SIXTEEN: Tonight

2934 Words
“Bea, you’re off-key again. Okay ka lang ba?” Puna sa akin ng lead guitarist ng banda na si Gerard. Lahat sila ay tumigil sa pagtugtog at tumingin sa akin. Napahigpit ang hawak ko sa microphone stand. Ngumiti ako sa kanya. “Sorry. Medyo pagod lang siguro. Marami akong ginawa kaninang umaga.” “Mukha kang magkakasakit.” Ani ng keyboardist na si Athena, girlfriend ni Gerard. “Pagpasok mo pa lang, kita ko na agad ang pananamlay mo.” “Pansin ko nga rin. Ang putla mo pa, Bea. Nilaglagnat ka ba? Sabihin mo sa amin kung kaya mong iraos ang gig tonight dahil kung hindi, baka mapakiusapan natin si Adeline na pumalit muna sa’yo. Mukhang wala namang lakad ang babaeng yun ngayon.” Si Arnel, drummer ng banda. Ang tinutukoy niyang Adeline ay ang singer ng bar tuwing MWF. “Pero magpaalam tayo kay manager. Baka masita tayo eh. Mabenta pa naman ang bar pag ganitong weekends dahil ang ibang parokyano ay ikaw ang inaabangan.” Si Allan, ang bassist ng grupo. Umiling ako sa kanilang lahat at tumawa. “Sa tagal na nating magkasama, hindi nyo pa rin ba ako kilala? Ilang beses na ako’y nilalagnat pero nagtatrabaho pa rin. Tsaka, wala akong lagnat to begin with. Medyo pagod lang talaga.” Paliwanag ko. “Ang lungkot ng mata mo kasi.” Salita ni Athena. “Pagod nga kasi, ate.” Maktol ko. Gusto kong lubayan na nila ako sa pagtatanong. Nauubusan na ako ng lakas para idepensa ang sarili ko. Ilang gabi akong walang tulog mula nang araw na narinig ko ang usapan nilang mag-ama. Balisa ako at di mapalagay. Hindi ko naman kasi pwedeng ipagwalang bahala. Okay lang sana kung wala akong nararamdaman kay Alejandro. But the fact that I have already told him about my true feelings, I feel I’ve been played. I wish he had told me the plan beforehand; I would have drawn the line myself. Nang dumating ako sa sentro kaninang umaga ay nagkulong lang din ako sa kwarto ko. Halos binaligtad ko ang kwarto ko at inubos ang lahat ng oras at lakas sa pagkukuskos at paglilinis. Nangapitbahay pa ako sandali at nag-alok ako kung anuman ang maitutulong ko sa kanila. Kahit pa siguro pagkuskusin nila ako ng inidoro, gagawin ko. I just want to keep myself busy para mawaglit pansamantala si Alejandro sa aking isipan. “Okay, rehearsal done. See you tonight.” Ani ni Gerard. Nakahinga ako nang maluwag. Mabuti naman at hindi na pinansin pa ng mga ito ang pagiging moody ko. Kinuha ko ang bag ko na nakalapag sa sahig. Sinukbit ko iyon sa aking balikat. My hands are itching to check my phone, but I got tired from doing it since yesterday. Alejandro didn’t send me a message. I don’t think he will send one today. “Bea, may sundo ka.” Singit ni kuya Virgil, ang cleaner ng club. Kasalukuyan itong nagma-mop ng sahig. Kumunot ang noo ko at nilipat ang tingin sa entrance. Tyler waved his hand when our eyes met. Nakapamulsa ang isang kamay nito habang ang isa ay may hawak na plastic. Kilala ko ang plastic na yun. Nag-take out ito ng pagkain mula sa paborito kong restaurant. Sa kauna-unahang pagkakataon, napangiti ako. “Yun oh. Ngumiti din bunso natin.” Pang-asar ni Allan. Lahat sila ay binigyan ako ng mapanuksong ngisi. Athena even managed to wink at me. Gerard put his arm on her shoulder. I rolled my eyes at them. “Kaibigan ko lang siya.” “Lahat naman ay nagsisimula sa pagiging magkaibigan, di ba?” “Naman.” Pakuro nilang sagot. “Pero hindi lahat ng magkaibigan ay nagkakaibigan. At hindi lahat ng nagkakaibigan ay may katiyakang magiging sila hanggang huli.” Ngumungusong sambit ko. Tila may punyal na bumaon sa puso ko. Alejandro and I will never happen. Sa agwat pa lang ng estado ng buhay namin, malabo na. Mas lalo na ngayong di ko tiyak kung may katugon din ba ang damdamin ko sa kanya. Alejandro made me feel like he cares about me. He made me feel like I am the most beautiful woman in the world whenever he stared at me. He made me feel loved. He made me feel complete. Pero kung susumahin, hindi iyon magiging sapat. Lalo na’t hindi ko ito lubusang kilala at meron pa itong tinatagong sekreto sa akin. Napasulyap ako sa magkatipan nang magsalita si Athena. “May point ka bunso. Ganyan na ganyan kami ng lalakeng ‘to. Naging magbarkada at nagkaibigan pero lagi namang nag-aaway sa simpleng bagay.” “Babe, tayo pa rin naman hanggang ngayon at wala akong balak na bitawan ka. Nagkamali man, pero naitatama din sa bandang huli, di ba.” He kissed Athena on the cheek. “Hay naku, nakakapagod din na kaming mga babae ang laging handing umunawa sa mga kagaguhan nyong mga lalake. May hangganan din ang lahat. Kaya wag mo nalang din akong sagarin, Gerard. Makita mo isang araw, wala na pala ako sa tabi mo.” “Babe naman. Bakit napunta sa akin ang usapan. Pambihira naman oh.” Nagkamot ito sa batok. Nagtawanan ang mga ka-banda nila. Umiling ako at umismid sa kanila. “Mauuna na ako sa inyo. See you later.” I waved at them. “See you bunso.” Athena replied. Bumaba agad ako sa ministage at nilapitan si Tyler na tahimik lang na naupo sa bakanteng upuan. “Hi!” “Hello.” He smiled. He removed his cap and combed his wavy hair using his fingers. “Narinig ko yung pinag-uusapan nyo ha. Gusto ko sanang magsabi ng opinyon.” “At ano naman ang kaya ang opinyon mo?” “Na taliwas sa iniisip nyong mga babae, hindi lahat ng lalake ay pare-pareho. Maraming gago sa panahon ngayon. Maraming manloloko. Pero hindi naman lahat. May ibang lalake na mas piniling magmahal ng palihim dahil malaki ang respeto niya sa babae. Takot siya na baka pag nalaman ng babae ang totoong saloobin nito, makakasira iyon sa kanilang pagkakaibigan. May mga lalakeng mas pinipiling itago ang nararamdaman hangga’t alam nilang hindi pa handa makipag-relasyon ang babaeng nagugustuhan nila. For me, that’s how you should respect the woman you like—wait for her until she’s ready.” He grinned. Lumabas ang pilyong biloy nito sa magkabilaang labi. I looked at him suspiciously. “May nagugustuhan ka ba ngayon?” Nilakipan ko ng panunukso ang boses ko. He nodded. “Meron. Pero sa palagay ko ay hindi pa siya handa. Siguro ay hihintayin ko munang makapagtapos siya ng pag-aaral.” “Talaga? Ang loyal mo naman.” Tyler looked straight to my eyes. “Because she deserves a man who will treat her like she’s the most important thing in the world. And because she’s that important, the man is willing to wait no matter how long it will take.” I chewed my lower lip at piniling alisin ang tingin ko sa kanya. Ang lalim kasi ng pagkakatitig niya sa akin at medyo naaasiwa ako. “Ang lucky naman ng babaeng nagugustuhan mo.” “No. Mas maswerte ako kung sakaling piliin niyang ibigin ang isang katulad ko. Kaya nga, ngayon pa lang, pagsusumikapan ko ang makapagtapos ng pag-aaral para makahanap ako ng magandang trabaho pagkatapos.” He answered. “Ah. Mabuti yan.” Tanging sagot ko. Tyler leaned forward at sinalat ang aking noo. “You look sick, Bea. Nangangalumata ka. Okay ka lang?” “Oo naman. Ako pa ba.” Tyler didn’t buy my reason. Tumayo ito. “May oras pa naman tayo bago magbukas ang bar. Uwi muna tayo sa boarding house para makakain ka nitong dala ko. Ibibili na rin tuloy kita ng gamut sa botika.” Walking distance lang naman ang bar pero pagkatapos kasi ng rehearsal ay hindi na ako umuuwi sa boarding house. Sa dressing room na inilaan sa amin ako tumambay at nagpapalipas ng oras. Sa suhistyon ni Tyler ay gusto kong tumanggi pero ang seryoso nitong mukha ang nagpatigil sa akin. Instead of rebutting, I found myself nodding. Ang totoo ay hindi talaga mabuti ang pakiramdam ko. Iidlip nalang siguro ako sa kwarto ko ng ilang minuto bago ako babalik dito sa bar. Tyler held me on the arm as we both walking out of the bar. “Para sa akin pala yang pagkain na dala mo? Magkano at babayaran ko.” Salita ko nang nasa labas na kami. Tyler clicked his tongue. “Kailan ba ako nagpabayad sa bawat pagkaing binibili ko para sa’yo, Bea?” Nagkibit-balikat ako. “There’s always a first time.” “Not on my watch.” Ngumuso ako. “Baka masanay ako sa mga paganyan mo Tyler ha.” “Okay lang. Masanay ka, Bea. Anything for you. Malakas ka sa akin eh.” He winked. I can’t help but to raise an eyebrow. “Paano mo nasabi?” I chuckled. That meme had me laughing whenever I saw it on my f*******: feed. “Because…you’re my friend.” He spoke but he looked away. Mapait na ngumiti ako. Alam kong kaya kong turuan ang puso kong magmahal ng iba. Pero sa ngayon, hindi ko pa kaya. Ayoko ring magpakita ng interes sa mga pahiwatig ni Tyler dahil ayoko ring magpaasa ng tao. Tyler deserves a girl way better than me. at alam ko rin ang pakiramdam ng umaasa. Masakit umasa. At ang pinakamasakit sa lahat, yung kahit nasasaktan ka na, hindi mo pa rin kayang pigilan ang sarili mong umasa, umaasam sa mga bagay na kahit alam mong malabong mangyari, pinanghahawakan mo pa rin. I clutched my bag tightly. Praying that when I check my notification later, Alejandro’s message is there, waiting for me to open it. Nang makarating sa boarding house, dumiretso kami sa kusina. Tyler prepared everything. He’s very attentive. Nilagay niya ang pagkain sa pinggang kinuha nito at pinaglagyan din ako ng tubig sa aking baso. “Thank you.” Wika ko. “Eat. Don’t mind me. Kumain na ako bago kita sinundo.” “Bakit mo nga pala ako sinundo? Nakakapataka lang ha. Madalas ay sa gabi ka na nagpapakita sa akin.” Sumubo ako ng kanin. “Nagtext si Tiya kanina sa akin. Gumala ka daw sa bahay at tumulong sa kanya.” “Inutusan ka ng tiya mong ibili ako ng pagkain?” Tyler poked my forehead. “Sira. Nadadaanan kasi ang bar mo galing sa pinapasukan kong part-time. Naisipan kong dumaan.” Hinimas ko ang aking noo. Alejandro used to poke me on the forehead whenever I say silly things. His anooyed face appeared at the back of my head. Umiling ako. I should really stop thinking about him. Kahit wala akong ganang kumain ay pinilit ko pa ring ubusin iyon dahil ayokong masayang ang perang pinambili nito. I took the paracetamol Tyler had bought for me. “Salamat. Wala naman kasi akong lagnat. Hay naku.” Reklamo ko na tumatawa. Ngumuso lamang ito sa akin. “Pain reliever na rin yan. Kung anuman ang masakit sa’yo, mawawala yan pagtalab ng gamut.” Yumuko ako at nilaro ang mga daliri sa ibabaw ng aking kandungan. “Sana nga kayang pawiin ng gamut ang nararamdaman ko.” I whispered. “C’mon. Go upstairs and take a nap. Ako na ang bahala dito.” I snorted. “Ako na. Para dalawang plato lang, kutsara at baso, Tyler.” “I insist. Ihahatid na rin kita mamaya pabalik sa bar and I might stay.” “Ty—” “Beh, just let me, okay? Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya sa mga simpleng bagay na ito. Ibigay mo na sa akin ‘to, please?” He pleaded as his eyes showed deep emotion I could not reach. Wala sa loob na tumango ako. I went to my room quietly. Pagdating sa loob, nanghihinang napaupo ako sa kama. Tinanggal ko ang bag mula sa pagkakasabit sa aking balikat. I fished for my phone inside the bag with a trembling hand. Pigil-hiningang ini-ON ko iyon. Lumundag ang puso ko when I received a message alert tone. At halos kapusan ako ng hininga when I read Alejandro’s name in my inbox. Kagat-labing binuksan ko ang text niya. . It was just a simple dot. A dot. A freaking D.O.T! My nostrils flared. Ano na naman kaya ang trip ng lalakeng ‘to? I hit the reply button. Me: What’s with the dot? Did you, by any chance, forget how to use your keypad, Ser? Kagat-labing naghintay ako sa kanyang tugon. Alejandro: I sent the dot to confirm that I am still alive, even though I am dying inside without you. You probably hate me now, but I know you’re also worried. I’m not okay to be honest, but I have be coz I don’t want you to worry about me. The bottom line is, I missed you, baby. I missed you so bad. I pouted sabay ng pagtingala para pigilan ang pamumuo ng mga luha. Tangina. Kailan pa ako naging iyakin? Nakakasura. Me: Okay. Alejandro: Do you miss me? Please send dot to confirm. I beg you. I huffed. Demanding ka na naman, Ser? I sighed at nahiga sa aking single bed. What should I reply? Me: I want to clarify. I don’t hate you. I’m just mad at you and yes, upset. Alejandro: My mother will snatch my phone any time soon. Send dot to confirm that you missed me, baby. I sighed in resignation. The marupok Bea is back again. Nope, dahil lang 'to sa gamut. I hit reply. Me: ……………………………… Alejandro: NOTED. Noted? And what’s with the capslock? Hay naku, Alejandro. Mas masahol ka pa sa reseta ng doktor. Ang hirap mong basahin. Sa kakaisip sa kanya ay hindi napigilang pumikit at hinyaan ang sariling maka-idlip. I woke up when I feel chills all over my body. Pinagpapawisan ako pero giniginaw. I am under the weather pero pinilit ko pa ring bumangon at mag-ayos. Iinom nalang ako ng panibagong gamut bago sumalang. I had no messages received. Alejandro is probably having his dinner by now. Katulad ng sinabi ni Tyler, he accompanied me back to the bar. Kahit anong tanggi ko ay hindi nagpapapigil ito. “I have to go somewhere, beh. May magpapa-repair ng computer sa kabilang kanto. Babalik din ako kapag naayos ko na.” Ani nito. Tumango ako sa kanya. “Sige lang. Kung may iba ka pang gagawin, gawin mo, Tyler. Kaya ko namang bumaliks boarding house na mag-isa. Wala ka talagang tiwala sa akin.” Sinuntok ko nang mahina ang braso nito. He laughed. “Basta babalik ako. Sabay na tayo sa pag-uwi.” He made a salute bago ito tumalikod sa akin. Sa dressing room, nag-stretching ako na ikinatawa ni Athena. She’s applying her make up at the moment. “Anong ginagawa mo, bunso?” “Shaking off the nerves.” Pero ang totoo ay para lamang hindi ako lamigin. Kanina pa kasi nagsisitayuan ang balahibo sa katawan ko. Tingin ko naman ay mairaraos ko ang gig tonight dahil hindi naman ganun kasakit ang ulo ko. Giniginaw lang talaga ako. “Kinakabahan ka? Bakit naman daw?” “Medyo lang naman ate. Sana lang hindi pang-senti ang mga request na kanta ng customers ngayon noh?” Naupo ako sa bakanteng upuan. “Kayang-kaya mo yan ah. Ikaw pa. Magaling ka maglabas ng emosyon every time you deliver a song. Minsan nga ay naiiyak pa ang ibang costumer eh. Ganyan ka ka-effective as a singer, kaya ubos bilib ko sa’yo eh.” Ngumiti ako. “Thank you.” Mayamaya lang ay lumabas na kaming dalawa ni Athena. Ang mga lalake ay nasa stage na, handang handa na para tumugtog. Pinilig ko ang aking ulo nang makaramdam ng tila pagkaliyo. Ugh. The medicine is making me dizzy and sleepy. Pag weekends, jampacked lagi ang bar. All tables are occupied. I hyped up the crowd with an upbeat song. The next segment is for song request from the audience. One girl requested a heartbreaking song. I almost snorted when I learned about it. I need to get myself together kung ayaw kong humagulhol sa harap ng mga tao. There are nights when I can’t help but cry And I wonder why you have to leave me Why did it have to end so soon When you said that you would never leave me Tell me Where did I go wrong? What did I do to make you change your mind completely When I thought This love would never end But if this love's not ours to have I'll let it go With your goodbye Ah. Ang taas siguro ng lagnat ko dahil nakikita ko si Alejandro sa entrance ng bar. His hands clasped on his lap, eyes squinting as he looks at me intently. If I am hallucinating, so be it. Kahit man lang sa nagdidiliryo kong isipan ay nakikita ko siyang maiiging nakatanaw sa akin. Ang saya ko. Kahit bunga lang siya ng aking ilusyon, sobrang saya ko. I smiled at him sweetly. Nang matapos ng kanta ay tuluyan na ring natapos ang halusinasyon ko. Wala na ang imahe nito sa entrance. I was upset. I was hoping for the impossible again. May break kami ng tatlumpung minuto. Salamat naman at gusto kong ipahinga ang kumikiro kong sentido. Hindi ko napansin ang paglapit ni Athena sa akin. “Bea, kanina ka pa tinitignan ng lalakeng yun.” “Huh?” I looked at her with confusion. “That man in the wheelchair.” I gasped and whipped my head to where she’s looking at. Sa madilim na bahagi ng bar, unti-unting nagmaterialize si Alejandro. He’s here! He’s…here. Kung ganun ay hindi siya bunga ng aking imahinasyon! Anong ginagawa niya dito? “Do you know him? Kinikilabutan ako sa paraan ng titig niya sa’yo.” She whispered. Sunod-sunod ang aking pagtango. “I know him.” My eyes still fixated on the man. Bumaba ako ng stage without breaking my eye contact to him. Natatakot akong baka sa pagkurap ko ay bigla itong maglaho na parang bula. Tumigil ako sa mismong harap nito. Pareho kong kinuyom ang mga kamao sa aking likuran. Ilang minuto kaming nagtitigan. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya ngayon. Hindi ko binigyang pansin ang dalawang lalake sa tabi nito na unti-unting lumalayo mula sa amin. “Hi.” He spoke first using his deep baritone voice. Napalulon ako. “Why…. how…. what are you doing here, Alejandro?” The man had the audacity to c**k his eyebrow at me and smirked lopsidedly. “You said you miss me, yes?” I nodded. “And I said I miss you, yes?” Tumango ulit ako. “So here I am. When you replied me with those endless dots, I know I needed to be here. I’ll go crazy if I don’t get to see you before the night ends, baby.” I expelled a deep breath; my heart is in my throat. “You are something else, Alejandro.” My voice shook at hindi na napigilan ang mapaluha. He grinned boyishly. “Baby…. I can be your everything. Come here and let me hold you tonight.” Without thinking twice, I ran to him and sat on his lap. I buried my face on his neck and breathe him in. Oh! You have no idea how much I want you to hold me tonight, Alejandro. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD