Chapter 10

1783 Words

WALA sa sarili na inisang lagok ni Bella ang natitirang laman ng inuming iniwanan niya sa lamesa nila ni Mara kanina. Naabutan niya itong tahimik lamang na nakaupo at nilalantakan ang nachos at fries na mukhang in-order nito. Wala pa kasi iyon kanina. Nang lingunin siya ni Mara ay nakakunot ang noo nito. “Ang tagal mo naman! Akala ko iniwanan mo na ako,” pagmamaktol nito sa kaniya. “Sorry, marami kasing tao kanina sa comfort room. Kaya natagalan ako,” pagdadahilan ko naman dito. ‘Nagiging sinungaling ka na talaga, Bella.’ Nang mukhang binili naman nito ang palusot niya ay nakangiti siya nitong inalok ng kinakain nito. “Nagutom ako kaya um-order na ako ng mangangata natin,” sabi pa ni Mara at saka sunod-sunod na sumubo ng nachos at fries. Bukod sa medyo late na rin ay natural lamang na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD