SIMULA nong aminin sa kaniya ni Klyv na gusto siya nito ay nag-umpisa na itong ligawan siya. O mas tamang sabihing nagsimula ang pagkakaunawaan nilang dalawa. Madalas na sila nitong magkasama kapag parehas silang walang trabaho. Halos araw-araw na rin siyang hatid-sundo ng binata. Ito ang naging dahilan para tuluyan siyang iwasan ni Tommy. "Hanggang dito na lang ang kakayanin ng sasakyan natin." Wika ni Klyv nang makarating sila sa paanan ng ilog papunta sa ipinagmamalaki nitong falls. "Okey lang ba kung maglalakad tayo ng mahigit sa tatlumpong minuto?" Bahagyang napangiwi si Vassyleen. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng adventure. Pero naisip niyang mas exciting iyon, bagong karanasan `ika nga. Nakangiti siyang humarap sa binata. "Oo naman. Tamang-tama l