"So, I guess you don't need me here, Fuego." Sambit ni Wallace, ang informer ni Peruvian sa Pilipinas. Nakasuot lang ito ng kamisetang ginupitan ng magkabilang elbow upang magmukhang rasta guy. Nakahipos din ang buhok nito na sinadyang ipa-dreadlock. Gaya ni Peruvian, may mahaba ang itong buhok, he is a half-black american guy and filipino, but, mas nanalaytay sa mukha nito ang pagiging pinoy.
"Salamat, Ace. Pakisabi na lang kay King na i-send na lang sa akin ang information sheet. Hindi ako magtatagal dito." Pormal na salita ni Peruvian gamit ang pambansang lenggwahe.
He smirked, tapping his left arm.
"Sige, basta kung ano ang kailangan mo, I'm just GPRS away." Alam ni Ace ang lahat about tracker, devices and locators since siya ang assassin na halos alam yata ang geographic altitudes at longitudes ng earth. Sinanay siya sa field na 'yon, so, ito ang maasahan ni Peruvian kapag may pinapahanap siya, lalo na't madalian.
"Mag-iingat ka." Ace said.
"Mag-ingat sila." Sabi naman ni Peruvian.
Naghiwalay ang landas nila sa pier na 'yon, kakadaong lang ng barkong sasakyan papuntang Bacolod. Nakatingin siya sa pababang mga sasakyan. Using his telescope ay nasagi ng pangingin niya ang sasakyang sinasakyan nila Romary at Charlotte.
CVH-0888, iyon ang plate number ng sasakyan.
He sent King about it, and immediately, wala pang five minutes ay na-send na nito ang lahat ng information na nakailangan niya.
The record is about Romary, anak ng isang Textile Worker, may pabrika ang mga ito, doktor ang mama nito pero namatay na at naulila agad. He paused a minute, and he remembered what she introduced to him in that f*****g one way road.
Pero mas nabigla ito nang makita ang kompletong detalye ni Romary. Isa pala itong Jaranilla! Nanlaki ang mata niya sa oras na 'yon. He didn't see it coming!
Hindi niya akalain na ito pala ang pinakasalan ng matandang ama ni Charlotte. And, in the background of it, dati palang trabahador sa pabrika ng mga Jaranilla noon ang tatay ni Romary. Nagkaideya tuloy si Peruvian ng hindi maganda.
"Clever." He smiled.
He grab his helmet and packed his things, he started to hustle that way, convoying their car.
Mas mainam na hindi siya magpahalatang sinusundan niya sila. He decide to go first in their destination, alam niya kung saan sila pupunta.
"Paradise Resort." He smirked.
Mabilis siyang nagpatakbo sa kaniyang motorsiklo, gusto niyang mauna sa resort para maasikaso ang kaniyang plano.
Wala sa plano ang gagawin niya pero dahil sa mga hindi maipaliwanag na pangyayari ay heto siya ngayon at nakabuntot sa dalawang babae na may parte sa buhay ng taong dapat niyang patayin.
Matapos ang pagpatay niya noon sa Warsow ay maayos siyang nagpunta dito sa Pilipinas para tapusin si Calixto Jaranilla, pero may mga nalaman siya tungkol sa kaniyang misyon at 'yon ang dapat niyang alamin.
Hindi siya pwedeng bumalik sa Warsow kung hindi niya mareresolba ang nangyari.
Habang nasa daan siya sa oras na 'yon ay nagbalik sa alaala ni Peruvian ang nangyari noong gabing nagawa niyang pakinggan ang isang taong dapat niyang patayin.
Flashback
"Any last words?" tanong ni Peruvian sa matandang si Gustavo Jaranilla. Nakaupo lang ito sa kaniyang mesa habang naninigarilyo. Kalmado lang ito habang nakikinig kay Peruvian.
"I waited this long to see you, hijo. Matagal na kitang hinihintay..." iyon ang sinabi ng matanda kay Peruvian, making the scene more casual and firm.
Natigilan si Peruvian sa sinabi nito.
"A-anong ibig mong sabihin?"
The old man laugh a bit to him and stroke his cigarette in the ashtray. Tumingin ito sa kaniya saka nagsalikop ng mga kamay.
"Ano ba ang gusto mong malaman?"
"What do you mean?"
"Don't answer a question with another question, hijo. Alam kong magaling kang pumatay ng tao, and I know, that you're here for me. But, before that, bibibgyan kita ng rason para tanungin ako, at sasagutin ko lahat." Mahakulugang sambit ng matanda.
"How can I get my freedom?" sambit ni Peruvian sa matanda.
Mula pagkabata niya ay hawak na siya sa leeg ng mga sindikatong kumupkop sa kaniya, naging assassin siya dahil iyon ang nakatakdang kapalit ng pagpapalaki ng mga ito sa kaniya.
"Don't kill me." Iyon ang sambit ni ginoong Gustavo.
His life is not been easier, his life is a big joke that he ever cursed a million times before. Minsan pa nga ay naiisip niyang h'wag na lang ipaalam dahil baka kaawaan lang siya nito.
"But, you need to die!"
"Hindi mo alam ang totoo, Fuego..."
Nabigla si Peruvian sa sinabi ng matanda. Kilala siya nito.
"K-kilala mo ako?"
Kakalabitinin na sana ni Peruvian nang may marinig siyang putok mula sa labas ng bintana at doo'y bumulagta na ang ginoo.
"Bullshit!" Agad itong tumakas at tumakbo. Nanganganib ang buhay niya. Nagsidatigan ang mga tauhan ng target niya.
Nang makababa siya sa gusali ay agad siyang nagbihis at mabilis na naglaho. Nagbalik sa kasalukuyan si Peruvian at ginagawa ang kaniyang pag-iimbestiga. Lulan pa rin siya ng motor, katunayan, hindi niya alam kung bakit naluluha siya. Napuwing yata siya.
Marahan siyang huminto at nag-park sa gilid that time.
"Bwesit, ano ba kasi 'tong kahibangan na ginagawa ko!" Sambit niya sa kawalan sa oras na iyon, alam niyang sa pagkakataong ipagpatuloy pa niya ang pag-iimbestiga sa pamilya ng yumaong si Gustavo Jaranilla ay baka madawit siya sa pagkamatay nito, but, the things went well, kalaonan ay marami na siyang nalaman, at gusto na niyang malaman ang lahat.
The late Gustavo Jaranilla is linked to his original father—and elsewhere, one of the secret of him will unlock the true story behind of his life. Gusto niyang makilala ang totoong pamilya niya, ang pamilyang nag-abandona sa kaniya sa pier.
Gusto niyang makita at malaman ito, gusto niyang maghiganti, masuklam, magtanong kung bakit naging ganoon ang buhay niya.
He start the engine of his motorcycle and there, wala sa isip na nakarating na pala siya sa Paradise Resort.
Nang makapasok siya sa resort ay agad siyang nag-check in at doo'y nakita ang abalang mga tao, tila may magaganap na kung ano doon.
A pageant. A show.
"Welcome, sir. Your room will be in room number 21. Sa left side po." Ngiti ng customer service desk.
Tumalima naman siya agad at tinungo iyon, sakto namang pagbukas niya ng pintuan para makapasok ay nahagip ng pangingin niya ang pigura nila Romary at Charlotte. Nasa information desk ang mga ito at tila magche-check in na sa resort.
Madali siyang pumasok sa loob at nasandal sa likuran ng pintuan. Hindi niya alam kung bakit kumakabog ang puso niya kapag nakikita niya ang babaeng iyon.
Not Charlotte, but Romary, the woman—inspite of her noisy mouth, daring attitude and warfreak persona of a woman, is the woman he like to know more about...and beyond of that, gusto niyang malaman ang lahat tungkol sa pagkatao niya.