Nang makita ni Kuya na nakapag-impake na ako ay pumayag na siya na bukas ay lumipat na ako. Halos di ko tinititigan si Daddy habang kumakain kami.
"You should learn how to commute going to the university." Ani Mommy sa akin.
Tumango ako nang di man lang siya tinitingnan. Si Kuya ay panay ang masid sa aming hapag.
"Why would you let Elisha to commute, Elizabeth? Paano kung mapahamak iyan o magalusan? We should take care of her since she'll be the one to save the company!"
Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain. Kuya dropped his utensils to face our father. Mukhang hindi na rin niya nagugustuhan ang sinsabi ni Daddy.
"Get up, Eli. I'll drive you to my condo." Ani Kuya at mabilis na umakyat sa hagdanan.
Nakasunod lang ng tingin sa kanya si Daddy na halatang gulat at si Mommy nama'y tumango sa akin. Tahimik akong sumunod kay Kuya na nasa kwarto ko.
"Wear your jacket. Ako na magbababa ng gamit mo." Utos ni Kuya at hinigit na ang maleta ko pababa.
Nagkiss ako kay Mommy at tumango na lang kay Daddy na igting ang panga. Tahimik si Kuya habang nagmamaneho. Nakatingin ako sa kanya.
"Pagpasensyahan mo na si Daddy. You stay on my condo. It's safe even if you're alone. Some of the floor neighbors are students from our school."
Nang makapasok na ako sa condo tower ay iniwan na ako ni Kuya. Tinanguan ako ng guard dahil kilala niya ako. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang last floor bago ang penthouse.
Maliit ang unit kung pamilya kayong titira. Dahil mag-isa lang ako, sobrang lawak noon para sa akin. Kulay puti at beige ang kukay ng furniture. Inayos ko ang gamit ko sa cabinets bago humiga sa kama.
Alas dyis na ng makaramdam ako muli ng gutom. Pinilit kong matulog na para hindi mabawasan ang aking pera sa atm pero malalakas ang pagkulo noon kaya napilitan akong kunin ang wallet ko.
Nagsuot ako ng jacket bago bumaba. Naghihintay ako ng lift ng may maingay na lalakeng dumating. Panay ang tawa niya sa kausap niya sa telepono. Bumukas ang lift at nauna ako. Pinapanalangin ko na huwag sumakay iyong lalaki dahil ang lakas talaga ng tawa niya.
Nakalimutan niya ba na alas dyis na at baka natutulog na ang mga tao dito? Nakakaistorbo kasi ang tawa niya. Iyong tipong parang may sinok pa. Tinitigan ko ang kanyang mukha. He's tall, wearing v-neck shirt at nakajersey shorts. Mukhang dito siya nakatira. Kailangan kong iwasan ang kapitbahay ko na ito.
Tinitigan ko na lang ang pababang numero ng lift ng kumulo ang tiyan ko. Hinawakan ko ang tiyan ko at kita ko ang pagsulyap sa akin noong lalaki.
"Yeah, dude. Need to go. Thanks." Pinatay niya ang tawag at tumingin na naman sa akin.
Yumuko ako at mas lalong tinakipan ng hoodie ang mukha ko sa hiya.
"Hoy. Bago ka rito or bisita ka lang?" Tanong niya.
Hindi ako sumagot at nagpretend na isang cactus ang annoying na lalaking ito. Isa pa, nakakahiya iyong nangyari.
"Hoy, miss!" Tawag niya ulit.
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagsigaw.
"Hoy!"
"Hoy!"
Nang mairita ako ay padabog kong binaba ang hood ng aking jacket at halos batuhin ko siya ng wallet ko.
"Pwede ba?! Hindi 'hoy' ang name ko!" Sigaw ko.
Nawala naman iyong ngiti niya at halatang nagulat sa pagsigaw ko. Tinaas niya ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko na siya.
"I'm sorry, Hoy." Aniya at mabilis na tinakipan ang bibig nang mapagtanto ang sinabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin at nagmadaling lumabas sa lift ng makarating ito sa ground floor. Nakasunod naman siya sa akin. Dahil para siyang si daddy long legs ay naabutan niya agad ako. Pumasok ako sa convenient store na nasa ground floor lang para bumili ng cup noodles. Nagpasalamat naman ako nang humiwalay si Mr. Annoying noong pumasok ako sa convenient store.
Nakapila na ako hawak ang cup noodles at bar ng cadbury ng lumabas ito na nakabihis na kagaya ng mga staff. Malaki ang ngisi niya ng dumiretso sa counter. Tinapik niya ang babaeng cashier at pinalitan ito.
"Magandang gabi, hoy!" Bati niya. Hindi ako nagsalita. Binaba ko ang pinamili ko at nang babayaran ko na ay hindi niya tinanggap.
"This is all on me, Miss hoy. Treat this as welcome treat to my neighbor." Ngiti niya.
Hindi na ako nakipagtalo. Hinayaan ko siyang ilagay iyon sa paperbag.
"Thank you." Sabi ko at binuhat na ang paperbag.
Hinayaan niya naman akong umalis doon. Tahimik kong binuksan ang chocolate bar habang nasa lift dahil gutom na talaga ako ng bumukas na naman ito makalampas ang ilang floor.
Halos mabuwal ako ng makitang si Diego iyon na kunot ang noo ng makita ako. Sa gilid niya ay babaeng maikli ang buhok.
"Gaisano?"
Nakatitig lang ako sa kanya. He lives here? Tumabi ako at mahigpit na hinawakan ang paperbag.
"You know her, babe?" Sabi noong babae at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Kita ko ang pagsimangot niya sa pajama kong suot.
"Uh. Yeah." Pumasok na sila at nasa tabihan ko si Diego na nakatingin pa rin sa akin. May akusasyon sa kanyang mukha.
"Are you stalking him? Really, Gaisano?" Tanong niya. Umirap ako sa kawalan. Who's stalking who?
"Don't know what you're talking about. I live here, Diego."
"What floor? Kailan pa? Bakit hindi kita nakikita rito?" Hindi makapaniwalang mga tanong niya. Tumaas din ang kilay ko.
"17th floor." Simpleng sagot ko.
I don't see why I need to talk to him. Kagaya nga ng sinabi ko... ayoko na ng kahit na anong koneksyon sa kanilang tatlo.
My family's business is failing and I don't wanna lose my focus on my studies. Hindi iyon magiging posible kung lalapit ako sa three idiots.
"I'm living there, too." Ani Diego.
Does that mean na neighbor ko siya? What the heck? Huwag mong sabihing tapunan ng annoying neighbors ang 17th floor? Bakit ang swerte ko at dito pa talaga sa condo tower na ito?
Nilingon ko siya at ang girlfriend niyang nanggagalaiti na sa isang tabi. Tamad na nakatingin sa akin si Diego.
"Malas ko naman kung ganun." Sarcastic na sabi ko.
Ngumisi si Diego at inalis iyong pagkakahawak ng kanyang girlfriend sa kanya. Kita ko ang disappointment noong babae.
Sabagay. Gwapo din naman kasi itong si Diego, mahangin lang ang ulo. Kumbaga sa three idiots siya itong gusto may basag ulo palagi. Pati nga babae pimapatulan nito eh.
"Ikaw pa ang malas? Talaga lang ha?" Halata mong nagpipigil ng inis. Napangisi ako sa nakuhang reaksyon. Ganyan nga, mainis ka diyan.
Natuwa naman ako ng makarating na sa floor namin. Iniwan ko sila ng girlfriend niyang hipon at naglakad papunta sa unit ko. Di pa ako nakakapag-enter ng passcode ko ng may lumabas sa tabing unit ko. Nakashorts din ito at simpleng shirt. Natigilan din siya ng makita ako ngunit mabilis na napalitan ng ngiti.
"Hi, Eligia!" Bati niya. Para namang nakakita ako ng anghel dahil napakainosente ng boses niya.
"Ikaw rin?" I asked.
Kumunot ang noo niya at tinuro ang sarili niya.
"Anong ako rin?" He innocently asked.
"You live here, too?" Tanong ko.
Tumango si Kit sa akin at tinuro ang unit niya. Napalunok ako. Two out of three idiots live here. Right! At ka-floor ko pa. Napakalaking problema nito kung gusto kong magkaroon ng tahimik na buhay!
"Huwag mong sabihing dito rin nakatira ang anak ng dilim?" Hindi ko napigilang sabihin.
"Anak ng dilim?"
Maya-maya pa ay tumawa siya nang may napagtanto. Para namang nag-ugat ako sa kinatatayuan ko.
"Right! Anak ng dilim! I know who that is."
Tinuro niya ang kisame. Napatingin naman ako roon at binalik din sa kanya ng wala akong makita doon kundi ilaw.
"Nandun ang anak ng dilim."
Tumatawa niyang sinabi. Para namang akong naghang dahil hindi ko nagets. Tanging naguguluhang reaksyon lang ang naipakita ko. Naglakad na siya at iniwan akong tulala. Hindi pa siya nakakalayo ng lingunin ko siya.
"What do you mean, Kit Chavez!"
Nilingon niya ako. Namulsa siya at tumawa. Pero hindi nagsalita. Bagkus ay bumalik siya sa paglalakad at tinaas niya ang kamay para kumaway.
What the hell does that mean?