LRTG CHAPTER 2: BOLA

4246 Words
RUSSEL ~Party in the club all, all eyes on us, all eyes on us... Yeah Did you know what is the feeling of being beautiful inside and outside? because here right now I already feel it hihihi. "Emeged i can believe na nag-exist na talaga sa world na itey ang beautiness ni aketchi." Sabay lagay ko pa ng lipstick sa aking lips. Wew ang ganders ko talaga whuahh ang beautiness ko talaga ang magiging kabandag ko sa mga fafa hihihi. *TokTokTok* "AyAnakNiMaderEarth, kaloka." Agad na sabi ko and ora mismo niturn off yung speaker whuahh rumarampa pa nga ang lola niyo. Emeged wat to do baka makita aketch na nakalipslok. "Russel iho gising ka pa ba?" Ay si Manang Felli lang pala akala ko si Pudra mabuti nalang nakalock yung pinto ng kwarto ko. Ora-mismo akong kumuha ng wet wipes and erase the lipslok in my lips. Sayang ang lipstick whuahh dark red pa nemen. "(manly voice) O-opo Manang gising pa po ako ba-bakit po?" Ask ko kay Manang Felli pagkaopen ko nang slight ng pinto ng aking kwarto. Enebe ang hirap sa kalooban ang mag pakalalake ng boses. "Pinapapunta ka sa opisina ng papa mo." Anedew? Ano namang need ni pudra sa diyosa niyang anakshi? Agad akong bumaba papunta sa opisina ni Pudra at walang pag-aalinlangan na binuksan ang pinto ng opisina niya. As usual, hindi siya nagulat. He always wear that cold aura na dinaig pa si Monalisa sa hindi maidentify kung anong reaksyon ng kilay niya. KALOKA!! "Seat." Agad na say niya nang iangat nito ang tingin sa akin. Kara-karaka naman akong umupo sa sofa na nasa gilid ng pinto at minata ang kwartong kinukulungan niya. Hanggang ngayon talaga I still can't believe that I have a father na sobrang boring. Brown and Caramel color lang ang makikita kong kulay ng mga gamit niya dito. Hindi niya man lang napagtripan na lagyan ng kulay ng rainbow, sadyang pamatay talaga at pinurga ng brown ang loob nitong opisina. Well maliban nalang sa gilid niya na bookshelf na maraming libro... "Lets straight to the point. I'm hiring again a new maid for you." Automatic, my eyes diverted and looked at him. ANUDAW!! "WHAT!!! Bagong maid na naman???" I can't believe this, why o why in this earth huhuhu. Tumango-tango pa siya. "Yes Russel. Do you think na nagugustuhan ko ang pinaggagawa mo sa mga maid mo?" Ano na namang kalokohan ang sumapi sa kanya. "And do you think na gusto ko mag kayaya? I'm old enough to have those maids (manly voice)." Na iistress na sagot ko, naiimbyerna ang bangs ko. "Old? Are you kidding me? Matanda ka na nga but your acting like a spoiled kid. Alam mo ba kung ano ang sinabi sa akin ng last maid mo?? pinainom mo raw siya ng juice na may maraming asin." Hindi ko naman mapigilan na matawa. I kennot believe it. Uto-uto rin kasi ang babae na iyon. Oh well, she deserves it. "And now your laughing kailan ka ba titino?" Nako malapit na mahaggard feslak niya. Well I don't care, he deserve it also to suffer. "(Manly Voice) Did you know what is the reason why I do that? Sino bang tao ang makakatiis sa kabaliwan non, she's always following me..." "Because I said that she must follow you..." "(manly voice) Follow me kahit pupunta ako sa banyo?! Alam ko iyong pinapagawa mo sa kanya pero nakakalok... nakakainis lang kasi hindi na pagbabantay ginagawa niya eh, pamboboso na! Ayoko na, ayoko mag kayaya." Naiiritang sabi ko, naiistress na talaga ako. Sa lahat na nga lang ng paraan para iparamdam niya ang pagiging ama niya eto pa talaga naisip niya. Its nonsense! Paano niya nagagawa sa akin ito? Imagine sa ganda kong ito mag hahahire siya ng julalay mas WORST BABAE pa. "Sa ayaw o sa gusto mo darating na bukas ang magiging yaya mo." Napatingin ako sa kanya. Nakakapikon na kaya. "(manly voice) Edi sige dumating siya wala akong pakealam matatanggal din iyon." Agad na sabi ko at nagback out sa opisina niya narinig ko pa iyong birit ay este sigaw niya pero snab lang. Naglakad ako pataas papunta sa aking kwarto. Pagkapasok na pagkapasok ko 1...2...3... *walling* "Whuahh!!! Naman kasi eh. Haggard na kaya aketchi hindi na ako beauty. AYOKO NGA KASI NG MAID huhuhu." Sigaw ko habang nagwa-walling sa soundproof na kwarto ko kaya hindi maririnig sa labas. Sa totoo lang hindi ko kailangan ng maid. Wala akong kapansanan o sakit sa utak para mag karoon ng julalay. Like duh ako si Russel Kamenashi nabuhay ako sa loob ng 19 years ng walang hinihinging kalinga ng iba. Kung kailan lumaki na ako doon pa siya mag rerenta ng julalay ko. Ano siya nagbackward to life. Napasinghap nalang akong umupo nang maayos sa lapag. Nakakaimbyerna, bakit ba kasi ang hirap ipalagdakan kung sino akez sa kanya. Masakit kayang itago ang totoong gender ko. Na nga wala ng patumpik-tumpik pa, isa akong BAKLA!!! Diva Obvious sa kanya iyon? Kung hindi ko lang inaalala ang kompanyang tinayo niya edi sana matagal ko nang pinaglagdakan sa universe kung sino ako. Saka kahit na malaman na nila, kahit anong gawin pa nila bakla talaga ako kahit na mag play dead pa sila diyan. Bakla ako mula kuko ng paa hanggang buhok ko. Ang hirap na nga gumalaw sa pag hahide and seek kong gender tapos dadagdag pa iyang julalay na issue na iyon, jusme! Maid, maid, maid. Letche! Alam niya naman pala kung anong klaseng pagtatrato ang ginagawa ko sa mga julalay ko, eh bakit pa siya ng hahire ng bago. Tsk, nakakaloka iyong huling maid ko. Kung pwede lang kumatay ng tao ginawa ko na. Sa taba nung girlalu hindi talaga siya nagsawang lumafang. Nakakatakot siya ghad baliw na baliw sa akin. Alam ko Maganda, Matalino, Mabait (slight lang) at mayaman ako pero ateng nakahithit ba siya ng katol? Pano naman kasi kung nasan ako nandon siya kulang nalang talaga pati sa pagjingle ko nandon siya eww lang ha. Lahat ng maid ko nabaliw sa akin ni hindi naman ako enkanto wiz ko lang na iyong next kong maid matino na. Pero gagawin ko talaga ang best ko para mag fly away din iyon hahaha... ~ ohhh owohh owohh ako'y dio-o-o-o, dio-o-o-osa Napatingin ako sa cellphoney ko ng tumunog ang favorite ringtone ko hihi Dyosa raw ako oh *flip hair* eh teka sino bang anak ni Valka ang tumatawag ng ganitong oras? Tinignan ko iyong screen ng cellphoney ko at napasimangot sa nakitang nakaregister na name, ano namang problema ng mga toh? Maarte kong pinindot ang answer button and slowly inilapit sa ear ko. "Hallo, kapag walang sumagot isusungalngal ko sa bunganga mo etong cellphoney ko bukas." Banta ko, alam ko naman mga kalokohan ng mag kapatid na ito. Wala na ba silang mapagtripan kayo ako naman an... "Yow bro, hehe it-txt ko nalang pala yung sasabihin ko. bye." "ANAK NG....." *Tot Tot Tot Tot* "AnakNgInaNiyoJojombaginKoKayongDalawaWHUAH!" Inis kong tinapon sa kama ang cellphoney ko. Nakakalanya naman oh, kung kailan imbyernang-imbyerna ako sa walang kwentang fatherlalu doon din sila sisingit. Malalagot sila sakin bukas, pati narin ang bagong maid ko na iyon. Sisiguraduhin ko iyan!!! ***** ANGEL "Hindi ka ba naghihinayang sa ginawa mo Jay-R?" Tanong ko sa kanya para mabasag ang katahimikan namin. Masyado kasi kaming nag-eenjoy na kumain ng manga sa inakyat namin na puno na pagmamay-ari ng Lola niya. Nagtataka siyang tumingin sakin na parang hindi niya nagets ang tanong ko. Sabagay bigla-bigla nalang kasi ako nagsalita. "Anong naghihinayang ang sinasabi mo? Nanghinayang sa pagbasted kay Patricia? Ano ba teh ilang beses ko na bang sasabihin sayo hindi kami tal--" "Hindi iyon." Pagpapatigil ko at umirap. Alam ko naman kung ano ang gusto niya. At si Patricia? Ni hindi ko nga kilala ang sinasabi niya. "Eh ano? Nakakaloka ka naman eh." Stress na sabi niya at hinawi pa ang mahaba niyang bangs. "Ang sinasabi ko iyong paglalayas mo. Hindi ka ba naghihinayang sa iniwan mo, iyong mga magulang mo?" Mahinang tanong ko. "Hindi, bakit naman ako mag hihinayang. Alam mo naman na hindi ako tanggap ng magulang ko si Lola saka si Tita Jasmin lang tumanggap sakin na may dugong rainbow ako." Napangiwi ako sa huling sinabi niya, dugong rainbow. "At saka, ginawa ko lang iyong nararapat. Baka pagnalaman ng mga kabusiness nila Mom kung ano ako baka masira lang company nila." "Kompanya niyo." Pagtatama ko. Kailangan ko bang umagree sa kanya? Simula nang makilala ko si Jay-R bukang bibig na niya ang Lola niya saka si Mrs.Santiago na sila lang daw ang tumanggap sa kanya. Akala ko hindi na niya babanggitin ang mga magulang niya pero ngayon ko lang narinig na kahit papaano may concern pa pala siya sa kanila. "Alam mo Angel, kahit ganito naman ako marunong parin akong tumanaw ng utang na loob. Kaya teh, kahit nagkakalabuan kami, mahal ko sila. Kahit na nagtatampo, lumayo ako para sa kanila... para sa ikabubuti nila." Tumingin siya sa taas ng puno na kinasisilungan namin. "Minsan kasi kahit mahal mo iyong tao pero alam mong nahihirapan sila dahil sayo- minsan kailangan mo munang umalis." "Muna? Bali ibig sabihin may balak kang bumalik?" Tanong ko, tumingin siya sakin at ngumiti. "Oo naman. Pero sa oras na bumalik ako sa kanila may napatunayan na ako. Kaya ikaw huwag kang magdadalawang isip mag desisyon na iwan ako para sa ikabubuti mo ah. Baka in the end bungangaan mo ako." Nahampas ko siya agad sa braso niya na ikinatawa niya lang. Ang hangin nito. Pasalamat siya hindi iyong kamay ko na may hawak ng manga pinamhampas ko sa kanya. "Alam mo ang drama mo eh, nandoon na tapos eto, napakaasyumera mo." Prangkang sabi ko na mas ikinatawa niya pa. "Ikaw naman nagsimula eh. Sinasagot ko lang baka kapag 'di ko sinagot mag taray ka. Saka hindi mo ba love ang dyosang ito." Sabay hampas niya nang mahina sa baba niya habang nakangisi sakin. Natawa nalang ako sa sinabi niya. Hindi kasi malabong mangyari rin sakin ang ginawa niya, baka katagalan iwanan ko rin si Mama. Lalo na ng isang araw nagtake kami ng exam para sa scholarship sa ibat-ibang university, kasama na roon ang university na gustong-gusto kong pasukan. "Jay-R kung darating talaga ang panahon na mangyari sakin iyong tulad sayo na iniwan mo ang magulang mo para sa ikabubuti nila... 'wag mong papabayaan ang Mama ko ha." Saglit na natahimik si Jay-R at tumingin sakin. Parang alam na niya yata ang tinutukoy ko kaya tumango siya sakin at ngumiti. "Kung tinutukoy mo iyong scholarship na baka maipasa mo iyong sa Star University. 'Wag kang mag alala babantayan ko si Tita, like duh pakiramdam ko nga mag kakasundo pa kami kung wala ka hahaha." "Ewan ko sayo hahaha." Natatawang sabi ko ng masiguradong kahit papaano may makakasama parin si Mama kapag umalis ako. Babalik naman din ako, at sisiguraduhin ko na kapag bumalik ulit ako rito magiging maganda na ang buhay namin. Masasagot narin ang mga katanungan ko. ***** "Kuya maraming salamat po." Magalang na sabi ko sa driver na binababa ang gamit ko galing sa likod ng kotse. Eto ang sumundo sakin kaninang umaga para makarating dito sa Star University. Tumango naman eto sakin nang mailapag niya sa gilid nitong kalsada ang huling bag na may laman ng mga damit ko. "Pinapasabi ni Mr.Kamenashi na dumiretso ikaw sa opisina niya sa oras na makarating ka rito. Hindi na kita maihahatid sa loob dahil susunduin ko pa ang Sekretarya niya." Mahinahong sabi nito sakin. "Nako ayos lang po. Maraming salamat po ulit." Tumalikod na eto agad at pumasok sa kotse. Nang masigurado kong nakaalis na eto ay mabilis akong tumalikod at hinarap ang malaking gate ng skwelahang papasukan ko. Dahan-dahan, sumilay sa mga labi ko ang ngiti na kanina ko pa pinipigilan. "Eto na, dumating na ang tamang panahon." Nakangiting sabi ko. Napahawak pa ako sa bandang dibdib ko nang maramdaman na sobrang bilis nang t***k ng puso ko. Hindi ako makapaniwala, talaga bang nandito na ako? Parang gusto kong maluha sa sobrang saya. Teka, baka nananaginip pa ako? Huminga ako nang malalim at tumingin sa bawat gilid ko. Tingin sa kaliwa. Tingin sa kanan. Napaseryoso ako nang makitang walang tao, ang tahimik. Baka nananaginip talaga ako. Umayos ako nang tayo at kinurot ang braso ko na ikinadaing ko rin nang makaramdam ng sakit. Yumuko ako bigla at napangiti ulit. HINDI AKO NANAGINIP! Napatakip ako ng bibig habang nakayuko at pinigilan ang sarili kong huwag matawa sa pinaggagawa ko. Grabe ang saya ko! ngayon feeling ko maiiyak na rin ako sa tuwa. Ganito pala ang pakiramdam kapag nagpursigido ka para maabot ang gusto mo na ngayon nasa harap mo na at abot kamay mo na. Tumatango-tango ay inangat ko ang tingin ko. Itinaas ko ang isang kamay ko na parang inaabot ang tuktok ng gate nitong skwelahan. Sa oras na makapasok na ako sa skwelahan na ito lahat mag babago tatanggapin ko iyon, para kay Mama. Papatunayan ko kay Papa na hindi--- "ANONG GINAGAWA MO RITO?!" "AY PAPA!!" napatalon ako bigla nang may sumigaw galing sa likod ko. Agad akong lumingon at nakita ang isang matabang guard na masamang nakatingin sakin. Paano siya napunta rito sa likod? "Anong Papa? Alam kong malapit na akong tumanda pero hindi ako makakalimutin. Wala akong anak!" sigaw nito sakin na lalong kinagulat ko. Mabilis na pinagdaop ko ang mga palad ko at yumuko para magsorry. "Sorry po nagulat lang po ako. Papasok na po ako." nagmamadaling kinuha ko ang mga gamit ko at maglalakad na sana papasok sa gate nang mabilis siyang tumakbo para harangin ako. Agad naman akong umatras. Anong problema?! "Ops ops ops, bakit ka papasok? bawal pumasok dito ang hindi naka uniporme. Saka.. " umatras ulit ako nang inilapit nito ang mukha niya sakin. Nakakatakot! "Kabisado ko mga mukha ng mga estudyante rito. Sino ka? " Hindi nakauniporme? Wala naman talaga akong uniporme na masusuot eh kakagaling ko lang ng probinsiya tapos dumiretso na agad ako rito. "Espiya ka noh?" "Hi-hindi po ah!" mabilis na sagot ko. Anong espiya? siguro kung nandito si Jay-R tumatawa na siya sa nangyayari ngayon. "Ma-manong ako po iyong ba-bagong iniskolar ni Mr.Kamenashi." nauutal na sabi ko, nakakatakot na talaga ang tingin niya parang kakainin na niya ako ng buhay. Pero eto, tinitigan niya lalo ako nang masama, ano ba talagang ginawa ko??? "Nasaan ibedensiya?" A-ano raw? Ebidensiya? Sa pagkakaalam ko wala naman kami sa korte. "Ho? Manong nant-trip po ba kayo?" Wala sa sariling tanong ko huli na para mabawi ko pa. Nako ano ba kasing nasasabi ko. "Anong nant-trip? Baka ako pinagtitripan mo. Nasaan envelop mo." sabay lahad ng kamay niya sakin. Envelop? Ah oo nga pala nasa envelop pala nakalagay lahat ng papers about sa scholarship ko. Napangiwi ako nang maalala ko iyon. Hay nako malay ko bang kailangan na iyon dito palang sa entrance. "Teka lang po Manong ah kukunin ko na." May pagkakampante ko nang sabi at kinuha sa shoulder bag ko ang envelop at inabot sa kanya. Habang binabasa niya ang papeles na binigay ko ay palihim kong binatukan ang sarili ko nang may maalala. Kung nasa likod ko kanina si Manong guard ibig sabihin nakita niya ang kabaliwang pinag-gagawa ko. Iyong pagkurot ko sa sarili ko, iyong pangiti-ngiti ko saka iyong pagtaas ko pa ng kamay. Pano pa kaya kung hindi ko napigilan ang sarili ko na matawa kanina, edi sa mental hospital pala bagsak ko. Ano bang kalokohang pinaggagawa ko kasi. Paaano pala kung may iba pang nakakita sa akin edi pinagtawanan na ako. Well wala naman akong nakitang ibang tao so hindi nabahiran ng kahihiyaan ang unang araw ko. Napangiti ako at binalik kay Manong guard ang tingin ko. "Ah ikaw pala si Angel Han Go?" Tanong nito sa akin na ikina tango ko. "Mag f-first year college ka na? Teka 17 ka palang?" "Opo hehe. Accelerated po kasi ako ng dalawang taon." Grabe naman, kailangan ba talaga lahat ng about sa akin sasabihin niya? Napahinga nalang ako nang malalim nang ibalik na ulit ni Manong guard sa loob ng envelop ang mga papeles ko at inabot sakin. Akala ko tatanungin niya pa ulit ako. "Oh sige pwede ka ng pumasok, nga pala iha iyang malaking bag na dala mo pwede mo munang iwanan dito ipapahatid ko nalang mamaya sa isang kasamahan ko kung saan ang magiging kwarto mo." ay mabait naman pala si Manong guard. "Maraming salamat po ha, sige po pasok na po ako." at binigay sa kanya ang isang bag na malaki tanging iyong bag nalang na nakasukbit sa balikat ko ang dala ko, laman kasi non iyong mga notebook ko. "Eto na Angel nandito kana talaga." Nakangiting bulong ko nang makapasok na talaga ako sa loob at huminto para mailibot ang tingin sa paligid. Ang Star University ay isa sa mga prestihiyosong paaralan na tinayo rito sa Pilipinas. Kung baga sa ibang bansa kalevel na nito ang Harvard University. Si Mr.Ramon Kamenashi naman ang owner ng University na eto at kada taon tanging nasa hindi hihigit sa 100 na estudyante lang ang pinapasa nila galing sa labas ang pwede mag-aral dito. Bawat taon rin ay nagpapaexam sila sa ibat-ibang school na may connection sa kanila para sa scholarship. Pero, limitado lang ang pwedeng makapasa na sa pagkakaalam ko ay nasa sampu lang. Isa pa, sa kagandahang banda kung sakaling isa ka sa mga nakapasa ay ang free access mo sa iba pang kakailanganin mo. Bibigyan ka ng libreng uniporme, libreng mga libro o gamit sa pag-aaral. At kung sakaling malayo ang tinitirhan mo ay bibigyan ka rin ng libreng dormitoryo o kwarto. At akalain mo ba naman, isa ako sa mapalad na tao na mabibigyan ng mga ito. Ang poproblemahin ko nalang ang allowance ko at pang gastos sa kakainin ko araw-araw. Naisip ko nang tumingin mamaya ng trabaho pagkatapos ng klase. Meron kasi akong nakitang mga shop malapit dito na hiring pero sa ngayon kailangan ko muna magfocus sa susunod na gagawin ko. Inangat ko ang tingin ko para tignan ang nakakalulang ekstratura ng Star University. May limang nagsisilakihang mga building akong nakita at sa bawat nito ay may pitong palapag. Napansin ko rin sa kaliwa at kanang bahagi nitong university na may gate. Tanaw ko sa kaliwang bahagi ang malaking open field nitong school samantala iyong kanang bahagi naman parang cover court o gym. Huminga ako nang malalim para kumuha ng hangin sa hindi makapaniwalang nakikita ko. Napakalawak ng eskwelahan na ito na parang kasing laki o baka nga nalakihan pa ang MOA. Kaya pala maraming gustong makapasok sa skwelahang ito. Idinako ko naman ang tingin ko sa mga estudyanteng dumadaan. Karamihan sa mga nakikita ko ay magaganda at gwapo malalaman talaga kahit sa unang tingin palang na anak sila ng mga mayayaman base narin sa kutis at tindig nila. Totoo nga ang sabi-sabi samin, one of the reason why Star University was famous is because of their students. Hindi lang building o lawak ng university ang kaya nilang ipanlaban pati narin ang mga nag-aaral dito. The students here was born elite, nangangamoy na sa kanila ang katanyagan na may mararating sila and bringing one opposite of them is really an eye catching... katulad ko nalang. Napapansin ko na kasi ngayon kung gaano na ako nakakaagaw ng atensyon sa mga ibang estudyante. May dumaan pa nga sa harap ko na mga grupo ng mga babae. Their talking but they stopped ng makita nila ako. Tinitigan nila ako mula ulo hanggang paa tapos bigla silang natawa. "Uhm h-hi?" bati ko, para akong ginapangan nang kahihiyan ng ni isa sa kanila hindi ako sinagot at nilagpasan lang. Owkey?? anong mer... "Pare sayang may itsura kaso wala lang kataste-taste sa pananamit." "Oo nga eh pre eh chicks na sana." "Hahaha." Napatingin ako sa tatlong lalake na dumaan din sa gilid ko na nag-uusap, and I found out na sakin sila nakatingin. Tulad din ng grupo ng mga kababaihan kanina, tinitigan nila ako mula ulo hanggang paa bago tumawa nang malakas at nag-apiran pa. So alam ko na kung bakit ako pinagtatawanan ng mga babae kanina, hay! They laughing because I'm wearing a simple clothes na tingin nila ay weirdong kasuotan. Masisi ba nila ako kung nakasuot lang ako ng simpleng pantalon, white na t-shirt, rubber shoes na mukhang bago pero ilang taon na sa akin habang iyong buhok ko nakaponytail lang? Nahihiya tuloy ako sa sarili ko, sino ba namang hindi titingin sa akin eh mukhang lahat ng estudyante rito nakasuot ng uniporme. 'Wag ko nalang silang intindihin sabi nga ni Mama kaya ko 'to. Siguro kailangan ko ng masanay. Saan ba ako pupunta? Ay oo nga pala sa office, kailangan ko palang makausap si Mr.Kamenashi pero nasaan ba iyong office rito? Sa lawak nito kailangan ko magtanong. Nilibot ko ang tingin ko. Maraming estudyante ang nandito iyong iba, tulad kanina tinitignan ako. Napakagat ako ng labi, mga nasa mata nila alam mong nilalait ako. Sa ganitong pagkakataon sino pwede kong tanungan na sasagutin ako nang maayos? Nagsimula nalang akong maglakad. Deciding that maybe makita o mahagilap ng mata ko ang sign na OFFICE ni Mr.Kamenashi. Habang naglalakad inalam ko narin ang mga nadadaanan ko para kung sakaling mawala ako alam ko na ang daan pabalik, hindi pala biro ang mag isang maglakad sa ganitong kalawak na univers... "Finding something?" napahinto ako nang may marinig akong mahinang boses na nagsalita sa bleachers na dinaanan ko. Agad akong lumingon sa gilid ko. Only to see a figure of a girl seating comfortably while reading a book at the bleachers. Nakaharang sa mukha niya ang libro kaya nag-alanganin pa akong sumagot kahit na kaming dalawa lang ang tao. Pero nang ibaba niya kaunti ang librong binabasa niya ay hindi nakatakas ang saglit na pagtingin nito sakin, ibig sabihin ako ang kausap niya. "13 seconds, does my question gives you a hard time to say your answer?" napalunok ako bigla nang makaramdam ako ng lamig na parang dumaan sa katawan ko. Ano iyon? "A-im finding the Offic--" "Office of Mr.Ramon Kamenashi. I see." gamit ang kanang kamay, ay sinundan ko nang tingin ang kanang bahagi ng gate na tinuro niya. Paano niya nalaman? Ni hindi niya nga pinatapos ang sinasabi ko. "Walk straight to right and you'll proceed to the cover court. There you will see another gate. Walk upstairs at the right gate, second floor is his whole office." malamyang boses na turo niya sakin. Tumango naman ako nang maunawaan ang sinabi niya. "Salama--- eh? Nasan na iyon?" nagtatakang tanong ko nang pagbalik ko nang tingin sa gawi niya ay wala na siya. Tumingin ako sa likod ko at nakita nalang ang likod niyang naglalakad papalayo sakin. Saglit ko siyang tinignan nang may marealize ako. "Teka, hindi rin siya nakauniform tulad ko. Paano siya nakapasok?" naglalarong tanong sa isip ko. Nagkibitbalikat nalang ako, baka isa rin siya sa mga nakapasa ng scholarship tulad ko. Nagsimula na akong maglakad papasok sa cover court sa kanang bahagi ng gate. Nang makapasok ay maingay at malawak na gym agad ang nakita ko. Maraming naglalaro, may nagbabasketball, volleyball at may nagbabadminton. Sa lawak ng field kung saan-saan nalang iyong iba naglalaro. Iyong iba halatang mga player talaga dahil sa mga varsity at jersey na suot nila. Oo nga pala kung dalawang linggo na ang nakalipas nang magsimula na ang klase rito ibig sabihin baka tapos na ang try out sa mga sports-- "MISS ILAG!!!" *BOOGSH* "A-aray!" Napahiga ako bigla nang may tumama sa ulo ko. Para akong nawala sa sarili ko sa lakas ng impact nang bagay na tumama sakin. Anakng, sinong nambato sakin?! Sinibukan kong idilat nang maayos ang mata ko at tumayo pero hindi ko magawa dahil sa nahihilo na ako. Ang sakit ng ulo ko, para akong masusuka. Sino ba iyong sumigaw? Bakit sa lahat ng pwedeng tamaan ako pa! Biglang tumahimik ang kaninang ingay na naririnig ko. Dahan-dahan akong kinabahan. Eto na ba katapusan ng buhay ko? Ni hindi ko man lang nalaman iyong walang hiyang nagbato sa akin ng kung ano, mag mumulto nalang ba ako kay Mama? Wala ba talagang gustong tumulong sa-- "Miss okay ka lang?" Rinig kong tanong ng kung sinong boses ng lalake sakin, na sigurado akong siya ang nagbato sakin ng bola, tsh mukha pa ba akong okay? Napangiwi ako nang bigla niya akong tinayo, wala man lang pasabi! Mas lalo akong nahilo sa ginawa niya, parang umiikot ako. "Miss sumagot ka naman. Okay ka lang ba?" Kung pwede lang iteleport si Jay-R dito. Gusto ko humingi ng tulong sa kanya para sampalin ang walang utak na lalakeng eto. Paano ako makakasagot kung nahihilo ako kulang nalang masuka ako. Nanayo pa yata ang balahibo ko nang hawakan niya ang bewang ko para alalayan. Nananching ba ito? Hindi ko na kaya, kailangan ko na mag salita. Lumunok ako ng ilang beses para makapagsalita at maidilat nang maayos ang mata ko, ibibigay ko na talaga ang lahat ng lakas ko para masigawan siya. "TINGIN MO OKAY AKO? ANG SAKIT NANG PAGKABATO MO, KALA MO HINDI KALAKASA...." My word.cut.in.a.second nang makita nang maayos ang mukha niya. A-anong, ba-bakit may anghel akong nakikita sa harap ko? A-ang gwapo. TEKA ANO? A-anong nasabi ko? "Miss iyong ilong mo dumudugo?" Nahihilo kong kinapa ang ilong ko at tinignan ang kamay ko nang may maramdaman akong basa. Pakiramdam ko namumutla na ako sa takot habang nakatingin sa kamay ko. "Miss." "Du-dugo." Nang hihinang sabi ko parang-parang um-umakyat lahat ng dugo ko sa u-ulo ko. "Miss dalhin na kita sa cli...." *BLACK OUT* END OF CHAPTER 2

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD