Hindi na niya hinintay na maabotan siya nito sa may pintuan, agad na niyang tinungo ang looban saka nagsara ng pinto. Dahil na rin sa pagod, ay naisipan niyang magpalamig muna sa banyo. He want to take a shower to ease his mind and heating body.
"Bullshit, calm down, Peruv." Sambit niya habang hawak ang tuwalya, papasok na siya sa banyo that time when he heard footsteps. May nag-uusap sa labas ng pinto. He doubt himself that time if sino ang nandoon, pero pinili niyang tahakin ang banyo at magsimula sa gagawin.
Nang makapaghanda na ng shower ay nanatili siyang nakatayo doon, hawak niya ang pader sa dalawa niyang palad habang nakayuko at dinadama ang tagaktak ng tubig. It felt so right and satisfying. He close his eyes and remember her figure, hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang lahat.
Damn it! Hindi niya mapigilan ang nararamdaman. Katunayan, natatawa na lang siya habang naliligo doon.
He is in the middle of his peace when he heard someone, parang nasa loob na ito ng kwarto niya mismo.
"Damn it!" Litanya niya saka dali-daling kinuha ang tuwalya pero huli na ang lahat nang magbukas ang pinto.
"Ahhh! Manyak! May manyak sa kwarto ko!" malakas na sigaw ng babaeng nakaluwa ang mata habang nakatingin sa kaniyang kahubaran.
"Oh s**t! Close your f*****g eyes!" He cover his manhood with his hands.
"Santa maria, maawa ka sa mga birheng mata ko!"
"Lumabas ka! Go! Tsupe!" Gigil na sambit ni Peruvian, kung hindi siya nagkakamali, si Romary ang babaeng 'yon.
"Oh Jesus Christ! Sorry, hindi ko sinasadya!" sambit pa ni Romary na noo'y nakaharap na sa dingding at hindi mapirme dahil hindi nito alam ang gagawin.
Madaling nagtapis ng tuwalya si Peruvian saka lumabas ng banyo. Nakapamaywang ito.
"How dare you? You enter my freaking room, I own this for your information, miss..." makahulugang sambit pa nito sa babae.
Dahan-dahang lumingon si Romary saka nagdadalawang-isip kung ano ang sasabihing dahilan. Katunayan kasi, nagmamadali siyang pumasok sa kwartong nakahilera kasi...natatae na siya.
Hindi tuloy siya makapagsalita.
"Answer me? Are you stalking me?" sarkastikong sambit ni Peruvian sa babaeng kaharap na noo'y pinipigilang magpakawala ng kamandag, este kabag.
"I...I...uh, pwede bang gumamit ng banyo?" Halos namimipilit na ito.
Naestatwa si Peruvian, he didn't saw it coming. Hindi niya alam ang mararamdaman. He comb his wet hair.
"Uh, sige. Okey." Nawala ang angas sa mukha nito.
Madali pa sa alas kwatro si Romary na nakapasok sa banyo saka doon nag-orasyon. Napailing na lang si Peruvian that time, as he didn't expect as she was, unpredictable talaga ito. Iba ito sa mga babaeng nakilala niya.
Tumagal si Romary sa loob, katunayan. Nakatabon sa dalawang kamay niya ang kaniyang mukha habang ginagawa ang kaniyang ritwal.
"Susmeyo! Ano ba naman 'tong pinasok mo, Romary? Ang tanga mo talaga!" parusa niya sa sarili. Katunayan, hindi siya nakinig kay Charlotte, nauna kasi siya na pumunta sa kwarto, nandoon pa kasi ito sa parking lot dahil nagpipicture sa instagramable na lugar doon sa Paradise Resort.
Nang matapos ay halos ibuhos na niya ang dalang perfume sa banyo, para hindi mag-iwan ng crime scene ang ginawa niya doon.
"Nakakahiya..." giit pa niya saka dahan-dahang lumabas sa pinto.
Nang makalabas ay nakabihis na si Peruvian. Yeah, naalala niya ang pangalan nito. Katunayan, tumatak sa memorya niya ang kahambogan nito, at ang nakakabwesit na titig nito sa boobs niya last time.
Speaking of tingin...matamang nakatingin ito sa kaniya ngayon.
"You're fine? May Loperamide ako dito," Peruvian offer some medicine.
Dahil sa sinabi nito ay pinamulahan si Romary. "Uh, okey na ako, actually, salamat pala sa...offer, pero okey na ang tiyan ko." Nahihiyang sambit niya sa binata.
Tumango lang si Peruvian saka muling nag-crossed arms.
"About what you saw..."
"No, uhm, wala akong nakita, hindi ko nakitang wala kang suot," agad na awat ni Romary saka natampal ang sariling noo. She just admit that she saw it literally.
Lihim na natawa si Peruvian.
"Hmmm...hindi mo pala nakita..."
"Uh, sorry pero, kailangan ko na yatang umalis..." nagmamadaling sambit ni Romary saka tinungo ang pintuan.
"Wait." Mabilis na awat ni Peruvian saka hinawakan ang kamay ni Romary.
"If you wouldn't mind, can I have coffee later?" Pasimpleng sambit nito. He is a straight-forward guy, wala siyang dapat aksayahin na oras.
Nakita ni Peruvian ang paglunok ni Romary ng sariling laway. She is dumbfounded. Half-alive, half-almost dead.
"Ah, kuwan kasi...may ka-kasama ako," pakiwari ni Peruvian na nagiging mailap ito sa kaniya.
"Oh, don't worry, you can take whoever you want, besides, gusto ko ring makipagkilala."
"Makipagkilala?"
Peruvian nod his head. "Yes, I must know you, nakita mo na ang lahat sa akin, hindi naman siguro masama na makipagkilala no?"
She cleared her throat, parang hindi nag-fa-function ang braincells niya ngayon. Oh my god!
"Uh, s-sige."
"Good. Don't worry, it's my treat." Ngiti ni Peruvian kay Romary.
Muntikan nang malimutan ni Romary ang sadya, she must go now, baka mawala na naman sa isip niya ang gagawin. Natataranta siya sa presensya ng binata.
"Can I go now?" ulit niya rito saka dahan-dahang binuksan ang awang ng pinto.
"Yeah, sige. Take care..." Sambit ni Peruvian dito saka kumaway pa.
Nang makaalis at makalayo na si Romary ay mabilis siyang naglakad sa parking lot at hinanap si Charlotte.
"Karlota! Karlota! Karlota!" halos matisod na siya sa ginagawa.
Nakita niya ang dalaga sa may bench, hawak nito ang phone at halatang nagse-selfie.
"Girl! Madali ka! May sasabihin ako!"
"Ano ka ba naman, tita, nagse-selfie ako oh," maktol nito saka umismid.
"Makinig ka, 'yong lalaking sinasabi ko sa'yo, nandito!"
"Oh tapos?"
"I accidentally checked-in into his room, and...and..."
"And?"
Nagdadalawang-isip siya kung sasabihin ba niya ang nakita.
"Uh, kuwan, he offered me a drink, no, I mean, coffee."
Charlotte looked at her, and pinned automatically to her face, binabasa nito kung bakit siya natataranta habang nagsasalita.
"Tell me tita, are you hooking up this guy? Bakit siya nandito?"
Napaawang ang labi ni Romary that time. Katunayan, baka pag-isipan siya ng mali ni Charlotte.
"Uh, I mean, he...he wants to know you, gusto ka raw niya makilala, kaya sasamahan kita mamaya, magkakape lang naman." Pasubali niya para hindi na ito magtanong.
Nagningning ang mata ni Charlotte saka halatang na-excite.
"Really, tita?"
Pilit na ngumiti si Romary saka hinawakan ang kamay ng dalaga. "Yes, dear, kaya as your step-mother, I want to make sure that guy, okey?"
"Okey, tita." Ngiti pa nito.
Kahit kailan talaga, medyo selosa pa itong si Charlotte. Ayaw nitong nalalamangan siya, ayaw din nitong magkaroon siya ng ugnayan sa mga lalaki, lalo pa't malinaw pa sa sikat ng araw na kamamatay lang ng papa nito na siyang naging asawa niya.
Napabuntong-hininga si Romary sa oras na iyon saka inalala ang nakaraan niya. She is a damsel in distress that time, and she is hiding from someone, kaya kahit labag sa loob niya, natutunan niyang mahalin ang papa ni Charlotte.
"Tita? Okey ka lang ba? Nakatulala ka na naman..." untag ni Charlotte sa kaniya saka tumayo.
"Let's go, tara na sa kwarto natin." Ngiti nito.
Mabilis na tumayo si Romary saka sumunod sa dalaga, dala na nila ang iba pang maleta, medyo uneasy pa siya that time, lalo pa't malapit lang sa kwarto ni Peruvian ang kwarto nila.
'That moron!' Sambit ng utak niya.