Kabanata 5

2180 Words
    Wala ring silbi ang pagbaba ko dahil nawalan na ako ng gana. Para bang bulang pumutok ang gutom ko.     Bakit? Bakit ganito ang nangyayari sa akin? Sa isang iglap lang ay nasa iisang lugar lang kami nakatira plus may dumagdag pa?     Nang nasa school na ako ay hindi ko napigilang ikuwento ito kay Maddi. Kagaya ko, hindi rin siya makapaniwala.         "Grabeng coincidence 'yan ha! My gosh. Super impossible naman niyan. Para kang nasa drama."     Tumango ako at tiningnan ang notes ko.         "Yes. Hindi na nga ako nakatulog dahil sa takot na palagi ko silang makakasalubong! Not that I'm afraid. But I just don't wanna see their annoying faces!"         "Alam mo, you should buy groceries na. Mag-aral kang magluto para hindi ka na lalabas ng condo unit mo. Saka patambay ako huh? Baka may naiwanang boxer pa ang kuya mo!"     Napangiwi ako sa sinabi ni Maddi. Hindi ko alam kung healthy pa ba o dapat na akong matakot sa pagkagusto niya sa Kuya ko? Nag peace sign naman siya sa akin at kinagat iyong burger niya.     Nasa kalagitnaan na ako ng pag-aaral ko para sa exams ng marinig namin ang mga bulungan ng nasa kabilang table.         "Yes! We saw Miss Benitez crying! Sabi nila ay nafired na raw dahil sa naisumbont na may nakipagrelasyon sa isang unknown student."         "Grabe! That's cradle snatching! Mukha pa namang santa pero nasa loob pala ang kulo." Bulong noong isa.     Nagkatinginan kami ni Maddi. Pinandilatan niya ako ng mata. Umiling ako. No! Hindi ako ang nagsumbong sa kanya!     Hindi ko na nadigest ang inaaral ko. If she's fired, maybe may nakahuli ulit sa kanila ni King? I swallowed. Ganoon na ba sila kacareless?     Kahit saang parte ng school ay iyon ang usapan. Hindi siya umattend sa klase namin. Nagsialisan na ang iba makalipas ang labing-limang minuto. Napagkasunduan muna namin ni Maddi na magpunta sa cr.         "So, what do you think? Sino pa kaya ang nakahuli sa dalawa?" Tanong sa akin ni Maddi.     Hindi ako nakasagot. Naghugas lang ako ng kamay at tiningnan ang sarili sa salamin.         "Siguro, ay naghahalikan na naman kasi kung saan. They should've been more careful." Kumento pa niya ulit at inayos ang kanyang mascara.     I just wiped my sweat. Hindi man lang interesado. Tinali ko rin ang buhok ko. Mamimili ako mamaya ng groceries kagaya ng sabi ni Maddi. May pera pa naman ako sa atm ko at hindi naman siguro iyon labis na makakaapekto.         "Well, bagay lang iyon sa kanya. She would not experience this kung di siya nakikilaglandian sa eatudyante niya. Now, she's ruined in the university! Ni hindi man lang nagalusan ang imahe ni King dahil hindi pinakalat na siya ang other party. Iba na talaga 'pag may koneksyon."     Tama si Maddi. Hindi nireveal ng school kung sino ang karelasyon ni Miss Benitez kaya mas lalong sumiklab ang balita. Halos lahat ay may spekulasyon.     Paglabas namin ay may kamay na humigit sa akin at hiniwalay ako kay Maddison. Tinakipan nila ang mga bibig namin. Pumipiglas si Maddison na nilayo na ni Kit Chavez sa akin. Habang sinenyasan naman ni King si Diego na ipasok ako muli sa cr.     Akala ko at ilalock nila ako pero hindi. Sumunod sa akin si King na madilim ang titig. Agad na gumaoang ang takot sa akin. Mukha pa lang niya, mukhang wala nang sasantuhin!         "W-What?" Tanong ko.     Pilit na nilalabanan ang takot. Naglakad siya papalapit sa akin kaya umatras ako hanggang nasa may sink na ang likuran ko.         "W-What, King!" I shouted at him pero mas nanaig ang galit sa kanya.     Hinawakan niya ang aking dalawang kamay at nilagay ito sa ibabaw ng aking ulo.         "I will shout. Stop, what you are doing!"     Hindi siya natinag sa banta ko.         "How dare you, Gaisano."     Apat na salita pa lang ay labis na ang banta niya doon. Mas humigpit ang hawak niya na ramdam ko ay hindi na dadaluyan ng dugo ang mga braso ko.         "If this is about the rumors! I promise, wala akong alam. Hindi ako ang nagsumbong!"     Ngumisi siya. Iyong nakakapanindig balahibo.         "Really? Sino naman kung ganoon?" Tanong niya.         "Hindi ko alam! Siguro kasi kung saan na naman kayo naghahalikan kaya nahuli na naman kayo!" I blurted out.     Wala akong pakialam kung malapit man ang mukha niya sa akin. Patuloy ako sa pagsigaw.         "Maybe your friend? I heard she's noisy. Maybe she reported Liesel?"     Sinipa ko ang tuhod niya kaya napalayo siya sa akin ng kaunti at nabitawan ang aking braso.         "How dare you accuse us? Excuse me ha? Pero ako at ang kaibigan ko, wala kaming pakialam sa love life mo or s*x life! Marami kaming problema at hindi ka big deal para isama doon!"     Parang nagtitimpi na lang siya mula sa narinig sa akin. Nagulat ako ng mabilis niyang kinuha ang vase sa harap ng sink at binato iyon sa gilid ko. Rinig ko ang paglipad ng basag basag na piraso nito sa sahig.     Mabilis na bumukas ang pintuan at niluwa noon ang alalang mukha ni Kit at Diego. Ngunit ng makitang ayos kami ay sinara nila ulit iyon.         "Magdasal ka na, Gaisano." Banta ni King. "Dahil mula ngayon, sisiguraduhin kong magiging impyerno ang buhay mo rito!"     Napaupo ako ng marinig ang kalabog ng pintuan nang isara niya iyon. Hindi ko inalintana ang bubog at umupo doon para yakapin ang tuhod ko.     Kinaumagahan ay maaga akong naligo para hindi na ako maabutan pa ng mga asungot kong kapitbahay. Naiisip ko pa lang, parang gusto ko na lang umuwi sa bahay kahit na araw araw akong pilitin ni Daddy sa mga plano niya.     Pero ang maisip na ikakasal ako dahil sa pera ay labis na nakakatakot. Nilagyan ko ng band aid ang braso kong nagalusan ng bubog. Hindi ko kasi napansin ito at saka lamang naramdaman ng makauwi na ako kagabi.     Fresh pa rin sa akin ang banta ni King sa loob ng cr. Maging si Maddi ay umiiyak na tumawag sa akin. Tinakot din raw siya kagabi. Inalo alo ko pa diya dahil nadamay pa siya.     Kung alam ko lang na ang isang picture na 'yon ang magti trigger sa lahat sana ay binura ko na agad!         "Yes, Kuya. I'm fine." I said at nilock ang pintuan ng aking condo.         "It's good to hear that. I forgot that the sink has leakage. They told me they would send someone later."     Diretso ang lakad ko sa hallway. Maingat na baka mamaya ay bubukas ang pintuan ng apartment ng isa sa two idiots at bigla akong suntukin dahil utos ng kanilang lider na anak ng dilim, o kaya naman noong maingay kong kapitbahay na naging bisyo na ang tawagin akong Miss hoy.         "Sure, Kuya. You forgot to tell me things! Hindi mo naman nasabi na dito rin nakatira 'yung mga juniors mo from soccer team?"         "Who? I didn't tell you because I thought you don't know them."     Napatigil ako. Of course not! Hinding hindi ko talaga magiging kaibigan ang mga 'yon! Can we be friends eh sabi ngang gagawing hell ang last two years ko sa college!         "Yes, I saw them here. Si Diego at si Kit! Tell me if-"     Hindi ko natapos ang tanong ko noong may nagsalita sa background ni Kuya. Boses iyon ng lalaki at may pinag-uusapan sila.         "Elisha, I need to hang up. Call you soon."     Napailing na lang ako at nilagay sa aking bulsa ang phone. I was told by my brother that I should take the bus, taxi or jeep. I wouldn't go for taxi because it is a bit expensive aside from the other two.     Nakababa ako sa ground floor. Sumaludo sa akin ang guard at pinagbuksan ako ng pintuan. Di pa ako nakakababa sa hagdan ng condo ay natigilan ng makita sa harapan ko si King Luna na hinahagis sa valet ang kanyang susi. Sa likod niya ay ang kanyang sportscar.     Spoiled brat. Gusto kong umirap pero naalala ko ang nangyari sa amin kagabi. How he crushed the vase. Napahawak ako sa braso ko.     Nakashades ito. Magulo ang buhok at suot pa rin iyong suot niya kahapon sa school. Naliligo ba ito?     Napalingon siya sa akin kaya naglakad agad ako pababa. Sobrang panginginig ng aking tuhod. Pumunta ba siya rito para parusahan agad ako? It's only six thirty in the morning!     Tinagtag niya ang kanyang shades at kita ko na sakbat niya ang isang travel bag. Maybe he went partying all night? O kaya naghanap ng bagong idedate? How about Miss Benitez? My gosh! Ano bang pakialam ko?     Pumunta ako sa kabilang direksyon para maghintay ng sasakyan ko pa-university nang lumapit siya sa akin. I immediately looked away.     Hinihintay ko na saktan niya ako pero hindi nangyari iyon. Napalunok ako ng manatili siyang nakatayo sa tabihan ko at nakatingin sa akin.     Gusto niya ba akong magsorry? O lumuhod sa harapan niya? O baka itutulak niya ako sa kalsada para mahit and run ng mga pedicab?         "So, it's real. You're really staying here?" Tanong niya na ikinawala ng paghinga ko.     Nagtaas baba ang kabog ng dibdib ko habang tinitingnan ang kanyang mga mata. Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Iiyak ba ako at luluhod o magtatapangan?     Tumaas ang kilay ko nang mapili ko ang pangalawa. I swallowed hard. Bakit nga ba ako matatakot eh hindi naman ako guilty? Siya itong dapat magsorry sa accusations niya.         "Bakit? Bawal ba? My kuya owned an unit here which is mine now. Ikaw?"     Pinagmasdan niya ang dalawang condo towers.         "And my family owned the condo."     Napatingin ako sa kanya. They own this? How? Kahit na may kuryoso ay iniiwas ko ang tingin ko. Baka isipin niya masyado naman akong curious sa kanya.         "Naliligo ka ba?" Pag-iiba ko sa topic.     Alam mo naman na mayaman sila ano. Kaya nga sobrang yabang ng isang 'to tapos di naman naliligo.  I bit my lower lip dahil sa tanong ko! Alright, napikon na naman lalo siya sa sinabi ko. Baka talagang suntukin na niya ako.     Halata namang nagulat siya sa sinabi ko. There! Expect hell, Eligia! Masyado ka kasing madaldal!         "Pardon?" He asked in a serious tone.     Tumango na lang ako at nilingon na ang kalsada para sa jeep.     Gusto ko nang magdabog dahil nagkasundo ata ang bus at jeep na hindi dumaan dito. Wala ring taxi. Gusto ko na talagang mawala ang pagmumukha niya sa harapan ko.     Maaga akong nagising dahil sa pag-iwas sa dalawang niyang kaibigan at mukhang mas minalas ako dahil ang lider ng three idiots ang nakasalubong ko.         "Why are you still here?" Hindi ko napigilang itanong. "Do you want me to beg for your mercy at talagang pinuntahan mo pa ako?"         "Tsss. Don't worry. You can beg me some other time. I'll live here starting today. We'll see each other often, Gaisano." He smirked.     Nalaglag ang panga ko. What the hell? Pati siya? How could destiny do this to me! Three idiots plus me in this condo? No way!         "What? Is this your revenge? I told you, hindi ko kayo sinuplong! Hindi ako ang dahilan kung bakit nawala sa university si Prof Benitez." I shouted kaya naman naging seryoso siya bigla na parang malaking  kamalian ang banggitin iyon.         "Shut up." May diin ang kanyang boses nang sabihin iyon. Nanahimik ako sa takot dahil mistulang kulog iyon.     Malalim ang hinugot niyang hinga at agad na pinara niya ang isang taxi na dumaan. Natulala na ako sa kinatatayuan ko. Binuksan niya ang pintuan para sa akin ng ganoon pa rin ang hitsura. Napapitlag ako ng titigan niya ako.         "Get on the taxi, Gaisano."     Para namang tutang sumunod ako sa kanya pero pinandilatan ko siya. Malakas niyang sinara ang pintuan ng taxi at kinatok ang bintana ng driver.     Inabutan niya ito ng isang libo at dinungaw si Manong.         "Take her to the university safely." Baritono ang boses niya at sinulyapan akong laglag panga.  "And you, remember what I told you yesterday. Stay away from my business."     Umandar na si manong at nang silipin ko siya ay naglalakad na siya papasok sa condo. Oh my gosh! Ganito ba siya kascary kaya halos lahat ay takot sa kanya? At talagang dito na siya titira?     With his two words, talagang ramdam ko ang panlalambot ng aking tuhod. Hinawakan ko ang dibdib ko sa takot.  I just remember how he ignored me when we crossed paths! Hindi ko maiwasang hilingin iyon na mangyari ulit iyon!     Doon na ba talaga siya titira para masubaybayan ako at hindi makapag-enjoy? Gusto niya ba talaga na kahit sa bahay mastress ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD