pagagawin ko." Biro ko na ikinatawa naming dalawa. I'll miss this. ILANG minuto pa at nakarating na kami sa tapat ng bahay. Mag aalaskwatro narin ng hapon kaya niyaya ko nalang si JR na dito kumain sa amin. Pagkapasok ko ng bahay, agad kong nakita si Mama sa kusina na nagluluto. Hindi naman din kasi kalakihan ang bahay namin kaya makikita agad ang kusina at sala. Yari sa kalahating semento at kawayan ang bahay namin na hanggang isang palapag lang. Sakto lang din eto sa isang maliit na pamilya na tulad lang sa amin ni Mama na kaming dalawa lang ang nakatira.  Sa kaliwang bahagi nandon ang banyo samantalang sa kanan naman ay may dalawang pinto kung saan ang kwarto ko at kwarto ni Mama. Simpleng bahay sa simpleng buhay, ganito ang pamumuhay ko. "Nandito na pala kayo." Sabi ni Mama nang makita niya kaming dalawa ni JR. Agad siyang lumapit sa amin habang nagpupunas ng kamay sa basahan na hawak-hawak niya. Saglit akong tumingin sa mga kamay ni Mama na may bakas ng mga uling at nakaramdam ng lungkot. Ganito lagi ang buhay namin, halata sa mga kamay namin na sanay kaming kumilos para mabuhay. "Nga pala Angel iyong mga ibang damit mo nandoon pa sa kama mo hindi ko pa natutupe eh nagluluto rin kasi ako." Nakangiting sabi niya sakin. Nagmano muna ako at naglakad papuntang kusina. Nagsisimula na palang mag luto si Mama ng tanghalian. "Okay lang Ma, nga pala kinausap ako ni Mrs.Santiago tungkol sa University na pinagexaman ko." Pagk-kwento ko habang nakatutok ang paningin sa ulingan namin. "Oh, anong sinabi niya?" Tumingin ako kay JR at sinenyasan siya na ibigay kay Mama ang envelop. Binigay niya naman kay Mama iyon at siya na mismo ang nagtuloy ng sasabihin ko. "Ganito kasi Tita, sa totoo lang tatlo kasi iyong pinagpipilian talaga ni Angel na college iyong Lacerta Academy, Carena University saka iyong ano..." Tumingin saglit sa akin si JR. "Saka iyong Star University..." pagpapatuloy niya. Napakagat ako ng labi habang 'di alam kung titingin ba ako kay Mama o hindi.  Eto na nga ba sinasabi ko. "At iyon ang pinili mo Nak?" Tumingin ako kay Mama at umayos nang tayo. Ngumiti ako nang pilit at tumango. "Iyon talaga ang gusto kong paaralan Mama.... gusto ko talagang mag aral sa Star University." Mahinang sabi ko at yumuko matapos makita sa mata ni Mama ang lungkot. Hindi ko kayang tumingin sa kanya nang diretso, parang sa puntong eto nagmukha rin akong makasariling anak na gusto mag aral sa paaralan na gusto ko. Pero ginagawa ko naman eto hindi lang para sa akin. Alam ko kasing labag talaga sa kalooban ni Mama ang mag aral ako sa syudad pero tulad nga sa sinabi ni Mrs.Santiago kung hindi ako magsasakripisyo hindi ko makukuha ang gusto ko. Gusto ko gumanda ang buhay namin. Gusto kong makaahon sa buhay na ganito... At gusto kong mabigyan ng kasagutan ang mga katanungan sa isipan ko dati pa. ***** BAGO ko pa malaman ang resulta nang pinagexaman ko ay nagsimula na talaga akong mag impake sa sobrang kasiyahan na baka sakali ay maipasa ko ang exam sa Star University at makapag aral sa prestigiyosong paaralan na iyon. At ngayon na nangyari na talaga, hindi pala madali ang lahat. Oo para akong nabunutan ng tinik ng sabihin ko kay Mama kanina na gusto ko mag aral sa skwelahan na iyon pero pagkatapos kasi non naging tahimik siya. Mabuti na lang at nandito si JR at gumawa ng paraan para mapasalita si Mama. Sa hapag kainan tipid na sumagot si Mama at tipid din ang tawa niya, parang pinag-iisipan niya pa kung pipigilan niya ba ako o hindi. Binuksan ko ang kabinet at kinuha pa ang ibang damit ko at tinupi. Hindi ko naman masisi si Mama, dahil sa totoo lang simula dati pa alam kong iwas na siya sa syudad siguro dahil sa naaalala niya si Papa na iniwan kami agad. Pure Korean si Papa, iyon ang pagkakaalam ko. Samantala si Mama Half Chinese at Half Filipino. Nagkakilala raw sila dito sa Pilipinas dahil dito na nanirahan si Mama. Kasal sila at ng maipanganak ako at tumungtong ng limang taong gulang ay iniwan kami ni Papa. Kapag tinatanong ko kay Mama kung ano ang rason kung bakit kami iniwan ni hindi niya ako masagot ng diretso. Naisip ko tuloy na talagang masakit kay Mama iyong nangyari. Hindi ko rin alam kung mag tatanim ba ako ng galit kay Papa pero tumatak na talaga sa isip ko na kahit wala siya kakayanin namin ni Mama ang mabuhay. Tumatak na sa isip ko na ako mismo ang magbibigay ng magandang buhay kay Mama. Dahan-dahan kong narinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko at nakita si Mama na pumasok, umupo siya sa gilid ng kama, nakatingin lang siya sa akin. "Talaga bang aalis kana anak bukas? Mag aaral ka ba sa Star University na iyan?" Napatigil ako sa pagtutupi at tumingin sakanya. "Ma pasensiya na kung hindi kita agad nasabihan sa desisyon ko. Alam mo naman na gusto ko talagang mag aral sa Star University 'diba?" Nakangiting pilit na sabi ko. Umiwas siya sa akin nang tingin kaya umupo ako sa tabi niya. Nakaguhit sa mukha ko ang ngiti para maiwasang maiyak habang tinitignan nang maigi ang mukha ni Mama, sobra-sobra ko siyang mamimiss. "Ma galit ka ba?" Tanong ko, habang pinipigilan ang luha kong gustong tumulo kanina pa.  Pagkatapos kasi naming kumain, tumawag sa cellphone ko ang sekretarya ni Mr.Kamenashi, ang owner ng Star University. Sinabi sa akin ng sekretarya nito na bukas na ang simula ng klase ko sa Star University kaya magpapadala sila ng service bukas ng umaga. Masyado palang advance ang school na iyon, noong nakaraang linggo na pala nagsimula ang klase. Kaya pumayag narin ako sa alok nila. "Anak sa totoo lang. Hindi ako nagagalit sayo may kutob naman talaga ako na pipiliin mo ang Star University na iyan pero hindi parin talaga ako handa. Ang akin lang, nandito tayo sa probinsya at eto aalis ka at babalik ulit sa syudad, maraming tao tapos hindi mo pa alam iyong mga..." Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa kamay. I'm always doing this kapag gusto ko mapakalma si Mama. "Ma, ginagawa ko po ito para sayo. Alam ko na malaking sakripisyo ang gagawin ko pero isipin mo, kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral at nakapagtrabaho na ako..." Tumingin ako sa kwarto ko at napangiti nang pilit. "Etong bahay natin mapapalaki ko na tapos Ma, iyong plano mong negosyo matutupad natin. Patatagan nalang po ng loob. Basta Ma iaahon kita sa kahirapan." Matagal akong tinitigan ni Mama. Sa mata niya ramdam ko ang halo-halong emosyon na nararamdaman niya ngayon. Napangiti nalang ako at niyakap siya. Alam ko na malaki talaga ang posibilidad na marami akong haharapin sa syudad na maaring ikapahamak ko. Pero sino bang tao ang tatanggi kung may nag alok sayo na mag aral ng libre sa isa sa mga sikat na eskwelahan sa buong mundo. Naiisip ko palang na mag aaral ako doon ay parang kulang nalang sumigaw ako nang malakas sa sobrang saya. "Maraming salamat anak, mahal na mahal kita." Nabalik ako sa realidad nang mag salita si Mama, bayan pinapaiyak ako. "Mahal na mahal din kita Ma." Sagot ko sa pagitan ng yakap naming dalawa. Napapikit ako ng maramdaman ko na sinusuklay niya ang buhok ko. This night, I will never forget this. Bukas magsisimula na ang lahat... Hope things will get better. END OF CHAPTER 1
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD