DALAWA lang naman ang maaaring kahinatnan sa tuwing gagawa tayo ng desisyon sa ating buhay—una ay ang mapabuti ang sitwasyon at ang pangalawa naman ay ang kabaligtaran nito. It’s either we make the situation better or make it even worse. Kaya nga sabi nila, bago tayo gumawa ng hakbang ay kailangan muna natin iyong pag-isipan nang paulit-ulit. Sa kaso ni Bella, hindi niya alam kung alin doon ang kahihinatnan ng pinili niyang daan sa araw na iyon. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ng dalaga saka nakapangalumbabang ipinagpatuloy ang panonood ng tanawin mula sa bintana ng kanilang sasakyan. Halos ilang oras na rin ang nakalilipas mula nang magsimula sila sa kanilang byahe papunta ng Maynila. Habang tahimik lamang na nagmamaneho si Beast, si Bella naman ay kanina pa hindi mapakal