-=Calum’s Point of View=-
Mabilis na lumipas ang mga araw, hanggang sa namalayan ko na lang na dumating na ang araw ng graduation naming
Isang linggo na din pala ang nakakalipas matapos ako masaktan ng taong masyado kong pinahalagahan, pero bakit ganoon, kahit nasaktan ako nito ay hindi ko pa din magawang magalit at kalimutan ito. Kalokohan bang maituturing na magmahal ng isang tao na hinding hindi ka kayang tanggapin?
Minabuti kong alisin sa isip ko ang nangyari sa pagtatapat kong iyon kay Sir Marco, ganoon na lang talaga siguro ang ending ng pagmamahal ko dito, isa ako sa mga taong nagmahal, pero hindi minahal.
“Cheer up Calum, graduation day ninyo na!” pagpapalakas ko sa loob ko, hindi dapat ako makaramdam ng kalungkutan lalo na at ito na ang matagal kong hinihintay ang makagraduate.
Agad naman akong bumangon sa kama ko, sakto naman na nagring ang cellphone ko at nang tignan ko iyon ay nakita kong si Christian pala ang tumatawag, kaya dali dali ko iyong sinagot.
“Calum!” bigla ko naman nailayo ang cellphone sa tenga ko ng marinig ang malakas na boses na iyon ni Christian.
“Ano ba naman, akala ko mababasag ang ear drums ko sa lakas ng boses mo.” Iritable kong sinabi dito.
“Sorry na, excited lang kasi ako, kasi naman biruin mo after four years ng pagsusunog ng kilay ay magtatapos na tayo.” Ramdam na ramdam ko ang excitement sa boses nito, hindi ko tuloy maiwasang mahawa sa mood nito.
Oo nga naman, apat na taon din ang ginugol namin, kaya dapat maging masaya ako.
Sandali muna kami nitong nag-usap sa cellphone at matapos nga ng pag-uusap naming ay agad na akong nag-ayos ng sarili ko.
Matapos maligo at makapagbihis ay handa na akong pumunta sa venue kung saan gaganapin ang graduation ng batch naming.
Nagpasabi na din ang mga magulang ko noong isang araw pa na hindi sila makakarating sa graduation ko, nakakalungkot dahil hindi nila masasaksihan ang pinaghirapan ko, hindi lang para sa sarili ko kung hindi din para sa kanila at sa nakababata kong kapatid.
Minabuti kong magtaxi na lang, para maiwasang malukot ang dala dala kong toga, isang ngiti naman ang gumuhit sa mga labi ko habang sakay ng taxi.
Madaming nangyari sa akin magmula ng magkolehiyo ako. Madaming magagandang nangyari, pero madami din hindi magandang nangyari, pero kahit ganoon ay nagpapasalamat ako sa lahat ng experiences ko, dahil sa mga naranasan ko ay mas lalo akong tumibay.
Iisipin ko na lang na hindi magandang pangyayari ang naranasan ko kay Sir Marco, isang karanasan na magiging aral para sa akin, para mas lalo akong tumibay.
“Sir nandito nap o tayo.” Nagising lang ako sa malalim kong pag-iisip ng marinig na magsalita ang driver at nang tumingin ako sa labas ay doon ko lang nalaman na nakarating na pala kami sa venue.
Agad akong nagbayad at matapos noon ay dali dali akong bumaba ng sasakyan, sakto naman na kararating lang ni Christian na agad na yumakap sa akin.
“Let’s go.” Nakangiting aya nito sa akin, sandali naman akong bumati sa mga magulang nito, at matapos nga noon ay dumiretso na kami sa loob.
Agad kaming nagsuot ng toga, at makalipas ang thirty minutes ay nagsimula na event.
Tahimik lang ako habang hinihintay na matawag ang pangalan ko, ilang sandali lang ay pinatayo na ang linya naming, para pumila malapit sa stage.
“Calum Ortega!” isang malalim na paghinga ang ginawa ko, bago ako tuluyang naglakad papunta sa stage.
“Congratulation.” Nakangiting bati sa akin ng dean namin, sabay aboy ng diploma, pinaharap naman ako nito para makuhanan ako ng picture.
Sa pagharap kong iyon ay natigilan ako ng makita ko ang kasama ni Christian, nauna kasi itong tawagin kanina.
Agad kong naramdaman ang pag-iinit ng mga mata ko, habang nakatingin sa mga magulang ko, ang buong akala ko kasi ay hindi sila makakarating sa graduation ko.
Dali dali naman akong bumaba sa stage at dumiretso sa kung saan ko nakita ang mga magulang ko, mas lalong lumobo ang puso ko ng makita kong proud sila sa akin.
“Congratulation anak.” Emosyonal na salubong sa akin Nanang, agad naman akong napayakap sa kanila.
“A…akala ko po hindi kayo makakadalo sa graduation ko?” nagtatakang tanong ko sa kanila.
“Gusto ka lang namin sopresahin, maari ba naman na hindi naming tunghayan ang pagtatapos mo? Sobra kaming proud ng Nanang mo.” Narinig kong sinabi ni Tatang habang maghipit nitong hinawakan ang balikat ko.
Muli ko na namang naramdaman ang pangingilid ng mga luha sa mga mata ko, nagdecide ang mga magulang ko na icelebrate ang pagtatapos kong iyon, kaya naman dinala ko sila sa isang hindi kamahalan na restaurant na alam ko, at kahit anong pilit ni Tatang ay ako na ang nagbayad ng bill namin, habang nag-aaral kasi ay may mga sideline din naman akong trabaho kaya kahit paano ay may natatabi akong pera.
Matapos kumain ay nagpahatid na din ang mga ito sa sakayan ng bus, kailangan din kasi nilang bumalik, dahil pinabantayan lang sa isa kong tiyahin ang nakakabata kong kapatid.
“Kailan mo ba balak bumalik sa atin?” tanong ni Nanang habang hinihintay naming na umalis ang bus na sasakyan nila ni Tatang.
“Hindi ko pa po alam, balak ko kasing mag apply agad para naman makatulong ako sa inyo ni Tatang.” Nakangiti kong sagot.
“Salamat anak, pero magpahinga ka muna, alam ko naman na maliban sa pag-aaral ay nagtatrabaho ka din, mag-enjoy ka na muna.” Sinabi nito, ngumiti na lang ako bilang sagot sa sinabi nito.
Matapos ang twenty minutes ay nagtawag na ang kundoktor, kaya naman agad na din akong nagpaalam sa mga magulang ko, pinangako ko naman sa sarili ko na hindi matatapos ang taon at dadalaw ako sa bahay namin sa Ilocos.
Hindi ako umalis sa terminal ng bus hanggang hindi nawawala sa paningin ko ang bus na sinakyan nila Tatang.
Paalis na sana ako ng isang imahe ang tumawag ng atensyon ko, bigla naman kumabog ng mabilis ang puso kasunod ng sakit ng tuluyan kong makita ang taong nanakit sa damdamin ko.
Sandali ko lang napagmasdan ang guwapo nitong mukha, dahil agad na din itong sumakay ng bus, hindi ko na tinignan kung saan patungo ang bus na iyon, dahil hindi na din naman mahalaga na malaman ko pa iyon, pinangako ko na sa sarili ko na pipilitin kong kalimutan ito, tutal naman ay wala na ding saysay pa na isipin ko pa ito lalo na at sigurado akong hindi ko na ito makikitang muli.
Pauwi na sana ako sa apartment ko ng makatanggap ako ng tawag mula kay Christian, humiwalay na daw ito sa mga magulang nito at inaaya ako nitong magbar, at dahil wala na din naman akong gagawin ay pumayag akong makipagkita dito.
Sa bandang BGC ang binanggit nitong bar, madami nang tao ng makarating ako sa naturang lugar, hindi naman kataka taka lalo na’t madami kaming kasabay na school na ngayong araw din ginanap ang graduation.
“Nasaan ka na?” tanong ko kay Christian ng tawagan ko ito sa cellphone niya.
“Nasa loob na, nasa labas ka na ba?” tanong naman nito, agad kong pinaalam kung nasaan ako nakapuwesto at ilang sandali nga lang ay nakita ko agad ito na papalapit sa akin.
“Let’s party!” excited nitong sinabi, napapailing na lang ako sa pinapakita nitong excitement.
Halos hindi kami magkarinigan nito, kaya kailangan pa naming ilapit ang mga mukha naming sa tenga ng isa’t isa.
“Kailangan ko ding umuwi ng maaga!” pasigaw nitong sinabi malapit sa tenga ko.
“Bakit naman? Akala ko pa naman magpapaabot ka dito ng umaga!” natatawang biro ko naman dito, actually, sa tuwing magbabar kami ay laging mag aalaskuwatro na ng madaling araw kung mag-aya itong umuwi.
“Sira, maaga kasi ang flight naming bukas.” Sagot naman nito, saka ko lang naalala na ang regalo ng mga magulang nito ay two weeks’ vacation sa Japan.
“Kung ganoon ay kailangan na nating magpakasaya!” natatawa kong sinabi dito.
Agad akong umorder ng isang bote ng beer, at matapos noon ay masaya na kaming nagsasayawan ni Christian, halatang halata na enjoy na enjoy ito sa pagsasayaw, maski ako man ay sobrang nag-eenjoy din, sobrang tagal na din kasi ng makapagbar ako.
“Ikaw anong balak mo?” narinig kong tanong nito nang magdecide itong umupo na muna.
“Hindi ko alam, baka maghanap na agad ako ng trabaho.” Balewalang sagot ko dito, matapos uminom ng beer na hawak ko.
“Ano ba naman yan Calum! Bakasyon naman magrelax ka kaya.” Hindi makapaniwala nitong sinabi.
“Alam mo naman na…” ngunit hindi ko natapos ang sasabihin kong iyon nang muling magsalita ni Christian.
“Yeah I know, gusto mong makahanap agad ng magandang trabaho para sa pamilya mo, pero deserve mo din naman siguro magrelax, I mean four years tayong nag-aral kaya karapatan naman natin ang magrelax bago tayo pumasok sa real life.” Napapalatak nitong sinabi.
Minabuti kong huwag nang sagutin ang sinabi nito at muli ay bumalik kami sa dance floor, napapitlag naman ako ng may maramdaman akong mga kamay na humawak sa bewang ko mula sa likod, kaya dali dali kong hinarap ang taong iyon.
“What the heck!” galit na galit kong sigaw dito.
“Chill lang Calum.” Nakangisi pa nitong sinabi na para bang hindi kami naghiwalay ng dahil sa panloloko nito sa akin.
“Leave me alone Ralph, magmula ng malaman ko ang panggagago mo sa akin ay naputol na ang ugnayan natin sa isa’t isa!” galit kong singhal dito, hindi ko din kasi maiwasang hindi sisihin ito kung bakit nagkagusto ako kay Sir Marco, kung hindi siguro kami nagkahiwalay na ito ay baka hindi ko inalagaan ang nararamdaman ko para sa Professor namin.
Alam kong mali na sisihin ko ito gayong ako nakaramdam ng pagkagusto kay Professor Marco, pero hindi ko mapigilan, dala na din marahil ng nainom kong alak.
“Come on Calum, give me a chance, mahal pa din kita.” Pagsusumamo nito, tuluyan nang nawala ang pagngisi nito kanina.
“Sorry Ralph, pero hindi na kita mahal.” Sagot ko naman dito, hinatak ko na si Christian palayo sa dance floor, mukhang walang kaalam alam ito sa pag-uusap naming iyon ni Ralph.
“Oh s**t! Mabuti na lang nahatak mo na ako.” Narinig kong sinabi nito, nalito naman ako sa sinabi nito, hanggang ipakita nito ang oras sa suot nitong wrist watch.
“Hatid na ba kita?” tanong ko dito, agad naman itong sumang-ayon at matapos bayaran ang bill naming ay agad na kaming umalis, mabuti na lang din at may taxi na naghihintay hindi kalayuan sa entrance ng bar.
Bandang alas dos ng madaling araw ng makarating na kami sa bahay ng mga magulang nito sa Caloocan, napilit na din ako nitong doon na makitulog lalo na at masyado nang late.
Dalawang palapag ang bahay na iyon nila Christian, merong tatlong kuwarto, nasa pinakamalaking kuwarto ang mga magulang ni Christian samantalang ito ay nasa second floor din, at ang bakanteng kuwarto naman ay nasa first floor.
“Magpahinga ka na, maaga pa kayo aalis mamaya.” Sinabi ko dito, matapos nitong mag goodnight ay agad na itong umakyat.
Agad naman akong nakatulog ng tuluyan na akong napag-isa dala na din marahil sa alak na nainom ko kanina sa bar, kaya naman payapa akong nakatulog sa bahay nila Christian.