"Sana alon ka at buhangin naman ako." Bahagyang nilingon ni Vassyleen ang nobyo. Nakaupo sila noon sa dalampasigan-sa resort-na pag-aari din ni Klyv-habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Ilang buwan na rin ang kanilang relasyon na nanatili silang matatag at nagmamahalan. "Bakit?" Nagtatakang tanong ng dalaga "Kasi kahit saan ka man makarating, sa'kin pa rin ang balik mo." Pilyong tugon ni Klyv. Pabiro niya itong piningot sa ilong habang nangingislap sa kilig ang mga mata. "Inuumpisahan mo na naman ako sa mga banat mo, mahal." Natatawa siya nitong kinabig kaya nagdikit ang kanilang mga braso. "I love you, mahal." Kapagkuwa'y seryosong wika ng binata bago siya hinagkan sa buhok. "Malapit na ring matapos ang project mo dito sa Bal