-=Calum’s Point of View=-
Nagising naman ako mula sa ingay sa labas ng kuwartong kinaroroonan ko at nang sumilip ako ay nakita kong abala na ang mag-anak sa paghahanda ng mga gagamitin nila papuntang Japan.
Hindi ko naman maiwasang mapailing habang pinapanood ko ang mga ito, imbes kasi na mag-ipake ng maaga ay hinihintay pa nila ang last minute.
“Good morning Calum, sorry sa ingay.” Nahihiyang sinabi ni Tita Racquel ng mapansin nitong nakatayo ako sa bandang pintuan ng kuwarto.
“Ok lang po iyon Tita, may maitutulong po ba ako sa inyo?” tanong ko dito, kita ko naman ang pag-aalinlangan nito, ngunit sandali lang iyon at inutusan na ako nitong buhatin ang mga gamit nito sa kotse na siyang sinunod ko.
Inabot din ng dalawang oras ng matapos na ang paghahanda ng mga ito, bago umalis ay nakiusap ang mag-asawa kung puwedeng sa bahay na lang nila muna ako manatili lalo na at dalawang linggo din silang mawawala at walang magtatao sa bahay.
“Hindi po ba nakakahiya?” nag-aalangan kong tanong, sa totoo lang ay hindi ko naman gugustuhin na magstay sa apartment ko, dahil maliban sa maliit ay mainit din ang tinutuluyan kong kuwarto.
“Huwag mong isipin iyon, actually ako nga nakikiusap sayo lalo na’t mahirap din kung matagal na walang tao sa bahay.” Sagot naman nito, sa narinig ay pumayag na din ako at matapos nga ang pag-uusap na iyon ay agad na silang umalis.
Kung tutuusin ay simple lang ang bahay nila Christian, pero para sa pamilya ko ay maganda at maayos na ang ganitong bahay para sa amin.
Pinangako ko sa sarili na mapapatayuan ko din ng ganitong bahay ang mga magulang at kapatid. Hindi kasi kalakihan ang sahod ni Tatang na nagtatrabaho sa government samantalang si Nanang naman ay isang simpleng maybahay lamang.
Nakakapanibago din pala na wala kang ginagawa, noon kasi ay maaga akong gigising para pumasok sa school at matapos naman ang lahat ng klase ko ay didiretso ako sa trabaho ko bilang tutor ng mga batang nahihirapan sa Math subjects.
Sandali ko munang tinignan ang email ko kung nakatanggap na ba ako ng reply sa mga inaapplyan ko, ngunit wala pa din akong nakukuhang reply sa mga ito.
Minabuti kong manood na lang ng movie na muna sa kuwarto ni Christian, nagpaalam na din naman ako dito at ok lang naman daw sa kanya kung sakaling gusto kong mag stay sa kuwarto niya.
“What to do?” sa loob loob ko, minabuti kong manood na lang muna ng TV, sakto naman at nakalog in ang account nito sa Netflix.
Mukhang tama si Christian, mukhang kailangan ko ding magrelax kahit paano, kumuha na din ako ng makakain at maiinom habang nanonood ng movie sa Netflix.
Sandali akong natigilan ng merong isang scene na parang pamilyar sa akin, pinapakita sa screen ang isang cliff, at sa hindi ko malamang dahilan ay parang may bigla sumagi sa isip ko, ngunit kahit anong isip ko ay hindi ko naman matandaan.
“Déjà vu?” sa loob loob ko, ni hindi nga ako sigurado kung macoconsider ba iyong déjà vu.
Nagpatuloy ako sa panonood ng movie hanggang makaramdam ako ng gutom, at nang tignan ko ang orasan sa bandang taas ng kuwarto ni Christian ay saka ko lang nalaman na past twelve na pala, no wonder kung bakit nagugutom na ako.
Bago lumabas ng kuwarto ni Christian ay kinuha ko na din ang cellphone ko, sakto naman na may text message ito kanina na nakasakay na daw sila sa eroplano, at magluto daw ako ng kahit na ano sa ref.
Nahihiya man ay kinapalan ko na din ang mukha ko, pero pinangako kong papalitan ko na lang ang lulutuin ko kapag lumabas na ako.
Minabuti ko na munang magsaing at matapos maisalang ang sinaing ay saka lang ako tumingin sa ref, sakto naman na may bacon doon kaya nagprito na lang ako ng bacon at itlog.
Habang naghihintay na maluto ang sinaing ay naisipan kong tignan ang f*******: account ko gamit ang cellphone ko, hindi ko mapigilan na mapangiti habang tinitignan ang mga larawan naming sa graduation, nakakatuwa na nakakalungkot din ngayong graduate na ako.
Nakakatuwa dahil matagal din naming hinintay ang araw na ito, pero nakakalungkot din, dahil mamimiss ko ang mga dati kong classmates at kapag nagstart na kaming magtrabaho ay siguradong magiging madalang na ang pagkikita ng class.
Nagpatuloy ako sa pagbrobrowser sa account ko ng may notification na lumabas para sa new message, ngunit agad naman nagsalubong ang mga kilay ko ng makita kong message iyon mula kay Ralph, hindi na ako nag-abalang basahin ang message nito at agad ko na itong blinock.
Ilang sandali nga lang ay naluto na din ang kanin, kaya naman agad akong kumain, nang matapos ay muli akong nagbalik sa kuwarto ni Christian, para muling manood ng movie.
Naubos ang buong maghapon ko sa panonood ng movie, sandali lang akong titigil kapag nakakaramdam na ako ng gutom.
Sa kuwarto na din ako ni Christian natulog, ilang beses na din naman akong nakatulog sa kuwarto nito sa tuwing may kailangan kaming tapusing projects, katulad ko ay bisexual din ito.
Guwapo naman si Christian, pero wala talaga akong nararamdaman na romantic feelings para dito, at siguradong ganoon din ito sa akin, kaya nga naging magbest friend kami, maliban pa doon ay kami na ni Ralph bago ako pumasok sa university, at naging classmate ko naman si Christian.
Muli ay agad akong nakatulog pagkahigang pagkahiga ko pa lang sa kama, ngunit ilang oras pa lang siguro akong nakakatulog ng pabalikwas akong napabangon sa kama, agad akong napahawak sa dibdib ko habang habol habol ko ang paghinga ko.
Nararamdaman ko din ang malamig na pawis sa buong katawan ko, sandali kong inikot ang mga mata ko sa kuwarto para makasigurado.
Hindi ko maintindihan ang panaginip kong iyon, nasa isang cliff daw ako katulad ng sa unang movie na pinanood ko kanina, pamilyar sa akin ang lugar na iyon, pero sigurado akong hindi ko pa napupuntahan iyon.
Minabuti ko munang bumangon para kumuha ng tubig, at matapos uminom ay agad akong nagbalik sa kuwarto, muli na naman akong nakaramdam ng pagkaantok at ilang sandali nga lang ay muli na naman akong nakatulog.
Bandang alas sais ng magising ako, pinilit kong alalahanin ang napanaginipan ko kagabi, pero kahit anong isip ko ay hindi ko na maalala ang bagay na iyon, kaya naman pinagkibit balikat ko na lang ang bagay na iyon.
Bago mag-almusal ay naisipan ko munang magjogging, sakto naman dahil ayon kay Christian ay may isang sementeryo hindi kalayuan sa kanila ang pinupuntahan ng mga tagaroon para magjogging.
Agad naman akong nagpalit ng dami at nagsuot ng running shoes, imbes na hanapin ko ang naturang sementeryo ay minabuti kong sumakay na lang ng tricycle at magpahatid doon.
Tinandaan ko naman ang daan na dinadaanan naming just In case na gusto kong magjogging uli, inabot din siguro ng mga ten minutes ng makarating kami sa lugar.
Hindi ko alam kung bakit, pero bigla ako pinanlamigan ng pakiramdam at biglang nagtayuan ang mga balahibo sa batok ng tuluyan na akong makababa sa tricycle.
PInagkibit balikat ko na lang ang bagay na iyon at matapos magbayad ay agad na akong dumiretso sa gate kung saan kailangan kong maglog sa logbook na naroon.
Madami dami na din ang tumatakbo ng mga oras na iyon, nalaman ko sa guard na napatagtanungan ko na six pala nagbubukas ang sementeryo.
Sandali muna akong nag stretching, mahirap na at baka pulikatin ako kapag tumakbo na ako, pinilit ko naman huwag pansinin ang pagtingin sa akin ng mga ilang kababaihan na napapadaan sa puwesto ko, may mangilan ngilan ding kalalakihan ang napapatingin sa direksyon ko.
Hindi naman sa pagmamayabang ay masasabi kong guwapo din ako, kung hindi ba naman ako guwapo ay mapapasagot ko ba ang pinakasikat na babae sa school naming noong high school?
Matapos ang twenty minutes ay nagsimula na akong tumakbo, agad naman sumalubong sa akin ang mabining hangin, madami din kasing puno sa sementeryo kaya kahit paano ay sariwa ang hangin, medyo nakakatakot lang dahil makikita mo talaga ang mga puntod ng mga yumao kahit saan ka tumingin.
Nakapitong ikot na din ako sa buong sementeryo ng sandali akong tumigil para habulin ang paghinga ko, minabuti ko na munang umupo sa nakita kong bato na malapit sa kinatatayuan ko.
“Ang dali mo ng hingalin Calum.” Pambubuska ko sa sarili, mga limang minute din akong naupo sa batong iyon ng magpasya akong bumalik sa pagtakbo.
“Calum…” natigilan naman ako ng parang may narinig akong boses na tumawag sa pangalan ko, sandali kong nilinga sa paligid ang mga mata ko, pero wala naman akong nakitang ibang tao na nasa malapit.
Muli ay pinagkibit balikat ko na lang ang bagay na iyon, ngunit muli ay narinig ko na naman ang pagtawag sa pangalan ko.
Sa hindi ko malamang kadahilanan ay para akong nablangko ng mapatingin ako sa dulong bahagi ng sementeryo, hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para maglakad patungo sa direksyon na iyon.
Patuloy ako sa paglalakad na para bang hindi ako aware sa paligid, basta ang alam ko lang ay kailangan kong marating ang dulong bahagi na iyon ng sementeryo, kailangan kong makita ang pinanggalingan ng boses na tumatawag sa pangalan ko.
Ilang sandali lang ay narating ko na ang bahaging iyon ng sementeryo, para mas lalong lumakas ang naturang tinig ng tuluyan akong makalapit sa nag-iisang nitso na naroon.
Natatakpan na ng matataas na talahib ang naturang nitso, halata matagal na din na hindi naasikaso ang nitsong iyon.
Parang may nagtutulak sa akin na alisin ang mga halaman na tumatakip sa naturang nitso, sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko habang unti unting lumalapit ang kamay ko sa unahang bahagi ng nitso.
“Bawal po dito.” Para naman akong natauhan ng marinig kong may nagsalita sa bandang likuran ko at nang tignan ko iyon ay nakita kong isa sa mga security guard ng sementeryo ang taong iyon.
“Sorry po…” paghingi ko ng paumanhin dito, agad akong umalis sa lugar na iyon, hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para puntahan ang bahaging iyon ng sementeryo.
Minabuti ko nang umalis na at bumalik na sa bahay nila Christian, mabuti na lang din at natandaan ko naman ang daan pabalik doon, mabuti na din iyon at nakatipid ako sa pamasahe.
Agad akong nagpunas ng pawis ,at matapos noon ay naghanda na ako ng almusal ko, hindi ko pa din masagot ang dahilan kung bakit nga ba ako nagpunta sa bahaging iyon ng sementeryo.
Nang araw na iyon ay naisipan ko namang mamasyal, kaya bandang alas dies ay naligo ako at nagbihis at nang matapos ay agad akong dumiretso sa dinaaanan na bus papunta sa mall sa bandang EDSA.
Marami rami na din mga tao sa naturang mall ng makarating ako, hindi naman iyon kataka taka dahil summer break na din naman ngayon.
Ginugol ko ang buong maghapon ko sa lugar na iyon, nagpasya lang akong umuwi ng mag aalas seis na ng gabi.
Medyo pahirapan na din ang sumakay sa bus lalo na at rush hour na din, kaya naman nakatayo ako ng sa wakas ay makasakay ako sa bus.
Past seven nan g makauwi ako, nagtake out na din ako ng kakainin ko para sa hapunan at matapos magpalit ng pambahay ay dumiretso na ako sa kuwarto ni Christian.
Doon ko na din kinain ang inuwi kong pagkain habang nanonood ng TV, bandang alas nueve ng makaramdam na ako ng antok, sandali muna akong dumiretso sa banyo na nasa labas ng kuwarto ni Christian para magtoothbrush, naghilamos na din ako ng mukha at matapos nga noon ay humiga na ako sa kama para makatulog.
Nagpabaling baling naman ako sa kama, habang patuloy na naririnig ang boses na narinig ko sa sementeryo.
Awtomatiko naman na dumilat ang mga mata ko, at para akong natrance na kusang bumangon sa kama, blangko ang isip ko habang kusang kumikilos ang katawan ko.
Nakikita ko ang dinadaanan ko, pero para namang hindi nagreregister sa akin ang mga nangyayari.
Ilang sandali lang ay nakalabas na ako ng bahay, nagpatuloy ako sa paglalakad, hanggang sa makarating na ako sa sementeryong pinuntahan ko.
Para namang nananadya na bukas ang gate, kaya doon ako pumasok. Hindi ko alintana ang kadiliman at katahimikan ng buong paligid, nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa muli ay makarating ako sa bahaging iyon ng sementeryo.
Mas madilim sa bahaging iyon ng sementeryo, pero balewala sa akin ang bagay na iyon.
Awtomatikong kumilos ang mga kamay ko para alisin ang mga halaman na nakatakip sa harapang bahagi ng nitso, hanggang sa tuluyang kong naalis ang mga halaman.
Hindi ko masyadong mabanaag ang nasa harapan ng nitso, pero masasabi kong larawan ang naroon, pero dahil madilim ay hindi ko makita ang itsura ng nasa larawan.
“Anong ginagawa ninyo dito?” nagulat naman ako ng marinig ang boses na iyon, para akong nagising mula sa isang panaginip, labis na pagtataka ko kung anong ginagawa ko sa lugar na iyon.
“Hindi ko alam…” mahina kong sinabi dito, labis na takot ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon, hindi ko kasi akalain na makakarating ako sa lugar na ito.
Naisip ko ngang baka nagsleepwalk ako, pero nakakapagtaka kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko.
Bahagya naman akong nasilaw dahil sa akin nakatapat ang flashlight ng naturang lalaki.
“Tara nap o.” halos pabulong kong sinabi dito, ngunit nakakapagtaka dahil hindi pa din ito kumikilos sa kinatatayuan niya.
“Sir…” tawag ko dito.
“Sa…sa nitso.” Tila takot na takot nitong sinabi, mas lalo tuloy kumabog ng mabilis ang puso ko sa sinabi nito, kaya naman agad napabalik ang tingin ko sa naturang nitso.
Inaasahan kong may makikita akong multo o kung anumang kababalaghan, pero wala naman akong nakitang ganoon.
“Anong ibig ninyong sabihin?” nakakunot noong tanong ko dito.
“Ang larawan sa nitso.” Sagot nito, muli ay bumalik ang tingin ko, pero this time ay parang nanglaki ang ulo ko ng tuluyan kong makita ang tinutukoy nito.
Nang dahil sa liwanag na nagmumula sa flashlight nito ay saka ko lang tuluyang nakita ang larawan sa harapan ng nitso.
Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at agad kong naramdaman ang pawis sa likod ko, hindi ako makapaniwala habang nakatingin ako sa naturang larawan.
“Kamukha ninyo ang nasa larawan…” narinig kong sinabi ng naturang lalaki, at tama ito kamukhang kamukha ko ang lalaki sa larawan.