Tired
Nablangko ang isipan ko. Nawalan ng lakas ang katawan ko. Kung paano ko nagawang maglakad papalayo sa pintuan na iyon ay marahil dahil sa may sariling isip ang aking mga paa. At sa tulong ng pader na ginawa kong sandalan at gabay ay napanatili ko ang aking balanse sa kabila ng panginginig ng aking mga tuhod.
Sino ang babaeng yun? Yun ba ang kanyang fiancée? It seemed like they are in good terms now. Did Alejandro welcome her back to his life? Siguro nga ganun. Hindi naman din kasi umalis ang babae sa buhay nito, it was Alejandro who shoved her away.
Ayokong makaramdam ng sakit pero hindi ko mapigilan. Wala akong karapatang masaktan dahil hindi naman ako ang opisyal na nobya nito. Ni hindi nga pala kinlaro ni Ale kung ano ba talaga ako sa buhay niya? Kung saan ba talaga ako nakalugar sa puso niya.
Wala nga palang label ang relasyon namin. Ni hindi pa kailanman namutawi sa mga labi nito ang mga katagang nais kong marinig. Ang saklap naman ng buhay ko. Mahirap na nga, pinaglaruan pa.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya ang unang naisip ay hanapin si Senyora. Hindi ko magawang iangat ang aking tingin. Kung saan man ako dalhin ng aking mga paa ay bahala na. Lumiko ako sa direksiyong tinahak ng Senyora kanina. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako ay nabangga ako ng isang mamang kasalubong.
Malakas ang pagkakabunggo nito sa aking balikat at dahil nanghihina, I was out of balance. I was expecting to find myself on my floor, only, it did not happen. The person was able to catch me on the arm, at ang isang braso nito ay agad nakaakap sa aking baywang.
“s**t! Are you okay?” Gulat na sambit nito. “You just appeared out of nowhere, Miss.”
I was nursing my shoulder. Ang sakit ng pagkakabunggo ko sa kanya. Pinalis ko ang kanyang pagkakahawak sa akin and looked at him accusingly. “Ano ako multo na bigla na lang lilitaw kahit saan? Hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo. You did it on purpose.” Nakatingala ako kanya. Ang tangkad pala ng lalakeng ‘to.
Nagsalubong ang kilay nito. “I was looking ahead. Ikaw itong naglalakad na nakayuko. I was able to catch you. Can’t you at least say thank you?”
My nose flared. Wala ako sa huwesyo ngayon kaya ang pasensiya ko ay hindi ganoon kahaba. Lumalabas din ang sungay ko kapag ganitong masakit ang ulo at puso ko. Nangangati din ang kamay kong manapak. Masampolan kaya ang lalakeng ‘to?
“Sinabi kong saluhin mo ako? Inutusan kita? Binangga mo ako, yun yun eh. Edi sana iniwasan mo ako. Lawak-lawak ng hallway eh!”
He threw his hands in the air. “Okay, okay. My fault. Aakuin ko na lang. Kasalanan ko. Okay na, Miss? Kakalma ka na?”
Umirap ako sa kanya. Nang mahagip ng aking mata ang bakenteng upuan ay umupo ako doon. Pinili kong hindi na lamang pansinin ang lalakeng nakasunod lamang ang mga mata sa akin. Nang mabatid nito na wala na akong balak kausapin ito ay lumayo na ito sa akin. Mabuti naman.
Sumandal ako at tumingala na pikit ang mata. Saan ba ako pupunta ngayon? Tawagan ko kaya si Ate? Pero hindi ko alam kung saang parte ito ng Maynila nakatira. At hindi ko rin alam kung papayag itong makipagkita sa akin. Hindi ko na rin pala alam kung ano ang numero ng cellphone nito dahil ang huling gamit nito noong tumawag ito sa akin ay out of reach na.
“Here.”
“Ay kingina!” Naibulalas ko sa gulat. May nakalahad na iced coffee can sa mukha ko. “Bakit ka nanggugulat?!”
He twitched his mouth. “Actually, di ka na nalalayo sa multo. Ang putla ng mukha mo so baka nauuhaw ka or need mo ng energy so I bought you this.” Kinuha nito ang palad ko at nilagay doon ang malamig na coffee can.
“Close tayo? Hinihingi ko opinyon mo?” I rolled my eyes at him. Sino ba tong lalakeng ‘to at kung umasta ay kilala ako? “Pero salamat dito. Wag mo akong singilin dito ha, wala akong pambayad.” Hindi ko alam kung nadala ko ba wallet ko o baka naiwan ko sa pad ni Alejandro.
Instead of answering me, he ruffled my hair. “You should smile, young lady. Yun na lang kulang sa mukha mo para maging perpekto na.”
Tiningala ko ito. His hazel brown eyes smiled at me. Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang hitsura ng lalake. Gwapo ito at maputi. Ang kulay ng kanyang mata ay katulad ng sa kanyang buhok.
He c****d his eyebrow. Tila ito naaliw sa ilang segundong pagtitig ko sa kanya. “Finally, you see me.” He said hoarsely.
“Huh?”
“Kanina, you didn’t even bother to throw me a glance. I’m glad you did now. Muntik ko nang kwestyunin ang sarili ko.” Magaan na humalakhak ito. “You seem alone but I can’t stay longer. I have to say goodbye for now.” He winked. “Make sure to always look in front of you when you’re walking, barbie doll. Pag nakabunggo ka na naman, baka wala nang sumalo sa’yo.”
I snorted. “Hindi nga kasi ako ang nakabunggo. Ikaw yung bumunggo sa akin.” Pagpupumilit ko pa.
Umiling ito na nakangisi. “Oo na. Oo na.” He made a hand salute. “Adios, hermosa chica.” Anito at tumalikod na nakapamulsa.
Whatever is the meaning of that, I just shrugged my shoulders. Ang weird ng lalakeng yun. I hastily opened the iced-cold coffee can. Sinong matinong lalake ang manlilibre ng ganito sa babaeng hindi nito kilala? At nakatanggap pa ng katarayan mula sa akin. Mukhang ang lalakeng yun pa lang. He’s probably guilty of what he did to me. Alam ko naman na kasalanan ko. It was me who was not paying attention, pero ako itong may ganang magalit pa sa kanya. Hindi ko pa pala ito napapasalamatan sa ginawang pag-agap nito sa akin para hindi tuluyang lumagapak sa sahig. Pag nagkita ulit kami, he will have my thank you. Mukhang mabuti itong tao, si God na bahala sa kanya.
Mabilis kong naubos ang iced coffee. Pucha. Ang sarap. Ngayon lang ako nakatikim nun. Syempre, my poor self can’t relate with all these things the rich kids are having.
I glanced at my wristwatch. Malapit na mag alas diyes ng gabi. Saan ba ako matutulog? Nasaan ang Senyora? Kinuha ko ang aking cellphone mula sa aking mini backpack. May dala akong bihisan pero good for one day lamang ito. Babalik naman kami sa Palawan by Saturday. Sapat na itong dala ko. I checked my phone and was disappointed to find out na battery empty na pala ako.
Wala akong balak bumalik doon sa silid ni Lawrence. Masakit makitang magkasama silang dalawa. Actually, kaya ko, kaso hindi ko napaghandaan. Noon, I was willing to meet the woman he’s into before the accident happened. May palagay kasi akong mabait na babae ito at mahal na mahal si Alejandro. Pero ngayong may nangyari na sa amin ng lalake, hindi ko kayang makipagharapan sa kanya. Lalabas kasi na other woman ako ni Ale kung totoo ngang sila pa nito.
I clutched my chest when my heart started to throb from the pain. Paano nangyari ang lahat ng ito. Bakit ko hinayaang mangyari ang hindi dapat mangyari. Bakit hinayaan kong paglaruan ni Alejandro ang damdamin ko.
Dapat nga siguro ay naniwala na lang ako kay Senyora at hindi nalang pina-iral pa kung ano ang sinisigaw ng aking damdamin. Because at the end of this, ako pa rin naman ang masasaktan.
“Bea. Why are you here?” Senyora walked towards me. Nakaramdam ako ng ginhawa. Pwede na akong magpaalam.
Tumayo ako. “Senyora, saan po ako pwede matulog? Medyo late na po kasi. Gusto ko na po sanang magpahinga. Pwede pa po kaya makabalik sa isla ng ganitong oras?”
She rolled her eyes at me. “Sa tingin mo ganun lang kadali ang bumalik sa isla? The plane is scheduled to leave on Saturday. Bakit atat kang bumalik sa isla? Hindi mo pa ba napupuntahan si Alejandro? Don’t tell me, hindi mo nakuha ang ang instruction ko?”
“Uhm.” In times like this, it’s better to act dumb. “Opo eh. Hindi ko po kasi sigurado kung panghuling pintuan po ba ang sinabi nyo o pangalawa? Kaya naisipan kong abangan nalang kayo dito. Medyo late na rin po kasi kaya ayoko na ring abalahin pa si Sir Alejandro, Senyora. Baka—baka natutulog na po ang anak ninyo.”
“Alejandro knows I’m coming. Hinihintay ako ng panganay ko.”
“Alam niya po na dadating din ako?” Kumagat-labi ako. Kung alam niya at nadatnan ko silang ganun, sinadya niya ba iyon?
“Hindi ka importante para kailangan ko pang banggitin sa anak ko na darating akong kasama ka.” Ismid nito. “Sumunod ka sa akin.”
“Opo.” Nakayukong tugon ko dito. Hindi kaya ay patibong ito ng Senyora? Maybe yes. Dahil una pa lang ay hindi niya nagugustuhan ang atensiyong binibigay ni Ale sa akin. Maybe this is her way to make a statement. She really wants to rub the fact in my face that Alejandro and I won’t happen.
Pinagsalikop ko na lamang ang aking mga daliri at pilit pinapagaan ang loob. My god, Bea. Wag kang iiyak sa harap nila kapag pinakilala ni Ale ang babae sa’yo. Don’t you ever cry. Get your s**t together. Pull yourself together. Matatag ka. Hindi ka pinalaking iyakin at mahina. Malalampasan mo ang gabing ito na buo at hindi wasak ang puso.
We stopped at the third door. Senyora knocked three times before she turned the doorknob open. Mabilis akong yumuko. Pinanatili ko ang aking tingin sa carpeted floor.
Ayokong makita. Ayokong makita.
“Alejandro, how are you son?” I heard Senyora asked in a soft voice. I was waiting for Alejandro to answer his mother but there was no response coming from him.
Bakit si Alejandro lang ang binati nito? Where is the girl?
Nang walang makuhang sagot mula sa lalake, I decided to look up and my gaze instantly landed on his piercing eyes. His brows furrowed deeply, forming a crest on his forehead.
“Alejandro, are you okay?” Her mother asked worriedly.
Alejandro shook his head slightly and then raised his hand pointing at me. “Is that Bea behind you, Ma?” His voice was kind of uncertain.
His mother looked over her shoulder at pasimpleng umirap sa akin. “Ah. Yes, son. I decided to bring her with me. Para naman may kahalili ako sa pagbantay sa’yo.”
Alejendro’s stoic face suddenly changed. From tight lips, they were now stretched because he smiled. He was beaming at me. I wanted to smile back at him pero mas lalong pinipiga ang puso ko.
“I thought I was daydreaming. She’s really here!” He exclaimed.
“Who’s here?” Suddenly, the girl came out from the right-side door. “Tita!” She squaked when she finally realized Senyora was here in the same room.
Looking at the girl this close, mas lalo akong nanliit. Mula sa kulay tsokolate nitong buhok hanggang sa kulay ng kanyang sapatos, she’s superior in every way. The girl is taller than me. She got the right curves in all the right places. Her face…her face is immaculately beautiful.
Kung may perpektong babae sa mundo, siya na siguro iyon.
“Adrielle! When—when did you arrive, hija?” Senyora stuttered. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat. She threw me a glance bago nito ibaling ang mukha sa babae.
She kissed Senyora on the cheek. “We just arrived like two hours ago, tita. Kasama ko si Ivo pero may binisita lang din itong kaibigan na naka-confine din dito sa ospital.” Ang boses ng babae ay malamig sa pandinig.
When Adrielle finally noticed me, nagsalubong ang kilay nito. “Uhm. I didn’t know na may kasama kang dumating, tita.”
“Oh.” Tumikhim si Senyora at tila balisa at di alam ang gagawin. “Yes, she’s with me. Nagtatrabaho siya sa isla.”
“Oh, I see.” Her smile was kinda awkward pero nagawa pa rin nitong lumapit sa kinatatayuan ko. “Hi. I’m Adrielle. Nice to meet you.”
Para akong tinulos sa aking kinatatayuan. Hindi ako makapaniwala na may babaeng ganito kaganda. I tried to find my tongue. “He—hello. I’m Bea.” Tipid kong sagot nito at bahagya itong nginitian.
“Bea? Bea, the carer? You’re Alejandro’s carer? Omg! It’s really you! Alejandro talks a lot about you!” She grabbed my hand and I thought she wanted a handshake, but she pulled me and hugged me, to my surprise.
“I’m Adrielle, Alejandro’s fiancée.” She then said.
I am prepared for this, but I can’t help but to feel hurt. Gusto kong ngumiti at ipakita na masaya ako sa narinig pero namamanhid ang buong sistema ko. Literal na tumigil sa pagtibok ang puso ko.
“Ex-fiancée, may I just correct it.” Alejandro interjected and we all looked at him. His eyes remained in me, hindi ko alam pero andun ang tila pag-aalala. I looked away. Hindi ko kayang salubungin ang titig nito at baka makita nito sa aking mga mata ang nararamdaman kong pagkabigo ngayon.
“Alejandro!” Kastigo ng ina nito.
Adrielle chuckled. “It’s okay, tita. Nasanay na sa ako sa palagian niyang pag-reject sa akin. It’s plainly a word for me now. But I told him na gagawin ko ang lahat para bumalik kami sa dati.”
“Stace, let’s not go there.”
The girl smiled pero hindi nakaligtas sa akin ang pagdaan ng sakit sa kanyang mata. “You are still calling me that nickname, darling. Kahit gaano pa kaliit ang chance na meron tayo, panghahawakan ko. I have loved you since we were ten, Ale. Kung kaya mong itapon ang lahat ng meron tayo noon, ako hindi.”
Alejandro clenched his jaw. He wanted to speak but the door swung open. “Oh. Did I interrupt something?” The man carefully closed the door behind him.
Napatda ako at nanlalaki ang mata. It was him!
Nagtama ang mata namin ng lalake at alam kong nakilala niya ako. He smirked and made his way towards me. Wala sa loob na humakbang ako paatras.
Humalakhak ito nang tumapat sa harap ko. “You look scared this time. Kanina lang para kang tigre na any time ay handang manakmal.” He stretched his arm and ruffled my hair again. “Hello, barbie doll. Nagkita ulit tayo.”
Piniksi ko ang kamay nito. I looked daggers at him habang inaayos ko ang nagulong buhok.
“Do you know each other?” Alejandro asked in a dangerous tone. His eyes darkening as he looked at us alternately.
“I don’t know him.” Mabilis na sagot ko.
“I don’t know her either but she’s so cute I want to put her in my pocket.” He laughed. “I actually saw her on the hallway. I thought she was about to pass out kaya sinadya ko siyang banggain. Thanks to my reflexes, I caught her in my arms.” Tumingin ito kay Alejandro na ngayon ay nanliliit ang mata sa kanya.
“Is she working with you, bro?” Dagdag na tanong nito.
“She’s my…my carer.” Mahinang sagot ni Ale.
I did not expect him to tell everyone that I more than just a carer, but still, it cuts deep in my heart and soul. But I don’t want to appear assuming. Baka kasi kay Ale, carer lang talaga ako. My fault for taking my job into the next level. Na kahit makamundong pangangailangan nito, ginampanan at binigay ko na rin. I smiled bitterly.
“Oh I see.” The man glanced at me at inabot ang pisngi ko para haplusin. I flinched and moved away. Anong trip ng lalakeng ‘to?
“Stop it, Ivo. You’re annoying her.” Si Adrielle. “Pagpasensiyahan mo na, Bea. This cousin of mine is such a flirt.”
Tumango lang ako at yumuko. Ayoko silang tignan. Ayokong makita ang pagka-irita sa mga tingin ni Senyora sa akin. Sa mga nag-aakusang mata ni Ale. At sa naaliw na tingin ng magpinsan sa akin.
Kung may alam lang akong lugar na mapupuntahan, I would have left the moment I saw Ale with Adrielle conversing comically in the bed a while ago. Kaso yun nga, I don’t have a place to hide. Pakiramdam ko ngayon, wala akong puwang sa daigdig na ‘to.
“I would like to take a rest now.” Salita ni Ale.
“Of course, anak. Bea and I will be staying in the mansion tonight. Adrielle will be your company.”
“No. I’ll have Bea to stay with me. Si Bea lang.” May diin at finality sa boses nito.
Napalunok ako dahil silang lahat ay nakatingin sa akin. Nag-angat ng kilay si Ivo na may malisyang tingin ang pinupukol sa akin. I wanted to protest. God, how I wanted to protest. But because I am his carer, kailangan kong magpa-iwan at ang kagustuhan nito ang masusunod. I sighed inwardly. That is all I can do.
“Adrielle, sa Forbes Park ba kayo uuwi niyan? Mainam pa siguro ay sumabay na kayo sa akin total ay sa iisang subdivision lang naman tayo.” Magiliw na wika ni Senyora. She held Adrielle in the arm. Napapitlag ang babae dahil sa ginawa nito. She was busy staring at Ale who is also busy staring at me with deadpan expression.
“That’s so nice of you tita, pero dumating na ang sundo namin kaya nga pala ako naririto. Adrielle?” Ivo went to the girl’s side and draped his arm over her shoulders. “Let’s go home for now. May jetlag pa tayong pareho.”
Hindi kumibo ang babae at tumango lamang sa pinsan. She glanced at Alejandro. “Good night, darling. I’ll come tomorrow, okay?” Her voice shook. Pagkatapos ay sa akin naman itinuon ang tingin nito. “Please take care of him, Bea.” She smiled at me as her eyes glistened with tears. She was hurt.
Doon tuluyang bumigay ang emosyon kong kanina ko pa pinipigilan. Nangilid ang luha ko kaya yumuko ako at napaatras. Ngayon ko lang naintindihan ang lahat. Ako, ako ang dahilan kung bakit inaayawan na ito ni Ale. Ako ang dahilan kung bakit nasasaktan ang babae ngayon. I wiped my tears discreetly.
“Tita, about your invitation, mukhang magagawan ko po ng paraan. I think spending the rest of my summer days in the island will be worth it, this time.” Ivo spoke and looked at me with amusement. “It will be worth it.”
Nang makaalis ang magpinsan ay si Senyora naman ang nagpaalam sa anak. Halatang masama ang loob nito dahil sa pagtanggi ni Ale na si Adrielle ang magbantay sa kanya. Hindi na rin nito magawang tapunan pa ako ng tingin. Basta na lang din itong umalis, ilang minuto pagkatapos umalis ng mag-pinsan.
Kami na lamang ni Ale ang naiwan dito sa malawak na silid. Kung susumahin, malayong malayo ito sa typical na private room ng ospital. Maikukumpara ang ganda ng silid sa mga hotel room na nakikita ko lang sa telebisyon. Kung sa ibang pagkakataon, baka naglulundag na ako sa excitement. Bukod sa kaharap ko si Ale, unang beses ko ring nakaapak sa Maynila. Pero ngayon, wala akong ibang maramdaman kundi pagod.
“Is there a spare room here?’ I asked without looking at him.
In my peripheral view, I saw him pulling himself up and leaned against the headrest. “Aren’t you going to come near me so I can hold and kiss you?”
I scoffed. Tinuro ko ang nag-iisang pintuan sa kaliwa. “I think that’s a room. Kung hindi mo mamasamain, gusto ko sanang magpahinga na. Matulog ka na rin. It’s late.” I answered flatly.
“Baby, let’s talk.”
I raised my hand in the air. “Mag-uusap tayo, Ale. Pero bigyan mo ako ng pagkakataong ihanda ang sarili ko. Sa ngayon, ako muna ang pagbigyan mo. I’m tired. I am really tired.” I am physically and emotionally tired. I don’ think I can even last a minute standing at the edge of his bed.
Hapong hapo akong naglakad patungo sa pinto. I turned the doorknob open. “Good night, Ale.”
I heard him curse pero hindi ko na ito nilingon. Pumasok ako sa silid na iyon at pagkasara ko sa pinto ay nanghihinang napasandal ako doon. Kung anuman ang mapagdesisyunan ko, sana ay mapanindigan ko iyon.