CHAPTER 19: One Glass of Water

2090 Words

KINABUKASAN ay maaga akong nagising sa ingay ng motor ng bangka ni tatay sa kung saan. Bumangon na ako at bumaba ng bahay. Nagtungo ako sa kusina at doon tinanaw si tatay sa labas. Nasa gilid na siya ng bangka at abala sa pag-aayos ng lambat niya. "Tay! Aalis po kayo?!" malakas kong tanong sa kanya. Tuluyan na akong lumabas at nilapitan siya. "Oh, anak. Hindi na muna ako magtitinda ng buko sa ngayon. Mangingisda na lang muna ako para sa pang-ulam natin at kapag marami tayong nahuli, magdaing tayo. P'wede rin natin iyon ibenta." Namilog naman ang mga mata ko sa sinabi niyang 'yon. "Oo nga po, tay! Maganda po 'yan! Tapos, ibebenta natin sa resort!" "Marami pa naman tayong bigas kaya ito na muna ang tatrabahuhin ni tatay sa ngayon. Huwag ka na lang din munang magtinda dahil hindi kita m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD